intro note

198 22 19
                                    

What up?

Thanks for actually reading these words,

.

.

.

.

.

At sa pag bilang ng mga tuldok sa taas,

Salamat.

If you're looking for a fantasy story, yung tipong isang balasubas magugustohan ng isang napakayaman, o gangster na maiinlove sa isang mahinhin na babae, kahit na alam ko na hindi na tayo nagkakasundo sa description ng isang gangster sa mga nauuso ngayon, o gusto mong makabasa ng isang istorya kung saan may perfect girl o perfect boy na characters,

Kung ganun ang gusto mo pwes, hindi ito ang librong para sayo, ngunit kailangan mo ito.

Bakit? Makakakita kaba dito ng mga nakasulat sa unahan?

HINDI

Eh, bakit para sayo to?

Kasi you are what you read,.

Sa mga bata. . .

Binibuild nyo palang ang inyong mga character, kaya wag mong isipin porket may nabasa kang ganto ganyan at nagustuhan mo ay ganun ka narin, pwede mo lang itong gawing isang inspirasyon. Ngunit itama mo lang ang iyong inspirasyon "walang imposible" tama! Gusto ko nga dating maging si superman eh pero magiging superman ba ako? Yung as in superman? Hindi pero may mga traits siya na pwede kong gayahin katulad ng pagiging gwapo ay este mabait. Tama? Ang haba ng paliwanag ko ngunit ang ibig ko lang sanang sabihin ay matuto tayong ibukod ang mga bagay na mababasa at mapapanuod lang natin sa pelikula at hindi natin pwedeng gawin sa realidad, ito ang nakakalimutan ng mga tumatalon sa building akala nila makakalipad sila, pero kung naniniwala kang makakalipad ka edi bakit ka pa nagbabasa nito? Malamang mas maraming mas magagandang gawin sa ere.

Sa mga young adult kung tawagin .

Sana ay makatulong sa inyo itong babasahin na ito na magpaalala at magturo ng mga bagay na hindi nyo pa nararanasan

Experience is the best teacher

Tama, at ito ay hindi kailangan ikaw mismo ang makakaranas sa nakikita, naririnig at nababasa ay pwede mo ng ilagay ang sarili mo sa sitwasyon na yun. At doon ay pwede ka ng matuto. Kunwari hindi mo naman kailangan pang magpabangga sa bus para lamang matutohan mong nakakamatay ito. Tama?. Kaya sanayin natin na ilagay ang ating mga sarili sa ibat ibamg sitwasyon upang lalo pa tayong matuto.

Sa lahat . . .

Sa mababasa niyo dito ay walang character ang magpapakilala pa, hindi katulad ng mga nauuso ngayon. Kundi sila mismo ang kikilalanin nyo.

Kaya kung ayaw mo ng mahabang babasahin ay sinasabi ko sayo na gustohin mo na ngayon pa lang., walang taong natuto na yung table of contents lang ang binasa. At sigurado ako na matutoto kayo sa mga characters ng istoryang ito.

So?

Panu?

Kilalanin na natin sila. :)

Kadiri may smiley.

Ang istorya ng pagkakaibigan.

A.K.A IBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon