Season 2- ❤ ix

2.8K 55 2
                                    

Xander’s POV

Wala pang dalawang oras ang nakalilipas ay napuno na ng tawanan at asaran ang bahay dahil sa muling pagkikita at pagkakakumpleto ng grupo.Parang kailan lang noong ganito kami,halos bago bago pa lang Devilly 7.

“Pare matanong ko lang,bakit hindi mo naman sinabi sa’kin na kakampi ka parin pala?” tanong ni Ronnel.

“Akala ko kasi hindi tayo pareho ng iniisip nun,malay ko bang kay Xander ka parin.” Kanina pa itong dalawang ‘to.Parang nagtatampo si Ronnel kay Hiroshima dahil dapat daw ay mas nauna silang nagkasundo dahil iisa lang ang plano nila,yun ay ang pabagsakin si Serenity.

Sinulit narin naming ang pagkakataon para makapag plano ng gagawin naming sa kanya.

“Sa mga business na involve siya ay nandun din ako,mas maigi kasi na nasasabayan ko siya para malaman ko kung anu-ano ang mga income niya.” Sabi ni Hiroshima.

“Okay good,ang kailangan lang natin ay matanggal natin siya sa mga business na iyon.Isang bagsakan nalang para matapos na agad ito.” Sagot ko sa kanya na sinang-ayunan naman ng lahat.

Kanya-kanya na ang mga gagawin namin at napag-usapan na namin ang mga kailangang gawin para makuha ang resulta na inaabangan ng buong grupo.

[KINABUKASAN]

Maaga akong pumunta sa kumpanya para makita ang naging epekto ng mga ginawa namin kay Serenity.Pinapunta ko siya kunwari sa opisina ko para mag report pero ang ginawa ko lang ay ang obserbahan siya.Halatang balisa ito at wala sa sarili.Sapilitan pa ang pagsasalita niya at walang gana.Hindi tulad noon na umaapaw ang self confidence nito.

Sabagay kung sa’kin lang din naman mangyayari ang ginawa naming sa kanya kagabi ay baka ikabaliw ko pa.Binili lang naman naming kasi ang kalahati ng pagmamay-ari niya.At dahan-dahan na naming pinababagsak ang sariling kumpanya nito dahil halos sa mga investors nila ay kasosyo namin sa negosyo kaya nagkaroon ng silbi ang connections.Pinaniwala namin sila na palugi na ang kumpanya na pagmamay-ari ng mga Sy kaya halos sunud-sunod ang mga nagpupull out ng mga investments.Marami kasing tumulong sa amin sa paggawa ng mga fake documents.

Kung tutuusin ay kulang pa ito sa mga ginawa niya.Kaya kahit anong bagay na meron siya ay kukunin naming.Masama na kung masama pero ang importante ay maging patas ang lahat.Hindi pa ito ang resulta na hinihintay namin.

Matapos ang pagrereport nito ay lumabas na siya ng opisina ko at tinawagan ko na si Hiroshima para ibalita sa kanya ang nangyari.

“Hello Dude? Her face is priceless,sobrang effective ng plano.Kailangan lang natin ipagpatuloy ito para tuluyan na natin siyang mapabagsak.”

[Good,kaunting panahon nalang.]

---

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas at tuluyan na naming napabagsak ang mga Sy.Sila ang laman ng mga balita ngayon dahil sa biglaan nilang paglubog sa negosyo.At ngayong araw na ito ay nag-submit na siya ng resignation letter na malugod kong tinanggap.Maganda na rin ang ginawa niya para hindi na kami mahirapan sa pagpapaalis sa kanya.

“Don’t move o papasabugin ko ang bungo mo” Banta nito sa akin na inakala ko na nakalabas na siya sa opisina ko.Nakatutok sa’kin ang baril na hawak niya.Hindi niya alam na napaghandaan ko na rin ang eksena na ito kaya sa oras na ito ay papunta na ang security team at ang Devilly 7 dito sa opisina ko.Nakahanda na rin ang mga pulis na dadampot sa kanya.

“Well,well,well.What’s the feeling of going down Ms.Sy?” Tanong ko sa kanya na sinabayan ko ng kaunting ngiti to lighten the atmosphere.

“Mga gago kayo Xander! Kasalanan lahat ito ng magaling mong kapatid at ang mga magulang mo!”

“Paano naman nasama ang pamilya ko dito?”

“Dahil sa mga magulang mo kaya napilitan ang pamilya ko na sugurin kayo noong gabing iyon.Siguro bata pa ako noon pero alam kong walang pinagsisihan ang pamilya ko dahil mga hayop kayo! Ang mga magulang mo,mga mang-aagaw! Lahat nalang ng negosyo naming ay kinakamkam niya,gahaman kayo! Mga sakim! At ang walang hiya mong kapatid ay pinatay ang buong pamilya ko at kami nalang ng Papa ko ang natira na inakala niya noon na namatay na.May pagkatanga rin kasi ang kapatid mo kaya ngayon ikaw ang gagantihan ko! Buburahin narin kita sa mundong ito kaya magsama-sama kayo ng pamilya mo!” Akmang ipuputok na niya ang baril nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang security.Nahawakan nila ito at nakuha sa kanya ang baril.Kasunod ng mga ito ang Devilly 7 na naka-thumbs up.Dahil sa wakas ay natapos na rin ito.

Bago tuluyang makalabas ang security na dala si Serenity ay bumaling it okay Hiroshima.

“Oh Hiro,buhay kapa pala? Akala ko ay sumama ka na kay Nicole! Di hamak naman na mas maganda na ako ngayon kesa sa kanya pero bakit siya parin ang pinili mo? Pero ang sakit kasi kahit pinatay ko na siya ay nasa kanya parin ang puso  mo! Tanga ka din Hiroshima! Naging tanga ka sa babae!”

Hindi sumagot si Hiroshima,sa halip ay inutusan niya ang mga security na ilabas na si Serenity bago pa niya ito masaktan dahil alam namin na hanggang ngayon ay mahal parin niya si Nicole sa kabila ng mga nangyari.

Naibaba na nila ito at tanaw namin mula sa taas kung paano ito nailipat sa mga pulis na naghihintay.Pero laking gulat namin nang may biglang lumitaw na lalaki at pinagbabaril ang mga pulis at security na may hawak kay Serenity.

“Si Nart.” Bulalas ni Hiroshima.

Dali-dali kaming bumaba pero sa kasamaang palad ay hindi na namin sila naabutan at tuluyan na silang nakalayo.

---

Hindi kami tumigil hanggang sa hindi namin sila nahanap.Ilang araw rin ang nakalipas at ngayon ay nasa tapat kami ng isang convenience store kung saan tahimik naming silang minamatiyagan.Sa mga kinikilos ni Nart ay alam namin na ramdam niya na may nakamasid sa kanila.Bilib din ako sa lalaking ito dahil sa kakayahan niya,tahimik pero may ibubuga.Binalaan na kami ni Hiroshima na hindi siya basta-basta at kailangan parin naming mag-ingat pagdating sa kanya.

Nang makita namin na palabas na sila ay dun narin kami bumaba ng kotse.Baka kasi makalusot na naman sila kaya harap-harapan nalang ang labanan.Pumasok ang mga ito sa isang eskinita at siyempre,nakasunod kami.Pero sa pangalawang liko ay bigla silang nawala at bigla ko nalang namalayan ang pagtutok ng baril sa ulo ko.

“Wag kang magkakamaling gumalaw kung hindi katapusan mo na.” Alam kong si Nart ‘to.Nakatingin sa’min ang Devilly 7 na tila naghahanda rin sa pwedeng mangyari.Totoo ngang nakakabilib ang abilidad nito.

“Kayo! Ibaba niyo ang mga baril niyo kung ayaw niyong masaksihan ang pagkamatay ng Boss niyo.” Sumunod naman ang mga ito,lahat ng mga baril ay nasa baba na.

“Lumakad ka,itaas mo ang mga kamay mo.” Utos nito sa’kin na papunta sa kabilang eskinita.

“Walang sino man sa inyo ang susunod dahil hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang buhay ni Xander.” Banta pa nito.Kaya wala akong choice kung hindi labanan siya kahit walang baril,matagal na rin simula nung lumaban ako ng walang kahit anong hawak nab aril o ano man.Lalaki sa lalaki  talaga ito.

Nakailang hakbang palang kami ng makatiyempo akong agawin ang baril na hawak ni Nart.Pinaputok ko ito at siniguradong wala ng natira pang bala.Akmang makikisali pa ang mga kasama ko nang sumenyas ako sa kanila para sabihin na ako ng bahala dito.Tumango naman ang mga ito.

Makalipas lang ang ilang sandali ay nakita ko ng nakahiga sa sahig si Nart.Duguan na ito pero pilit parin na tumatayo.Kinuha ko ang isa pang baril na nakatago sa likuran ko at itinutok sa kanya pero bago ko pa man siya natamaan ay may naramdaman akong tumama sa kamay ko.Pag tingin ko dito ay dumudugo na ang kanang kamay ko na may hawak ng baril kaya nabitawan ko ito.Mabilis ang mga nangyari dahil nakita ko kung paano nalang biglang natumba si Serenity dahil sa dami ng tama ng baril sa kanya at kay Nart.

Nakita kong papalapit sa akin sina Aljo,Justin,Homer,Leo,Ronnel at si Hiro.Inalalayan nila ako at dinala agad sa pinakamalapit na hospital.Pero sa wakas ngayon ko masasabi na dito na talaga natatapos ang lahat at makakapamuhay na kami ng maayos.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon