Episode 6

0 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Elaine. Nag sorry siya dahil hindi siya nakapag-update because of a special reason. Halata sa boses niya ang kasiyahan and excitement na sabihin yung surprise niya. Naikwento ko na rin na umalis na'ko sa bar at maghahanap na ng bagong trabaho.
Hindi ko pa naikwento ang tungkol kay Jerome baka kasi magselos siya at magtampo na may nakilala akong bagong kaibigan.
Saka ko nalang sasabihin sakanya.

Nagbibihis nga ako para pumunta sa Condo niya.

"Ma, punta lang po kila Elaine!"

Lumipas na din ng mag-away kami ni Mama nakapag usap na rin kami. Nagsorry naman siya kasi nagkulang daw siya bilang ina. Pero okey lang yun. Nanay ko pa rin naman siya after all.

Nasa condo na'ko ni Elaine pero hindi ko maopen ang passcode ng unit niya.
Nagbago ba siya ng password?
Tinawagan ko naman siya.

"Nagpalit ka ba ng password?"
"You're there na? Okey! I'll open the door"

Door open.

"Sophieeee I miss you!" Sabay hug saakin.
Nakakapanibago naman ang saya ng babaeng to. Sanay kasi akong pag galing flight niya ei nagpapasundo kasi nakainom dahil hiniwalayan ng jowa niya.

"Hindi ka ata hiniwalayan ng naging pasahero mo ngayon?"
"No! No! Kasi ibang-iba ang pasaherong toh"
"Bakit hindi ba siya tao? Alien?"
"Of course not! He is heavenly handsome and gentleman of all! I'll chika you later kunin ko lang yung pasalubong mo sa kwarto"

Oww? Sino kaya yun?

"Okey! Kuha lang ako ng meryenda" sigaw ko

Kumuha ako ng baso para kumuha ng juice sa ref and sliced ng cake. Nagugutom ako ei nagbus lang kasi ako papunta dito.

"Wala ng pineapple juice? Hoy! Sabi ko diba magstock ka ng pineapple juice para saakin!"
"Sorry! But I have grape juice gusto mo rin naman yan ah"
Sigaw niya galing sa kwarto

Parang may something na nagbago dito sa decoration ng ref. Kinakabahan ako bigla parang may mali.
Kasi ako ang nag aarangge nitong mga stickers ei parang naiba ata.

"Naglinis ka ba ng ref? " sigaw ko nanaman.

Iniisa-isa ko yung nakadikit sa labas ng ref. Stickers ng travels niya, bills, and bagong display ng maliit na picture ni Elaine na may nakaakbay na kamay. Hindi naman ako ito kasi sa Switzerland. At kamay ng lalaki. Natatakpan kasi ng bills yung side ng picture kaya hindi ko agad makita ang kasama nito.
Dahan-dahan kong tinanggal ang bills.
Sa pagkagulat nahulog ko ang basong hawak ko buti nalang plastic cup.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ko ang napaka-pamilyar na mukha na hinahanap-hanap ko buong linggo, na hinihintay kong magtext saakin, na kinaiinisan ko pero okey lang kasi napaka-gwapo niya, yung lalaking nakakuha ng first kiss ko. Yung lalalaking hinhintay ko na sabihing gusto niya rin ako.

"Oh my God! You already saw it! Surprise! "

Tumalon-talon siya sa saya.
Tiningnan ko lang ang bestfriend ko.

"RUSSEL IS NOW MY BOYFRIEND!!"
* * *
Ikinalma ko ang sarili ko, gustong kong umalis sa condo ni Elaine pero hindi ko magawa baka mahalata niyang may dinaramdam ako. Umupo ako sa sofa ng mga 10 minutes.

"May sakit ka ba? Namumutla ka ata"
"Wala! Masikip kasi sa bus at sobrang init pa kanina medyo sumasakit nga ulo ko"
paliwanag ko.
"Really! Kunan kita ng medicine"
"Wag na Elaine! Siguro uuwi nalang ako, para makapagpahinga sa bahay"
" You can rest naman here, pero sige. Mag taxi ka nalang huh."
"Sige" walang gana kong sabi.
"Wait! I'll pack my pasalubong to tita and Lindsey! Wait ka lang jan"

Undenial LoveWhere stories live. Discover now