One

397 2 0
                                    

"Ms. Denise Sandoval?"

I heard my name from the front desk. I urgently stand and compose myself as I walk fast going near to the f.o, expecting her to see me but we are too many here waiting inside the lobby so I shout "it's me!"

"Hi! Thank you for waiting Ms. Sandoval! Kindly proceed to the 3rd floor for your last interview! Goodluck!"

30 minutes after the interview, I was asked to wait for the results na lalabas pa after 2-3 days since nasa ibang bansa ang boss nila.

It depends. 2-3 days makaka receive ba ako ng congratulations i made it or apologies from them?

It's been 8 months after I was discharged from the hospital and puro bills lang ang tumambak sa akin. But still I am so grateful that I have my friends during those months na nagstay ako sa hospital.

So, I do not have any option but to look for job that can help me para naman mabawasan na ang mga babayadan ko. My friends paid my bills so sa kanila ako may utang. They insist na wag na but I can't.

Nakakahiya na that's why nung medyo okay na ako ay naghahanap na ako ng work. 2 weeks na ako nag aapply and unfortunately, nahihirapan ako makahanap since I am undergraduate.

It is exactly 12 noon, gutom na ako and I am here at Hebrew's coffee shop na malapit sa company na pinag interviewhan ko.

I ordered carbonara with shake for my lunch. Medyo mahal pa nga pero okay lang, babawiin ko nalang kapag nagka work na.

If you'll ask me about my family, no I don't have one. May parents died when I was 16 years old and by that age, I strive to survive at least to live.

Sobrang hirap, kulang pa yung phrase na sobrang hirap pero ganun. May mga bagay na kulang ang mga salita para mapantayan mo yung nararamdaman mo.

At 16, I tried to work while studying pa nun. Luckily, may bahay na naiwan pa para sa akin. They left me without any sibling to lean on. Yung mga kamag anak namin, nasa malalayong lugar. Wala din nakaka alam na namatay na mga magulang ko.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon magpakilala sa kanila o humingi ng tulong. Ayoko kasi magexpect at natatakot din ako na baka hindi ganun kaganda ang ugali ng mga kamag anak ko.

Pinilit ko mag college pero hanggang 2nd year lang nakayanan ko, mas pinili ko kasi mag work nalang nun kesa mag-aral na sana sinikap ko pala makapagtapos. Ngayon, iniisip ko kung itutuloy ko ba pagkatapos ko makabayad sa mga kaibigan ko.

Pagkatapos ko kumain, dumiretso na ako sa supermarket para naman makapag stock ng kaunti sa bahay.

May naipon naman ako at yun ang nagagastos ko habang wala pa akong trabaho.

Nakakuha na ako ng mga kailangan ko sa bahay at isa na lang ang kailangan ko.

Kape.

Ang taas naman. Hirap akong inaabot yung brand na gusto ko nang biglang may naamoy akong kakaibang bango kasabay nang pagsulpot ng braso sa harap ko.

"Ah, thank you po" pasasalamat ko sa lalaking naka navy blue polo na may cap.

Hindi ko alam kung narinig niya ba ako dahil may kinakausap siya habang hawak ang kaniyang cellphone.

Ngumiti lang siya sa akin.. His smile

Ang pogi.

"You should do that, yeah. Thanks.."

Nginitian niya lang ako at pagkatapos ay umalis na siya sa harap ko.

Umalis na din ako pagkatapos makapagbayad sa cashier.

Kailangan ko makauwi agad dahil magluluto pa ako. Hindi naman kalayuan ang bayan sa tinitirhan ko.

Sumakay na ako ng jeep at nagbayad. Pagkauwi ko ay nagpahinga muna ako at saka ako nagluto para sa hapunan ay iinitin nalang.

Naglagay muna ako ng face mask sa mukha ko. Iniisip ko kung papaano kaya ako habang nag aantay ng tawag nila.

Ayun na nga, may tumawag. Ngayon lang ata ako naalala.

"Hello?"

"Oh! Okay lang ako. Nakapagluto na ako, mamaya pa ako kakain. Buhay pa ako. Humihinga."

"Sorry na. Hahaha, papunta na ako diyan may dala akong pizza. Sleepover" sabay baba ng phone

Naku. Lakas bumawi. Nagdala pa pizza. Miss na miss ko lang naman

Mga ilang oras lang ay dumating agad. Aww 3 boxes of pizza! Hahaha.

"Lika dito! Payakap nga ako!! Miss na kita, bakit di ka nagpaparamdam?" tanong ko

"Out of the country kasi, nagbantay naman ako sayo kaso di mo alam at tulog ka nun. Miss you too!"

"Tara na kumain! Sakto lang at nagluto ako kanina ng curry! Gutom na ako. Mamaya natin kainin yang dala mo."

"Dahan-dahan ka nga kumilos, okay ka na ba?" pag aalalang tanong niya.

"Oo! Okay na okay, malakas pa ako sa kalabaw"

Si shawn nga pala. Bestfriend ko. Mayaman ito. Kung di kami magbestfriend baka wala din. Hahaha. Masaya ako at napaka suwerte ko sa mga kaibigan kahit na wala na akong pamilya. Sila na yung tinuturing kong pamilya.

Ex ni shawn yung isa kong kaibigan na si Elisabeth. Di ko alam kung anong nangyari pero I just let them handle their relationship. Kung kailangan nila advice ko, I am here to help them pero as long as they are silent and ayaw nila pag usapan, I will respect their decision.

They are civil naman to each other but one day, umalis nalang bigla si Elisabeth. She's communicating with me through email and instagram lalo na at di niya ako mapuntahan but it is okay, maybe she's dealing with something.

"Kamusta health mo? May sumasakit ba sayo?" tanong niya habang nagsscroll na mapapanuod namin sa netflix

"Uy! Gusto ko yang it's okay not to be okay! Trending yan nakita ko. Okay lang naman ako. Wala naman sumasakit sa akin. Naghahanap na ako ng work kaso ang hirap. Nagaantay ako ng tawag from them. Hiring ba kayo?"

"Hindi eh but I can help you with that. May alam akong company na naghahanap ng secretary. Is that okay for you?" Umayos na siya ng upo habang ako, yumakap na sa kaniya.

Ang sarap siguro kapag may kasama ka sa bahay na kausap mo, katawanan, kakuwentuhan but sadly for me, wala ako kasama. Hay

"Oo naman! What company ba? Undergrad ako, sa tingin mo makapasa ako?"

"Sa Heroin. Pinanghihinaan ka ba ng loob? Mukhang bago yan sayo. Oo naman, kayang kaya mo yun. Friend ko yung may-ari. I will contact you kapag nakausap ko na siya"

"Heroin? Kaka apply ko lang dun. Wala pa boss nila kaya 2-3 days pa malalaman."

"Well, that's good at nakapag apply ka na pala so I'll mention you nalang"

We just kept talking and then nagplay na yung episode 1. Ang gwapo ni Kim Soo Hyun. Ang tagal na nung huling napanuod ko ulit siya.

Tinapos lang namin ang episode 1 pagkatapos ay natulog na. 2 rooms ang mayroon dito sa bahay. Yung kwarto ng parents ko and sa akin kaya dun na natulog si Shawn sa kabila.

Maayos naman yun at di ko pinapabayaan kahit wala masyadong gumagamit dahil katulad ng ganitong situation, nagagamit naman kapag may bisita.

Bring Me Home (Batangas)Where stories live. Discover now