CH1: I don't like you

39 1 0
                                    

Heto na magsisimula na..

==

"Vian gumising ka na! 7 o'clock na oh baka ma'late ka pa!"

Ayang ang sigaw ni Mommy. Parang kelan lang, galing lang kaming Australia for the summer, ngayon eh to na naman, back to reality at back to school na rin.

"Ano ba Vian, bumangon ka na nga dyan, baka madamay pa kaming lahat sa kabagalan mo!"

At ayan ang nag-iisang kong Ate, si Ate Issa. Biglang papasok ng kwarto ng hindi man lang nagpapaalam. Mas una naman kasi siyang gumigising kapag pasukan na, parating super excited for school. Malamang naman kasi, ang ganda ng high school life nila.. ni Kuya.

Pero heto ako.. isang nobody sa school.. super invisible na nga nakakabagot rin maging isang average student ka lang. 

"Vian! Ano ba!! Bangon na!"

Yan naman ang nag-iisang boses na nakapagpapatalon sa'kin.. every school morning.

"Opo Dad! Heto na po.." 

Ang boses ni Daddy..

==

Nang makapag-ayos na at matapos kumain.. diretso na agad sa kotse, as usual 15 minutes before 8 am. Buti nalang di gaanong kalayo ang school sa bahay.

"Hay nako! Here we go again.. Mom pwede bang next time iwanan nalang natin yang si Vian.. parati nalang kaming late sa klase ni Kuya eh dahil ang tagal niyang gumising.."

"Ano ba Issa, okay lang naman kung ma'late tayo paminsan-minsan, di naman kelangang early bird tayo parati"

ang sagot ni Kuya Adam kay Ate, buti nalang kahit gaano ako ka'hate ni Ate Issa, andyan naman parati si Kuya.

"Sige na, stop it. Issa pelase be nice to your sister.. ang aga pa. Now let's go, baka pati ako ma'late pa sa work,,"

Hindi na umimik si Ate, nag "rolling eyes" nalang siya.. lalo na kapag nagsasalita na si Mommy at Kuya.

==

Pagadating sa school..

"Bye Mom!" Unizon naming sabi paglabas ng kotse..

"O.M.G.!! I'm late!" 

biglang tumakbo si Ate Issa matapos tingnan ang relo niya..

"Oo nga ano.. Ikaw Vian di ka pa ba late?! Sige mauna na ako ha.." At ganun rin si Kuya.. as usual ako na naman ang naiwan.. oh well..

Naisipan kong di naman siguro big deal kung di muna ako papasok sa first class ko.. tutal english lang naman yung subject. Kaya pumunta nalang akong gym a.k.a. basketball court ng school. Walanman kasing techer na pumupunta dun, lalo ng ganito ka aga.

"Hmm.. ano naman kayang gagawin ko dito habang naghihintay sa oras" 

kausap ang sarili ko ng malapit na ako sa pintuan ng gymnasium..

Pero, napansin kong parang may tao sa loob. Na naglalaro ng basketball, hindi rin naman makakailang basketball yun, sa tunog palang alam ko na. Kaya naman dahan-dahan na ring binuksan ang pinto. at nagtago ako sa gilid ng bleachers..

"Sino ka yan?? Ang aga naman ata" 

Hindi naman kasi ako sanay na may tao na nagpapratice sa ganitong oras, lalo na ang aga pa kaya.

Sinubukan kong lumapit..

Kaso sa katangahan ko..

Tumama ang kanan kong paa sa bakal ng paanan ng bleachers,,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon