DAIN'S POV
"Arrrghhhhh!"inis akong bumangon ng marinig ko ang nakakaingay na alarm clock sa tabi ng kama ko.Gusto ko sanang matulog nang may kumatok sa pinto.
"Who's that?!"sigaw ko,bigla namang bumukas at bumungad ang isa sa mga maid ni Lola.
"S-sir,pinapatawag po kayo ni Maam Dema,kakain napo daw"at lumakad siya palayo.Tinatamad akong bumangon pero pinilit ko parin ayaw ko naman pa perwisyohin si lola dahil matanda na.Pagkatapos kong maligo at nagbihis,dumeretso agad akong dining.
"Good morning grandma"malambing kong tuno at umupo sa tabi niya.Tinignan ko ang nakahain,eggplant omelet or should I say tortang talong?
Masarap naman siya pero nakakapagtaka,mayaman si lola pero bakit ito lang ang ipinahanda niya?Tumingin ako sakanya na may pagtataka,ngumiti naman siya sakin.
"Apo,marahil ay nagtataka ka sa hapag kainan?"tanong niya.
"y-yes la bakit ito lang ang kinakain niyo hindi pork?meat?or anything like letchon?"tanong ko natigilan naman siya at bigla namang tumawa,seriously?no wonder parehong pareho sila ni Mommy.
"Sorry apo...hahaha!--"tumigil siya ng kakatawa nang bigla siyang umubo.
hehe.la pwede ako ang mamana ng pera?
"Pasensya na apo,nabilaukan lang."dagdag niya pagkatapos umubo.
ay sayang....jok lang
"apo,di ko naman kailangan ng mga pagkain ng gusto mo,cholesterol remeber?"huminto siya para sumobo at ganun narin ako.Waw ang sarap naman talaga nito"at tsaka mabisa narin to para di nako palaging magkakasakit,payo kasi ito ni CeCe.Dapat daw gulay na palagi kong kainin."dagdag niya at naiintindihan ko naman pero...who's CeCe?Ang weird ng pangalan niya ah,but cute otherwise.
Habang kumakain kami,bigla nalang tumawag ng maid si lola.
"yes maam?"sagot ng isang yaya kay Lola.
"ba't wala nang toyo?mas masarap kase tong torta pag may toyo"tanong ni lola sa kasambahay.
"a-ah ehh..."mukhang nagdadalawang isip siya na sumagot,halata sa mukha niya e."Maam naubos na yung isang bote ng soysauce maam"sagot niya at ipinakita ang bote na toyo na walang laman.Napabuntong hininga naman si lola at amoy ko ang hininga niya na parang walang sipilyo ng isang taon....
siyempre joke lang
"Hayy...Dain punta ka sa tindahan,bumili ka."deretsong utos ni Lola,napakurap naman ako ng ilang beses.'ano!?eh dun sa mansion namin wala akong trabho kahit mag walis pa!tas dito?'
"Inuutusan kita dahil kailangan mong mag tino diba?Ang sabi ng mommy mo kahit utusan kita okay lang sakanya basta't matuto kang maging independent,apo"paliwanag niya,di naman ako pwedeng makapalag kase Lola ko paren siya at may respeto ako sakanya.
YOU ARE READING
Our love story begins with my first buy
Teen FictionPayag ka? Sa tindahan pala magsisimula ang kwento niyong dalawa.