Phase 1: Greeting

11 1 0
                                    





Sunod-sunod ang dating ng mga magagarang sasakyan papasok sa loob ng Divine academy. Makikita mong sa itsura pa lang ng nga ito ay tila ba nagpapasiklaban na sila at pinapahiwatig na malakas na nilalang ang nasa loob nito.

Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa loob nito o tatalikod na lang para umalis. Alam kong hindi ako nababagay sa lugar na ito. Wala akong kahit anong kapangyarihang taglay o mas tinatawag nilang trait. Ngunit natatakot ako. Kapag umayaw ako, baka ito na yung huling araw ko.

Na nginginig man ang mga paa ko, lakas loob akong dumiretso sa may gate ng paaralan. Doon, makikita mo ang mga gwardyang nakasuot ng mga itim na itim na damit. May hawak silang espada na tila ba handang makipaglaban ano mang oras kung sakaling may panganib na lumitaw.

Nang nakarating na ako sa tapat, agad akong hinarang ng mga gwardya. Tinutok nila ang kanilang mga espada sa akin at tila ba handa na kong patayin.

Kinakabahan ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko mahihimatay ako ano mang oras.

"Low-class people are not allowed in this area. You can turn away and leave or insist and die." sambit ng isang gwardya habang nakatingin sa akin.


Anong gagawin ko? Aalis na ba ako? Hindi naman yata talaga ako pwede dito.

Desidido na akong umalis at magsisiimula na sanang maglakad papalayo ng may isang lalaking kumausap sa mga gwardya.

"You can't let her go. She was selected by the committee as part of this academy from the lower class. If you dismiss her, you can be punished." hindi ko nakita ang mukha ng lalaking nagsalita. Nakatalikod siya sa mga gwardya pero batid kong isa siya sa mga estudyante sa Divine academy.


Pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na siya agad habang nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

Binalik ko ang tingin ko sa mga gwardya. Agad nilang tinanggal ang mga espandang nakatutok sa akin at hinawi ang daan para tuluyan akong makapasok. Agad akong nagpasalamat sa kanila ngunit wala ni isa sa kanila ang tumugon.

Habang nililibot ko ang paningin sa loob ng eskwelahan. Napagtanto kong napakalaki pala talaga nito. May roon itong matataas na bakod. Ang haligi ng bawat gusali ay may halong bato at ginto. Maski ang mga daanan ay napakalawak.



Bago pa man ako malula sa pagkakamangha ay dumiretso na ako sa loob. Maraming estudyante ang nandito at lahat sila ay napatingin sa akin ng pumasok ako. Hindi ko alam kung bakit. Marahil iba kasi ang pananamit na meron ako sa suot na meron sila.

Naka uniporme sila na may kulay ng pula at itim. Ang mga babaeng magaaral ay may mahabang manggas na uniporme at ang palda ay hanggang itaas ng tuhod ang haba. Ang mga lalaki naman may mahabang manggas din ang pangitaas at pantalon sa ibaba.

Nakakatunaw ang tingin nila. Hindi pa sila nagsasalita ngunit batid ko ng ayaw nila ang presensya ko sa eskwelahang ito.


"Ms. Artemis Ravena right?" napatingin ako sa babaeng nagsalita mula sa kanan ko. Sa tingin ko ay hindi lalagpas sa 30 ang edad niya. Maganda siya at may pulang buhok. Nakakaaskit kung titignan.


"Opo. Ako nga. " wika ko.


"Maligayang pagdating sa Divine academy. Maaari bang sumunod ka sa akin para sa ilang diskusyon tungkol sa mga alituntunin ng paaralan?"

Tumango ako at agad na sumunod sa kanya papunta sa kung saan. Umakyat kami sa ikaapat na palapag ng gusali at  pumasok sa isang silid na may napakalaking pinto.

Pagpasok mo dito ay makikita mo isang malaking binta na may babasaging salamin at tanaw ang malawak na lupain sa kabilang dako. Ang paligid ng silid ay puno ng libro na hindi ko mabilang kung ilan.

Sa kaliwang bahagi ng silid, may isang matandang lalaking nakaupo. Nakasalamin siya at may kulay abong buhok na marahil ay bunga ng katandaan. Napatingin siya sa amin.


"Warden, narito na po ang mag aaral mula sa lower class. "

Tumango siya at sumenyas na maupo kami sa upuan na nasa harapan niya.


"Artemis Ravena, binabati kita dahil mapalad kang tatanggap ng pagkakataong maging bahagi ng akademyang ito. Ang paaralan ay may iilan lamang na rules and regulations. Una, ang paggamit ng trait ay pinapayagan lamang sa piling oras ng klase. Pangalawa, hindi mo pwedeng gamitin ang trait na meron ka sa masamang gawain. Kapag nalaman namin ito ng commitee ay mahahatulan ka ng pagkakakulong o parusang pisikal. Pangatlo, ang pagkikipagugnayan mula sa labas ng paaralan ay hindi pinahihintulutan. Pang apat, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng ano mang sandata sa loob ng paaralan. At pang lima..." tumigil muna siya at huminga bago nagpatuloy. "Kamatayan ang parusa sa sino mang malalamang magtataksil sa paaralan."


Base sa mga sinabi niya, mas lalo akong nagdalawang isip na magpatuloy. Hindi ko alam ang gagawin ko.



"Pasensya na ho. Hindi po yata ako nababagay sa lugar na ito. Maling tao po ang napili ninyo. Wala akong trait. Wala akong kakayahang tinataglay. Hindi ako katulad ng mga estudyanteng naririto na may natatanging kakayahan." sabi ko. Totoo. Mula ako sa lower class. Anong aasahan nyo mula sa akin? Magiging pabigat lang ako.



"Lahat ay nagsimula sa wala. Maaaring wala kang kakayanan sa ngayon ngunit pagdating ng tamang oras ay maari kang maging malaking bahagi sa paaralang ito." sabi ng Warden sa akin.



"Tama siya. Kinakailangan lang ng matinding pagsasanay ang katawan mo. Mahahanap mo rin ang trait na meron ka. " wika ni Ms. Martia, ang babaeng naghatid sa akin papunta dito.


Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanila. Imposible.


May kinuhang papel ang Warden. Nakasaad dito ang kasunduang magpapatunay na bahagi na ako ng Divine academy.

"Kinakailangan mo lang itong pirmahan at tuluyan ka ng magiging ganap na estudyante ng paaralan. Huwag kang magaalala dahil hindi ka naman namin pababayaan habang hindi mo pa alam ang trait na meron ka. "


Hindi naman siguro masamang sumubok hindi ba? Masasayang rin ang pagkakataong binigay sa akin kung tatanggihan ko ang opportunity na ito.

Pinirmahan ko ang papel. Pagkatapos noon ay tumayo na kami at nagpaalam na rin si Ms. Martia na aalis na kami para samahan ako sa kwartong tutuluyan ko.


Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang pinto. Nakarating na yata kami sa kwartong tutuluyan ko.


"Ito ang silid mo. May iba ka pang makakasama sa loob nito pero nasa Drill sila ngayon kaya't magisa ka muna. Nasa loob na ang mga damit mo at magpahinga ka na muna dahil bukas magsisimula na ang pagaaral mo. "


Tumango ako at nagpasalamat. Ngumiti siya at tyaka umalis.


Mukhang wala na talagang atrasan ito. Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko. Hindi ko rin alam kung makakalabas rin ba ako ng buhay dito. Basta ang alam ko, kailangan kong maging handa.



---

Divine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon