Episode 5

0 0 0
                                    

"Ate! Ate! Your phone is ringing so many times again"

Niyuyugyog nananaman ako Lindsey. Ang sakit pa ng ulo ko. Hindi naman ata wine yung pina inom saakin kagabi ah.

"Paabot ako ng phone ko"

I'm sure si Elaine nanaman to. Sinagot ko naman agad.

"Hobby mo na ba maging alarm clock ngayon Elaine? Ang sakit —"
"Good morning Ms. Flowery"

Napaupo ako agad.
Si Sir Russel.

"Ahm. Good morning po Sir Russel. Napatawag po kayo?"

Sinenyasan ko si Lindsey na
"lumabas ka muna and close the door". Ginawa niya naman.

"Bigla ka atang bumait ngayon?"

Kung hindi ka lang boss ng bestfriend ko ei.

"Huh? Mabait naman po talaga ako"
"Really?"
"Tumawag ka ba para mangburaot?"

Tumatawa naman siya sa kabilang linya.

"That's all. Bye!"

Binaba agad. Parang tanga talaga! Ang laking tao . Ang cheeshy 🤗🥰

Nagbihis na'ko para makapunta ng bar ng maaga para makapag rehearsal.
Wala na mang bago sa pang araw-araw ko. Bahay-Bar-Bahay. Hays!
Gustong-gusto ko ng umalis sa lugar na to. Gusto ko na ng disenteng trabaho. Yung hindi ako sasayaw sa pole at hindi magsusuot ng halos makita na ang singit ko.

Simula bukas maghahanap ako ng bagong trabaho. Nakapag college naman ako (3rd year). Gusto kong tapusin ang degree na Mass Communication pero malabo pa ata dahil sa maintenance na gamot ni Lindsey at mga bills namin sa bahay. Ang hirap talagang maging mahirap.

1 week na ang lumipas. Nung last text ni Mr. Yummy. Sino ka ba para itext time to time ghorl?
Inaasar ka lang niya kaya siya ganun sayo. In short wala siyang trip sa buhay niya.
Wala rin si Elaine sa Pilipinas nasa one week na ding walang paramdam. Ang bubusy naman nila.

Katatapos ko lang magperform ng dance number ko. Nang kumalabit sa pwet ko. Paglingon ko isang negrong manyakis. Hinampas ko naman siya ng payong na ginamit kong props sa performance ko kanina.

"Manyakis kang lalaki ka! Walang hiya ka!"
pinaghahampas ko siya gmait ang payong. sobrang lakas. Ang bastos!

"Stop it! You whore! "
Akmang sasampalin niya na ako pero napatulala ako ng tawagin niya akong "whore".

"Umalis ka jan!"
May tumulak saakin papalayo nang papalapit na saakin ang palad ng negrong manyakis.

"How dare you to slap a lady!" ika nga.
Pinagsusuntok niya ang bumastos saakin.
"Rome! Stop it! Enough! Mapapatay mo na siya!"
Pigil ng mga kabarkada niya. Dumating naman ang mga security ng bar.
Lumabas ako ng bar para makaramdam ng luwag sa dibdib ko. Ang sakit palang marining na sinasabihan ka ng mga bastos na salita.
Dati kaya ko namang ihandle pero patagal ng patagal hindi ko na kaya.

"Ayoko naaaaaa!" Iyak ko.
"Bakit ka nagtatrabaho dito kung ayaw mong mabastos?"

Tiningnan ko siya. Siya yung nambugbog sa bumastos saakin.
Ang gwapo niya. Ang haba ng pilik-mata. Makisig din ang pangangatawan. Mga galawang Noah Flynn ng Kissing Booth.

"Bakit mo'ko tinulungam kung manunumbat ka? Psh"
Tumayo ako. Mas lalo kong nakita ang mukha niya at dumudugo ang labi niya. Kasalanan ko pa to.

"Hintayin mo'ko sa bench doon sa gilid. May kukunin lang ako"
Tumakbo ako sa loob ng dressing room. Nagmadali ako kasi sesermonan nanaman ako ni Mommy V. Kinuha ko lang ang bag, jacket at sneakers ko. Saka tumakbo sa labas.

"Asan na yun? Sabi ko maghintay dito sa bench"
"Ako ba hanap mo? Wah!"
"AY BUTIKI!"

Bwisit na lalaki to. Nanggugulat pa.
" Nakakagulat yun? Psh. Umupo ka nga dito" bwelta ko.
Umupo naman siya.
Kinuha ko sa bag yung ointment and band-aid ko. Pinahid ko sakanya.
"Aray! Dahan - dahan naman!"
"Sandali! Patapos na nga ei"
"Dinidiin mo ei!"
"Ang likot mo kasi, hindi na natapos. Ang laki mong tao, umaaray ka!"
" Ei bakit ikaw, ang laki mong tao, umiiyak ka!"
Napahinto ako.
"Bahala ka jan!"
Isa pa tong nakakabadtrip na nilalang. Naglakad ako papunta sa kanto. Nakasunod pala siya ng nakakotse.
"Hey! I'm sorry!"
" Wag mo mga akong sundan, aso ka ba?"
"May aso bang ganito kagwapo?"
Napatawa naman ako. In fairness, bentang-benta si Koya! Huminto na'ko. Napagod na din ako kakalakad.

"Sakay kana!"
Sumakay naman ako.

"I'm Jerome!" Sabay abot ng kamay
"Sophia" nagshake hands naman kami.
" Sorry kanina nadamay kapa."
"Okey lang, I also have a younger sister and ayokong nakakakita ng babaeng binabastos, then I saw that black man harassing you"
"Sobrang thank you talaga!"
"Okey. You're forgiven. In one condition, give me your number"
Tiningnan ko siya ng masama.
"Hey! Its not what you think. "
Number lang naman and why not mukha namang nagjijive kami ng ugali. And close kami agad.

"Okey! Give me your phone"

Tinype ko yung number ko.
"You know what you're beautiful! Bakit ka nagtatrabaho sa ganung lugar?"
"No choice?"
"We have so many choice in life. Nasa sa atin na yun kung paano tayo dumiskarte"
"Madaling sabihin yun para sainyo kasi mayayaman kayo at edukado. Para saaming mahihirap nasa dalawa lang yung choice namin"
"I can help you. I have a cousin na may company baka pwede ka dun"
Ang bait naman nito.
"Hindi ako nakapaggraduate."
"It's okey. I can feel naman na willing kang matuto. And you're a strong girl"
"Alamo dapat ata akong magpasalamat doon sa negrong manyakis kanina kasi dahil sakanya nakilala kita, at may instant trabaho pa'ko"

Napatawa naman siya.

"I just get vibes on you parang you're just my long lost friend"

Nagkwentuhan kami sandali sa coffee shop and all. And nagpaalam na din ako kasi babalikan niya pa yung mga barkada niya sa bar kanina.

* * *
" Tumawag nanaman si Vina"
Inaalis ko palang ang sneakers ko.
"Sinabi niya naman siguro ang rason."
"Hindi mo ba kami iniisip ni Lindsey? Sa ginawa mo baka hindi kana pabalikin ni Vina sa bar."

Sumakit lalo ang ulo ko.

"Ako ba Ma hindi mo iniisip? Ayoko sa trabaho na yun. Ginagawa akong pulutan ng mga lalaking kulang sa aruga gabi-gabi! Ma! Nagsasayaw ako gabi-gabi! Pinapakita ko halos kalahati ng hubad ko na katawan gabi-gabi! Hindi ko gusto yun! Kahit kelan hindi ko ginusto yun pero dahil iniisip ko ang pamilyang to ginagawa ko lahat. Nawala lahat ng pangarap ko. Kung nabubuhay lang si Daddy, hindi niya gustong maging ganito ako"

Umiyak na'ko. Matagal ko ng gustong ilabas ang bigat sa dibdib ko.
Pumasok ako sa kwarto ko.
Saktong tumawag si Jerome! Sinagot ko.

"Hey! Dude! Still up!?" Energetic niyang sabi.
"Ahm Jerome wrong timing ka naman. Hehe" pilit tawa ghorl.
"What's wrong? May bumastos nanaman ba sayo?"
"Wala! Can you help me to have that job? Ayoko ng sumayaw sa bar"
"Yes. I promise you, tutulungan kita"
"Salamat huh."
"No problem. Sige. Rest. At wag ka ng umiyak, ang tanda mo na"
Sabay tawa.

"Noted. Goodnight"
Bigla kong nakalimutan si Sir Yummy. Kumusta na kaya siya? Baka pinapaasa lang ako ng tukmol na yun at ako namang si umaasa.
* * *

Undenial LoveWhere stories live. Discover now