PANG QUARANTINE #60

86 29 4
                                    

Kinabukasan at sa mga sunod na araw ay wala akong ginawa kung di ang tadtarin sya ng mensahe, at umasa na sasagot sya sa lahat ng mensahe ko dahil wala naman akong ibang ginagawa dahil wala naman yung mga pamangkin kong madalas kong inaalagaan.

Claire The Jinowa

5:00 PM

Joshua:
I love february

Joshua:
Chat ka pag okay na si lola

Joshua:
Pag di uminom gamot si lola paluin mo sa pwet

Nagkapatawarin kami nung huli naming usap pero parang may nagawa akong mali na hindi ko naitama. Parang may kulang na hindi ko alam kung ano. Hindi ko maintindiha.

6:00 PM

Joshua:
Sabihin mo kung may matutulong ako

Joshua:
Sorry ulit don sa nasabi ko nung isang araw

Joshua:
Di kita pinapagalitan, nagaalala lang ako para sayo

Bawat araw na lumilipas na hindi sya nagrereply, naiisip ko nga minsan na baka pakiramdam nya nasasakal na sya sakin o ano. Tama naman sya syempre uunahin nya yung pamilya nya kahit na ang kapalit nun ay kapahamakan nya.

4:00 AM

Joshua:
Lagi mong painumin si lola ng serpintina bayun yung sinabi mo pag inuubo sya

Joshua:
Kung feeling mo magisa ka, chat mo lang ako

Joshua:
I love february

Kahit di sya nasagot sa mga chat ko ay lagi ko pa din syang pinapaalalanan ng mga simpleng bagay kahit alam kong alam na nya.

11:11 PM

Joshua:
Always wear mask paglalabas ka

Joshua:
Tapos paguwi mo sa bahay nyo maligo ka agad or magpahinga ka saglit baka kase mapasma ka

Joshua:
Chat ka pag di kana busy

Joshua:
I love february

Walang araw na hindi ako nagalala sa lola nya. Walang araw na di ako nagtanong sa sarili ko na kung okay lang ba sila ng lola nya? Ng mama nya? Kung sinigawan nanaman ba sya ng may ari ng bahay na inuupahan nya.

2:30 PM

Joshua:
Okay na ba si lola?

Joshua:
Bawal lumabas yung kachat ni Devon kaya hindi ako makapagpadala sayo sorry

Joshua:
Alam kong mahirap pinagdadaanan mo pero andito lang ako palagi sa likod mo Claire

Walang araw na di ako nagdasal at humiling na sana matapos natong pandemya nato.

Pang Quarantine Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon