9:12 pm
Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ako mapakali. Ilang beses na rin akong napapatingin sa relo ko dahil pakiramdam ko ang bagal ng oras.
Pagkatapos ng shift ko ay bago ko lang nabasa ang email ni kuya Winter sakin. I wasn't expecting it. Parang na blangko ako ng ilang minuto bago nagsink in sakin yung binasa ko at dali-daling umuwi.
I booked my flight on the way home. Nang makarating ako sa bahay ay hindi ko na bigyan ng pansin ang pamilya ko at dirediretsong pumunta sa kwarto ko at nagligpit ng gamit ko.
Walang tigil ang pagtulo ng luha ko habang nilalagay sa maleta ang mga damit ko.
"Lumiere?"napalingon ako sa may pintuan ng marinig ko ang boses ni Mama. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya ng makita nya akong umiiyak. Agad syang lumapit sakin at umupo sa kama.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"malumanay nyang tanong sakin.
Nang sandaling 'yun humagulgol ako ng iyak at niyakap sya ng mahigpit.
"Ma, gusto ko ng umuwi"bulong ko sa kanya. Humiwalay sya sa yakap at ikinulong ang muka ko gamit ang dalawang kamay nya. Ngumiti sya sakin. Pinunasan nya ang magkabilang pisngi ko na basa dahil sa pag-iyak ko.
"Mag-iingat ka pauwi"tumango ako sa kanya at niyakap ulit sya. Nang gabing yun ay tinulungan ako ni Mama na magligpit ng mga gamit ko.
I can't even sleep kahit sa eroplano ay hindi ako nakatulog dahil sa kabang nararamdaman ko."Kung hindi pala maaksidente si Fall di ka talaga uuwi?"tanong sakin ni Yana. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Sya ang sumundo sakin sa airport kanina.
"Alam mo namang hindi ko pwedeng iwan na lang basta si Mama dun na mag-isang mag-aalaga kay Papa"
She sighed loudly. "At mahirap din para sakin ang magsinungaling na wala akong alam sa pag-alis mo"
"I know. I'm sorry"
"You should be. Nabasa mo na ba mga messages nya sayo?"hindi ako umimik pero tumango ako.
Binuksan ko ulit yung messenger ko after 6 years. Hindi na ako nagulat ng tinadtad nya ako ng maraming messages. Alam kong gagawin nya 'yun kaya nga hindi ko ginagalaw yung messenger ko.
Wala akong choice kundi ang sumama kela Mama sa amsterdam 6 years ago. May sakit si Papa sa puso. After the successful operation medyo nakahinga kami ng maluwag ni Mama pero ang sabi ng doctor kailangan pa rin daw mag-ingat. Nagdesisyon si Mama na magstay na lang kami sa amsterdam dahil natatakot sya para kay Papa pagbumyahe na ito ulit. Hindi ako nagreklamo dahil naiintindihan ko yung sitwasyon namin.
Pinagpatuloy ko yung pag-aaral ko ng medisina hanggang sa makapagtapos ako. I became a doctor after studying so hard and choose general surgeon as my specialty.
"Hey tara na"tawag sakin ni Yana. She already parked na car at nakababa na rin sya ng kotse.
"Oh"napailing na lang sya sakin bago sinara yung pinto ng driver seat. Tinanggal ko muna yung seatbelt ko bago bumaba at sumunod kay Yana sa loob ng hospital.
"How is he?"tanong ko sa kanya. Sumabay ako sa paglalakad sa tabi nya.
"Ngayon? O dati?"
"Both"sagot ko
"Hmm. Nung umalis ka ako yung una nyang tinanong kung na saan ka. Ofcourse sinabi kong hindi ko alam kahit na alam ko talaga. Hindi na nya ako kinulit after nun. He changed actually a lot. He became serious about his studies, napansin naming lahat yun lalo na sa tuwing bumibisita kami ni Red sa kanila dati. Pero hindi nawala yung pagiging maraskal nya. He ranked number 3 in the bar exam na kinagulat naming lahat."kwento nya sakin. I was silently listening to her wishing I could turn back the time.
Huminto kami sa 206 na kwarto. "Dito lang ako sa labas. I know you have a lot to say to him"she said and tapped my shoulder. I smiled slightly to her.
Huminga ako ng malalim bago pinihit yung door knob at pumasok sa loob. There I saw him lying on the bed. Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama. Nakasuot sya ng oxygen mask at may benda rin sa noo nya nakapalibot.
I held his hand tightly and my tears started to fall again. Napapikit ako ng mga mata ko.
"I'm sorry"
"Sorry. Hindi ako nakapag-paalam sayo. Pag ginawa ko yun alam kong magbabago yung isip ko. Sorry kung hindi ko binabasa mga chat mo for the past years. Sorry, sorry, sorry"
Paulit-ulit kong sinasambit ang salitang sorry sa kanya kahit na alam kong hindi nya ako naririnig.
"Engineer nagranked 3 ka raw sa board exam? Hindi mo sinabi sakin yun ah! I'm proud of you"hinawakan ko ang pisngi nya at hinaplos yun ng mahina.
"Sorry kung wala ako sa tabi mo. Papa was sick kaya napilitan kaming mangibang bansa para dun sya ipagamot. I'm sorry, Fall. I'm so sorry for leaving you"hingi ko ulit ng tawad sa kanya. I stared at his face for a long time. He looks matured even though his sleeping. But I can still see the Fall that I've been loving all these years.Napangiti ako habang nakatitig sa kanya at napatingin sa kamay nya na hawak ko.
My smile faded as I saw I'm wearing a ring in my left hand. Kumunot ang noo ko habang mariin ang titig ko sa kaliwang kamay ko.
"How?"mahinang tanong ko sa sarili ko at nakatitig pa rin sa kamay ko.
"Kung pakasalan mo na kaya ako? Antagal ko ng nag-aantay sayo"napaangat ako ng tingin sa kanya. Nabitawan ko yung kamay nya sa gulat.
"Oh my gosh"na i-atras ko ang upuan na kinauupuan ko sa gulat. He was smirking at me like he's enjoying the situation right now.
"You-"
"Ano?"nanghahamon nyang tanong sakin. Parang bigla akong natauhan.
"Plinano mo 'to?"tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat lang sya sakin.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya."Welcome back, darling"nakangisi nyang sabi sakin. Pinagmasdan ko syang umupo at tinatanggal ang oxygen mask pati na rin ang benda na suot nya.
Nanghihina akong napasandal sa upuan at napatitig sa kisame na puti. Inangat ko yung kaliwang kamay ko. Tinitigan ko ng maigi ang singsing na nasa palasing-singan ko. It was a simple diamond ring but it got an impact to me.
"Maganda?"wala sa sariling napatango ako sa tanong nya.
Binaba ko ang kamay ko ng mapansin kong nakatayo na sya sa harapan ko. Yumuko sya at kinulong ako sa pagitan ng mga braso nya.
"Marami kang taong utang sakin, sisimulan mo ngayong araw" he said before capturing my lips. It got me off guard but I responded by his kisses.
I'll be with you until we're both old and still fall'in for each other
Fin
BINABASA MO ANG
Fall'in (Mabunga Boys Series #1)
Teen FictionEpistolary Novel Fall Delos Reyes: Panindigan mo ako!