It was the second week of the second semester. Monday. Monday nanaman. Ang araw na halos walang palya kong nasisimulan ng hindi maganda. Bakit? Kase ito ang araw kung kailan male-late namaman ako ng sobra sa first subject ko — a seven a.m. class.
"Oy, Alfeen Clair Reyes, alas-cynco na, hindi ka pa ba babangon?" Nanay ko 'yan. Tinatawag n'ya ako sa buong pangalan kapag galit na.
It's 5:00 a.m. Nakahilata pa ako sa kama. Nakadalawang alarm na ako ng magkaibang oras, pero hindi parin ako bumabangon. Papatayin ko lang, then tulog na ulit, pero this time, wala na akong choice dahil nanay ko na ang gumigising sa'kin — hindi na pwede i-off, so kailangan ko nang bumangon.
"Anong oras ba klase mo ngayon? Ba't tanghali ka na gumising?" tanong ni mama habang kumakain ako. Naabutan kong nagkakape na ang kapatid kong bunso na maaga rin ang pasok ngayon.
Mabuti pa itong kapatid ko, malapit lang kase ang school na pinapasukan n'ya rito saamin, ako kase kailangan ko pang bumyahe ng napakalayo. Hindi naman sa ayaw kong bumyahe, but it's just that, ayaw ko ng byahe tuwing monday, kase sobrang traffic. Monday pa naman ngayon.
"Seven," sagot ko sa mama ko habang binibilisan ko ang pagkain ng almusal.
The moment na maubos ko ang almusal ay madali kong ininom ang kape ko. Mabilis ang naging pagkilos ko.
To get to my school on time. I usually leave the house around 4:30 to 5:00 a.m., and I know, I'm gonna be late on my first class.
Madaling-madali ako sa pag-akyat sa hagdan para makarating ng third floor kung saan ang klase ko. 'Pag silip ko sa pinto, nandoon na si sir at nagtuturo.
Lagi namang maaga or on time si sir kung dumating, and talaga namang ine-expect ko na male-late ako, pero hindi ko parin maiwasang manghinayang. Another nakakahiyang moment nanaman, dahil kailangan kong kumatok, pagtinginan at sabihin ang mga katagang "Good Morning sir, I'm sorry, I'm late"
And so I did. Sir Arthray, my professor, stopped for a second, smiled at me and slightly nodded. A sign that he is allowing me in his class and go to my seat.
Mabait si sir Arthray, magaling magturo, palabiro, palangiti, cute, kaliwete, at magaling mag-drawing. How do I know na magaling s'ya mag-drawing? He once draw a banana tapped on a wall, sa board last week to show us an example of an art theory he is talking discussing, and I can tell that it looks good, kahit na parang b-in-asic n'ya lang ang pagwasiwas ng marker sa whiteboard. Baka tadhana talagang may Art s'ya sa pangalan n'ya, dahil magaling naman s'ya do'n.
My seven a.m. class today, that sir Arthray handles, is none other than...
Art Appreciation.
Yes, and it's my favorite subject. And the man who is discussing in front is my super duper ultra nova, mahiwagang precious na...
crush.
Months have passed, medyo nabawasan naman ang pagiging late ko tuwing monday. Sa katunayan, today is Monday, and I left home at 4:15 a.m. Ito siguro nagagawa no'ng pa-happy crush.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan, I occasionally looked up, para tignan kung may buwan pa.
Madilim pa, and I can see that white circle thing on the sky.
"May moon pa, ibig sabihin, hindi ako male-late," I said to myself. 'Yun na ang naging basehan ko para malaman kung aabot ba ako sa school ng 7:00 am o hindi.
Since the day I accepted the fact na crush ko itong si sir Arthray, ay parang lalo yatang bumabaon 'yung arrow ni cupid sa puso ko, at masyado nang napapadalas 'yung pagligid ng mga lumulutang na puso kay sir Arthray sa tuwing tinitignan ko s'ya. I even brought a small stuffed toy na maputing cute na matangkad na payat na laging nakangiti, kase it really resembles him. It's really just like him. Plus, I even started to write daily poems for him. He once mentioned kase sa class n'ya na he enjoyed reading haiku before, and he used to write some, dati, kaya na-motivate ako gayahin. Naiisip ko, what if he ever finds out na may mga ganito akong ginagawa, maybe he'll notice me.
But I know, even if its possible, it's forbidden. Happy crush lang dapat 'to. Nothing more.
Weeks have passed, and I'll admit, my feelings grew even larger. Na parang gusto ko nalang sabihin, para matapos na. But after some careful thought, I concluded na it would only do more bad than good, so in the end, I just accepted that perhaps, I can never ever say this to him. Hanggang sa mga haiku nalang ako. Hanggang sa mga pagyakap ko nalang sa stuffed toy. Nothing more than that.
"May moon pa. Ibig sabihin, hindi pa ako late," I said as I was staring at the round glowing moon on the orange horizon. I left home a bit late today. Dati-rati ay may naaabutan lang ako na moon dito kapag madilim pa. Kapag itim pa ang langit. I didn't expect na kapag naglakad ako rito ay makakatanaw pa ako ng moon.
Weeks had passed and the moon suddenly gain another meaning to me. As I look up to the moon, I whispered, "May moon pa. Hindi pa ako late."
I've read in an article online that Japanese people may say "Tuski ga kirei" or "The moon is beautiful" to indirectly say "I love you" and I guess, I have my own version of it.
'May moon pa,' I said at the back of mind.
May moon pa...
Meron pa...
Five months have passed, at tapos na ang semester. I still looked up at the sky at midnight, but last month, last week, yesterday, and even today,
I didn't see any moon.
🌕🌕🌕
Author: Matagal na itong kwentong ito sa aking drafts. Balak ko sanang i-publish lang ito kapag tuluyan ko na'ng natapos ang konsepto ng isa pang nobela ko na may ganito ring konsepto. Pero nabalitaan ko kase kahapon na nabenta na 'yung nire-reference kong art piece rito na saging, kaya naisip ko na ipagpauna nalang ito.
YOU ARE READING
Moon Says... (One Shot)
Short StoryPalatandaan ko ang buwan para malaman kung late na ba ako o hindi pa.