Update 1 - The Accident

49 0 0
                                    

"Hay ! ang iiiiiiiineeeeeeeeet.. wla namang bumibili ng puto" Reklamo ni LIA. Alas tres na ng tanghali kaya naglalako na sya ng puto.Bakasyon nanaman kasi kaya nagtitinda sya para makaipon ng pambili ng gamit nya para sa iskwela at pandagdag nya sa pang matrikula nya sa pasukan.Kolehiyo na kasi sya at kaylangan nyang magsikap para hindi mahinto sa pag-aaral.Noon my kaya ang pamilya nila hindi na nya kaylangan pang magtinda, nakukuha na nya lahat ng gusto nya. Pero simula nga iniwan sila ng tatay nila at sumama sa ibang babae nawala lahat sa kanila. Dala-dala kasi nito ang mga pera na minana pa ng kanyang mama sa mga lolo at lola nya. Buti nalang at may natira pang naipon ang mama nya sa bangko. Ngunit hindi sapat yon upang matustusan yung pangangailangan nila. Kaya kahit nahihirapan sya tinutulungan nya Ang kanyang mama.

"ay! ay! ate bili kana ng puto"

"ano bang puto yan?"

"suman po saka kutsinta. Sige na po bili na po kayo"

"oh..sige pabili ko..tig limang piraso..magakano ba isa??"

"six pesos po..bale 60 po lahat" napaka saya ni Lia sawakas nakabenta na din sya.Magbabayad nalang yung ale ng may narinig silang malakas na busina na sasakyan..............

pppppppppppppiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiitttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttt !!!!!!

"AY !! YUNG MGA PUTO KO ???........."sa gulat nya nabitawan nya yung dala nya bilao.at nagakalaglagan lahat ng paninda nya. Agad nyang pinulot ang mga yon.Wla syang pakealam kahit nasa gitna pa sya ng kalsada mahalaga sa kanya makuha nya yung mga paninda nya "halah!pano ko pa to maiitinda ngayon??"mangiyak-ngiyak na sabi nya.Nang maalala nya yung sasakyan.Huminto pala iyon sa gilid ng kalsada. Nilapitan nya at kinatok Ang bintana nito.

"Hoy..manong kung sino ka man na nandyan sa loob lumabas ka at magtutuos tayo.."

mukang narinig naman sya nang driver ng sasakyan..bumaba ito..

napatanga nalang sya ng hindi pala isang matanda ang nagmamaneho non..isang lalaking halos kaidad lang nya siguro. Napatitig sya sa gwapong muka nito na sa tingin nya ay nasa anim na talampakan ang taas. His hair was as dark as his eyes. Aristokratiko ang hugis ng ilong nito. He looked exotically male-"masculine," "strong" & "handsome" entered in her mind right away....

"Ms..Ms...Hello?? are you ok??"

"hah?..ah..eh.."naputol ang nasa isip nya ng maalala nya yung paninda nya "ako ok lang pero yung mga paninda ko hindi!Gusto kong sabihin sayo na hindi bingi ang mga taga rito para businahan mo ng pagka lakas lakas!" asik nya dito.. Kahit gwapo ka hindi ka uubra sakin basta pera ang usapan hah!!.. nasa isip nya.

"ahm..im sorry.nahulog kasi yung cellphone ko tapos inabot q lang den nung nakita ko malapit na q sa inyo at masasagasaan kana.Im so sorry.kung gusto mo bayaran ko nalang yung mga paninda mo..magkano ba lahat nyan? Pati na din yung nandon sa basket para maka uwi kana."

"si...si..sigurado ka?" kaagad nagliwanag ang kanyang mukha sa narinig

"oo naman basta ikaw" may sumilay na ngiti sa mga labi nito

"abah e dapat lang ah..kasalanan mo yon e" hah!!mabait din naman pala ang loko.

"wala ka pa rin talagang pag babago Lia..." Sumakay na kaagad ito sa sasakyan matapos syang bigyan ng tatlong libong piso at umalis na.

Samantalang sya ay naiwang nakatanga dahil tinawag siya nito sa kanyang pangalan gayung hindi naman nya ito kakilala.

"Wala ka pa rin talagang pagbabago Lia."

Lia

Lia

Lia

Maagang syang makakauwi dahil kaagad naubos ang paninda nyang puto. Pero paulit ulit pa rin sa kanyang isipan ang pangalang itinawag sa kanya ng lalaking iyon.

"Pano kaya nya nalaman ang pangalan ko? Ngayon lang naman kami nagkita a?  Hay nakuh! ang daya nya. Bakit sya alam nya pangalan ko samantalang ako hindi ko alam ung sa kanya" Ang landi mo talaga Lia. Bulong nya sa sarili at binuntutan ito ng malakas na tawa. Kaya naman pinagtinginan sya ng mga tao sa daan.

AN : Maraming Salamat SAYO :)

Dahil nakarating ka sa dulo ng update na to. :)

One Sweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon