confusing actions part 2

228 9 1
                                    

so napag isipan kong mag ud dito haha. ewan ko kung bakit ? siguro kasi walang nagu-ud dun sa mga inaabangan kong stories. hehe :p so eto. ako nalang nag ud. at siguro dahil narin sa pagtatanong ng aking mahal na kaibigan :D

sana magustuhan ! ^_^

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

pagatapos naming kumain nung gabing yun napag kaisahan ng buong barkada na mag inom. sagad na kung sagad ! pagod na nga sa kakalangoy sa-shot pa diba. hashtag patayanituu >.<

hard ang natripan nila. sa ayaw at sa ayaw ko wala akong nagawa. ang naging masaya lang ay yung pagtakas ko sa mga shot dahil hahatakin ako nila joy para kwentuhan sila ng kung anung meron samin ni rej. haha !

" uy labs .. dali na kwento na ! anu na ba kasi kayo ha ? " - joy

" oy teka teka ! bakit di ako kasali jan ha ? " -jes na tumatakbo pang papunta samen

" oh dali kwento na kasi ! tagal eh ! " -ann

" makatagal to ! " - ako

" eh ano na nga kasi meron senyo ni rej ha bebe ? para naman kasing super close nyo na ewan ? " - jes

at kinwento ko na nga yung ilan sa mga details ng something na meron kami ni rej, na magulo din kasi kahit ako mismo hindi ko alam kung ano ba talaga yung something na yun.

" oy madaya kayo ha ! nagkwekwentuhan kayo jan ! lumalayo pa. takas lang kayo sa shot eh! " - jr

" wag ka nga jan bhie ! mahalaga to ! sabihin mo lasing ka na ! " -joy na sinamaan ng tingin si kuya jr. haha ! buti nga !

" oy pare ! hayaan mo na yang mga yan. ano na nga ba yung pinaguusapan natin ? aaaaahhh .. yung mga dragon paaareee.. " -art na mukhang hilo na ! hahahaha

nagtawanan ang lahat dahil sa sinabe na yun ni art at ako napatawa rin pero kasabay nun napatangin ako kay rej. kitang kita kong masaya sya kasama ang mga kaibigan ko. ilang segundo din akong nakatitig sakanya nang magulat ako kasi bigla syang napatingin sakin. bigla nalang tuloy ako napa-ubo at napa sapo sa ulo ko. huli ka girl ! titig pa kasi eh !

maya maya lang ay bumalik narin kami sa kinauupuan namin para shumat na ulit. sa nakakatawa, nakaka asar, nakaka dyahe at nakaka kilig na dahilan ay sinadya nang barkada na katabi ko si rej sa pag upo. bale .. kasunod ko sya sa tagay.

" pre ! tignanmo pre ! anjan na yung dragon ...... woooh ! " -art

" psst ! hoy ! tumigil ka nga jan ! nakakahiya ka. hahaha "  -ann, kahit sya mismo natatawa sa pag suway nya sa boyfriend nyang lasing na eh haha

" yam. tignan mo si jes. maya maya lang sinisimot na nyan yung chicharon. haha "  pabulong na sabi ni rej sakin. ako naman si tingin kay jes. at ayun nga ! pinapapak nya mag isa yung pulutan.

" haha ! akala ko ayaw sa maanghang ? " pabulong ko ring sabi kay rej

" hoy ! kayo ha ! answeet nyo masyado ! kelangan nagbubulungan talaga ? kayo na ! haha " -joy

ewan ko ba. ang babaw ko pero kinikilig ako nung mga oras na yun. simpleng katabi ko lang naman sya. okay - mejo sweet sya kasi lagi nyang chinicheck yung likod ko kung pawis. lagi nya ko tinatanong kung kaya ko pa shumat. ilang beses ko nakita nakatingin sya sakin. pwede namang sabihin nang hindi pabulong pero bulong ng bulong sakin. ah ! basta ! sabihin na nating kilig na kilig ako the mere fact na katabi ko sya. pero pinaka kinilig ako nung nagpaka gentleman sya nung ....

" oh last shot na ! labs sayo na yan ! " -joy sabay abot sakin nung shot glass. aminado akong hilo na ko. pagod narin kasi mula umaga nagluto pa ko ng pagkain naming lahat kanina isama mo pa ako naglinis ng bahay para sa pagdating nila tapos nagswimming pa. oh diba. di ka ba naman mahilo eh halos alas kwatro na ng madaling araw !

kinuha ko yung shot glass na inaabot sakin ni joy. dahil narin sa may amats na ko mejo makulit narin ako kaya dinasalan ko pa kunyari yung shot glass na hawak ko sabay sabi na " last na to. hilong hilo na talaga ko. "

akmang iinumin ko na yung alak na nasa basong hawak ko nang biglang hinablot ni rej sa kamay ko yung shot glass sabay inom.

natulala ako dahil sa bilis nang ginawa nya. tumingin sya sakin sabay ngiti na para bang nagsasabi na inako na nya dahil alam nyang di ko na kaya yung shot na yun.

mejo lutang pa ko nung nagliligpit na kami nang pinag inuman, di ko nga lang sure kung dahil ba yun sa alak o sa overdose na ko sa kilig hehe.

matapos magligpit ay pumasok na ko sa kwarto. silang lahat nasa sala kasi dun sila matutulog. ganun kasi usapan namin nila mama pag dito matutulog mga kaibigan ko.

papikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko ..

text message

rej : salamat yam !

ako : salamat din ha ! uuwi ka pa ba o maya na ?

rej : baka umuwi narin ako. matulog ka na. pagod na pagod ka eh.

ako : ipagpa umaga mo na. magpahinga ka muna. naka inom ka eh. mapano ka pa.

rej : sige na. kaya ko na sarili ko. di pa naman ako lasing eh. ikaw inaalala ko. may amats ka na tapos pagod ka pa. matulog ka na.

ako : basta gisingin mo ko pagaalis ka na ha ? miss call mo ko.

rej : sige na. tulog na kasi ! salamat ulit :) goodnight yam . sweetdreams. sleeptight. :*

ako : goodnight din. sweetdreams. sleeptight :)

haaaaaaaaaaaaaaaaaaay. buti nalang talaga ! may amats na ko. kung di .. halata masyado yung mukha kong pulang pula na sa kilig :">

BESTFRIEND zonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon