63

397 9 0
                                    

"Engineer Delos Reyes"napahinto ako sa pagsusulat ng may tumawag sakin. Kumunot ang noo ko ng makita si Rendo na nakaupo na sa sofa ng opisina ko. Nakakailang bisita na sya rito sa site. Wala namang ginagawa kundi ang tumambay sa opisina para magpa-aircon akala mo naman walang ac sa opisina nya.

"Ano na namang ginagawa mo rito, Engr. Asuncion wala ka bang trabaho?"

"Bar tayo dali. Isama natin si kuys Iver since malapit na syang ikasal"yaya nya sakin. Napailing ako ng ulo ko.

"Marami pa akong aasikasuhin, Red. Minamadali na ni kuya yung bahay nila ni ate Pritz"sagot ko sa kanya at muling ipinagpatuloy yung ginagawa ko kanina. At hindi lang bahay nila kuya ang inaasikaso ko, pati magiging bahay ko.

"C'mon pati ba naman ikaw? Si Jaiden ayaw din sumama"reklamo nya sakin.

"And I'm pretty sure hindi rin sasama sayo si kuya Iver. Their busy for the upcoming wedding"

"Yun na nga. Di nyo ba alam yung salitang pahinga? Puro kayo trabaho"

"Si Trever ayain mo"suhestyon ko sa kanya.

"Naah! Ayoko madaling malasing ang ugok na 'yun"

"Umuwi ka na lang gago. Istorbo ka sa trabaho ko eh"reklamo ko sa kanya at binato sya ng lapis na hindi ko ginagamit. Umilag naman sya kaya tumama lang ito sa leather na sofa.

"Ano nahanap mo na ba?"biglang tanong nya na nagpatigil sakin. Alam ko kung ano 'yung tinutukoy nya. Tumango ako at sumandal sa swivel chair ko sabay pinaikot 'yun.

"So? Anong gagawin mo?"

Nagkibit-balikat ako sa tanong nya. Nawala lahat ng galit at inis ko sa kanya ng malaman ko yung dahilan kung bakit umalis sya. Though it doesn't change the fact na hindi tama yung ginawa nyang pag-alis ng walang paalam. She's in amsterdam right now together with her family. Hindi ko na talaga kaya at tuluyan na akong humingi ng tulong kay kuya Iver na hanapin sya and it took him 5 days to know her whereabouts. May mga develop pictures at mga information ang pinadala sakin nung isang araw tungkol sa kanya.

I cried when I saw the pictures. Nakakawala man ng pagkalalaki pero wala na akong pakialam dun dahil nakita ko ulit sya sa loob ng anim na taon kahit na sa picture lang. I felt proud when I saw her wearing a lab gown. Naging doktor sya despite of the happenings in her family. Akala ko ako lang yung naghirap pero hindi ko alam na mas naghirap sya kesa sakin.

Pero ngayong taon ay naging ayos na rin ang kalagayan nila, masaya na sya at mukang wala na atang balak bumalik ng pinas. Mapakla akong natawa. Did she forgot about me already?

Akala ko 6 years ago kaya hindi sya nagpa-pakita sakin ng ilang linggo dahil nabigla sya sa sinabi ko at sa pagsang-ayon nila Mama pati nung iba.

Seryoso ako sa sinabi ko sa kanya noon na papakasalan ko sya pagkatapos ng graduation namin.

"Padalhan mo kaya ng wedding invatation nila kuya"napangisi ako sa suhestyon ni Red. Ren tawag namin sa kanya dati pero dakila syang maarte at gusto nya raw ay Red na ang itawag sa kanya.

"That's too easy. I want to try something"

"Bahala ka. Geh alis na ako"tinanguan ko lang sya. Pinatong ko ang baba ko sa kamay ko at nagpatuloy mag-isip.

Siguro naman tutulungan ako ng mabunga pagsinabi ko yung plano ko. After kuya Ivers wedding dun ko ako magsisimula.

------------------------------

̩

Fall'in (Mabunga Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon