CHAPTER 1

3 1 0
                                    


CECE'S POV

"ATEEEEEEEEEEE! IKAW NAMAN!TAPOS NAKOOOO!"sigaw ng magaling kong kapatid na si Heir.

"Alam ko!wag ka ngang sigaw ng sigaw!bunganga mo pam speaker!"pinandilatan lang ako ng gaga.Tas lumabas na ng bahay para mag tambay sa bestfriend niya...hayy naku

Pumasok na ako ng tindahan naming mukhang mall..joke.Malaki lang talaga to,sikat kaya to noh!itong tindahan nato ang nagpatayo ng bahay namin at dito din nakapagtapos si Kuya.Galing diba?meron pa,itong tindahan nato ang dahilan kung bakit kami umasenso at sa tulong nadin ni Lola Dema.Si lola dema ang pinakamayaman dito sa subdivision namin,kaya marami na siyang natulungan kabilang na kami dun,kaya laki ang respeto namin sa kanya.

"Cece,ako muna diyan magdilig ka muna dun sa labas."salamat talaga kay mama at lalayas muna ako sa mall nato.chos!Pumunta akong likod upang kunin yung hose at paglabas ko ng bahay,nakita ko si Aling Jenna,ang ex bestfriend daw ni mama.E kasi naman nakalimutan lang bigyan ng Lechon nag beast mode tas friendship over na daw sila.

"Magandang araw aling Jenna"siyempre gaya ng inasahan ko,inirapan lang ako tas pumitas pa siya ng bulaklak namin.Patay malisya si Ateng kala mo di ko kita yon?pinagpatuloy ko ang pangdilig ko,nang matapos nako dumeretso ako sa bahay ng kaibigan ni Heir.Dun muna ako tatambay ayoko muna mag bantay ng tindahan namin.Kaso habang papunta ako nag bago ang isip ko pupunta nalang ako sa kaibigan kong si Sanna dalawa ang puso.joke baka patayin ako nun.Papaliko na sana ako ng may nabangga akong poste.Hinde pala poste kundi matangkad,mapanga,lahat na ng 'ma' isali mo na ang maganda..joke.Basta ang gwapo niya,halata rin na di siya taga dito,may maleta eh

"What are you staring at?!"ay ma attitude"can't even say sorry huh?"dagdag niya pa.

"U-uhh Sorry"

"Not sincere."mabilis niyang sagot.Maarte din tung kumag nato eh.Kutusan ko kaya to?

"Pardon?I think you don't deserve my 'sorry',why?ITANONG MO SA KUKO!"tumakbo agad ako para di niya ko mahabol bala siya diyan!wala akong baon ngayon para sabayan ang english niya hina highblood ako ah.Nakapunta na ako sa bahay ni Sanna na hinihingal pumasok ako at nakita ako si Sanna dalawa ang puso na nanood ng TV kasama pa popcorn na lumalamon pa.

"oh?kamsta?"tanong niya habang may subo pa popcorn sa bibig niya.Eww nakakadiri talagang babaeng toh.Umupo ako sa tabi niya kumuha nadin ako ng popcorn para naman malipasan tung inis ko."ba't ka nakasimangot diyan?!"mukhang di gumana,humarap ako sa kanya at tinitigan siya sa mata, nakakaagaw pansin ang mala berde niyang mata.

"Alam ko maganda ang mata ko katulad nang na sayo"kumunot ang noo ko.

"A-ano?mas maganda sayo noh berde,favorite color ko pa"sagot ko at napa iling naman siya.

"mas maganda sayo,hazel ang kulay ng mata mo,bagay na bagay sayo"sagot naman niya at napa iling naman ako.

"Hinde---" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko ng sinubo niya ang popcorn sa bibig ko.Bastusan ganon?

"Wag na natin niyan pag usapan para tayong sirang plaka,paulit ulit."sabi niya.Okay!"Ano bang sasabihin mo?!Mata na kase pinag uusapan natin!"Umupo ako ng maayos at tinitigan siya sa mata.

"A-ano k-kase..."hinde ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat naman siya.

"Wag ka ngang pa utal-utal,gaya gaya ka sa wattpad"napa simangot nalang ako ginagaya ko lang naman yun kase cute sa feeling..ggGGrrrRRR.Bumuntong hininga ako at deretsong sinabi kay Sanna.

"May nakaharap akong gwapo kanina"agad namang siyang napa ubo,basta gwapo bigla bigla nalang kumikinang mata niya."Kaso ma attitude"dagdag ko kaya naman sumimangot,mapili din kase ang babaeng to.Di lang halata.

"Oh tapos?"bored niyang sagot,ang bilis namang ma turn off.

"Mukha siyang baguhan,nakita ko kase may maleta siyang dala dala"kwento ko pa.Mukhang interesado namn siya dahil kung hinde,makakatikim siya talaga sakin.Hanggang sa nakwento ko yung pag eenglishan namin.Natawa naman siya,ang bobo ko daw di daw marunong mag english,tas nag eenglish siya sakin,mukhang mas ayos yung english ko kanina kesa sa kanya kase naman ang sabi niya.'you should..umm you know disrespect--ay hinde respect ganun...ah basta you should respect other country'ayun bigla ko siyang nilayasan,nakakasakit siya sa apdo.

Napag isipan ko nang umuwi,hapon na kase at parang nagagalit nayun si mama di kase ako nakapagpaalam.Pagdating ko ng bahay naabutan ko ang kapatid ko .Masama ang tingin saken "saan kaba nag suot?!Ako ang pinagbantay niya ng mall--este tindahan natin!"tignan mo pati siya mall na ang tingin ng tindahan namin.

"A-ano bang ingay yan?--oh CeCe ba't ngayon kalang?"tanong ni mama.Napayuko nalang ako dahil hindi naman ako nagpaalam sakanya alam kong nag aalala lang siya kahit friendly zone tong subdivision namin.

"S-sorry ma.Binisita ko lang si Sanna dalawa an---este Sanna."paliwanag ko.Lumapit naman si mama sakin tsaka hinawakan niya ako sa kamay,ngumiti siya sakin kaya napangiti nalang din ako,huli ko nang natantong na may pinahawak siya sakin,isang kaserola na may sabaw,uutusan na naman niya ako.

Ayos CeCe nahulog ka sa patibong.

"Ayaw ni Heir na maghatid ng sabaw e kaya ikaw nalang tutal may kasalanan ka"tas nag smirk si mama akala niya naman ikinaganda niya--jokee!siyempre maganda naman talaga si mama parang kapatid lang niya kami.-,-

Tumingin ako kay Heir na nagpipigil tawa tas ngumiti sakin.Ang tamis ng ngiti niya parang sarap niyang hagisan ng mga langgam.Tatalikod sana ako ng makalimutan kong itanung mama na saan to ibibigay ng bigla sumabat ang magaling kong kapatid.

"Kay lola dema daw yan,pasalamat daw"at mabilis na tumakbo sa loob.Tsk sayang ibubuhos ko sana tung sabaw sakanya.Lumakad na ako,medyo malapit lapit lang naman ang bahay nila Lola Dema dito e,madali mo ring makita dahil sa laki ng bahay nila.napatingin ako sa kalangitan,dumidilim na at parang uulan kaya mas binilisan ko ang lakad ko hanggang sa maka abot ako sa Bahay nila Lola Dema,agad naman akong pinapasok kase kilala na nila ako.

"Good evening Maam CeCe,si Maam Dema po ba ang hinahanap niyo?nasa kwarto po kasi siya."Paliwanag niya,napatango namn ako at iniabot sakanya ang kaserola.Taka naman niyang tinignan ito.

"Ano po to maam?"tanong niya na halong pagtataka.

"kalaha yan,iprito mo daw yung sabaw sabi ni mama"deretso kong sagot,nagulat naman siya at halatang naguguluhan.Napairap naman ako sa hangin.

"Siyempre kaserola na may sabaw pinamigay ni mama bilang pasalamat kay Lola Dema"dagdag ko,halata namang kumalma siya.

"Akala ko maam e totoo yong sinabi niyo,gagawin ko sana yun"sabay kamot sa ulo,may kuto ata toh?

Gulat akong napatingin sakanya "Seryoso kaba diyan?tingin mo mapiprito talaga ang sabaw?!"di makapaniwalang tanong ko sakanya.Nag peace sign lang ang gaga minsan sarap manapak ng pandak tulad tung kaharap ko.

"oh syasya uuwi nako,tumataas presyon ko sayo!"sagot ko at tumalikod na

"Sige maam!ipapasalamat nalang koto kay Maam Dema!!."dinig kong sigaw niya.Pero bago pako makalabas ng bahay may narinig akong tsismis galing sa mga maid ni Lola Dema.

'Ang gwapo ng apo ni lola Dema ano'

'tsaka sobrang tangkad niya mygashhhh!'

'balita ko masungit daw yun pero crush ko parin siyaaa'

Iyan iyan lamang ang narinig ko habang palabas ng bahay,meron talagang di mababago ang bahay ni Lola Dema..

'Ang malalandi niyang mga kasambahay'

-----------------------------------

hope you like it:>

Our love story begins with my first buyWhere stories live. Discover now