Three

122 0 0
                                    

It is 6:35 in the morning! I really had fun yesterday with Shawn and embarrassed at the same time with what happened, you know with the guy na nasagi ko yung drink niya.

Their meeting didn't last long nung nasa restaurant na kami. So by 5 in the afternoon nagdecide kami ni Shawn pumuntang SM Batangas. I really wanted to buy candles with scent kasi.

I don't know but it is one my hobby na to collect candles. Syempre ginagamit ko din lalo na yung nakakatulong sa pagtulog.

After that, naggala lang kami then hinatid na niya ako kasi kailangan na niya umuwi.

Last night, I also had an email!! And yes!! Natanggap na ako bilang secretary but not 100% kasi may training pa kami pero may allowance na din hahaha.

I will be starting next week at tamang tama kasi mag bonding muna kaming circle of friends with Shawn for 3 days bago ako magstart sa training.

Right now, nagdidilig ako ng mga halaman ko indoors. Mayroon akong 5 dito sa loob then mayroon din sa labas. Naka display sa labas yung may mga flowers and lahat sila white ang color.

Yung house ng family namin hindi ganun kalaki pero enough na for 3-5 persons atsaka lalo na ngayong ako lang, walang kasama. Kaya I am thinking if mag adopt kaya ako ng aso para naman magtahulan kaming dalawa. Joke lang.

Tapos na ako magdilig kaya magluluto na ako, kanina ko pa gusto magkape.

Describe ko nalang din yung bahay namin, yung color ng paint sa sala ay white then yung kurtina ay green, 2 lang yung rooms, pinapinturahan ko yung sa parents ko ng black atsaka combination of white since yun na yung magiging guest room tapos yung sa akin naman ay avocado green then white. Ang daming colors ano?

Iba iba kasi mood ko and gusto ko sa room ko yung relaxing color kaya avocado green, sa sala naman ay white and black din para naman medyo classy yung dating kahit maliit lang.

May family picture kami kaya nung nagkapera na ako nagpadevelop ako ng mas malaking size para yun yung naka display sa sala at nakikita agad ng mga bisita. Kapag namimiss ko sila, dun lang talaga ako tumitingin.

I also love reading, bago matulog sinisiguro ko na makakabasa ako kahit 3 chapters man lang. Ang usual routine ko sa umaga ay magexercise, magdilig, magluto at maglinis at after nun, free na ako.

Hindi naman ako makalat sa bahay, kaya mabilis lang din ako matapos sa mga gawain.

Tapos na ako kumain kaya naligo na ako at nag ayos ng sarili. Naisipan kong mag ayos na din ng mga gamit ko para sa outing namin para di na ako magmamadali. Bukas na din kasi yun, 3 days tapos 1 day rest then training na!

After ko makapag ayos, nagscroll na ako para naman manuod sa Netflix! Excited naman kasi ako sa It's Okay To Not Be Okay! Maghapon lang naman ako manunuod.

"Ma'am may 5 pesos po kayo?" tanong ni Ate na nagccashier sa 7/11.

"Uhm yeah, eto po" sabay abot ng 5 pesos.

"Thank you Ma'am!" nakangiting sabi ni Ate

Kakagising ko lang dahil inantok ako habang nanunuod kanina. 8 na ng gabi pero gusto ko ng yogurt bigla kaya naglakad na ako papuntang 7/11 na 6-10 minutes lang lalakarin.

"Denden, daanan kita bukas ah? Magtatagpo nalang daw tayo dun nina Mary and Sara. 6 or 6:30 nasa inyo na ako" text ni Shawn sa akin habang nagtitingin pa ako kung ano gusto ko sa 7/11

Nakapagbayad na kasi ako pero gusto ko mag uwi pa sa bahay kaya bumili na din ako ng chocolate hehehe. Ganito kahirap maging alone. Habang naghahanap ako ng 100 pesos sa wallet ay bigla akong nagulat dahil hinampas ako galing sa likod.

"Denise!!! It's you!! How are you? I'm sorry with what happened. Masyado kang nagmamadali that time kaya di kita masundan, nahabol mo ba yung hinahabol mo?"

I remember her face but I don't know why it is hard for me to remember her name and hindi ko alam how I will answer her because I do not remember chasing someone? Do you know how it feels to be frustrated just because you feel you lost some parts of your memories and it's been how months na nadischarged ako at ngayon ko lang nalaman?

I was taken aback. I still manage to reply "Hi! I'm okay, thank you for asking but I'm sorry I couldn't  remember."

She was looking at me and she felt pity, I saw it with her eyes kahit wala siyang sinasabi. "Hmm I wish I could talk with you about that right now but I am in a hurry kasi Denise, so eto contact number ko, contact me then let's catch up okay? I am really happy that you are okay!" then she hug me tight, she gave me her business card and left..

"Lauren Steve" is her name. Looking at the piece of paper and feeling confuse.

Why it is so frustrating while trying to remember kung ano yung sinasabi niya? Sino yung hinahabol ko? The doctor and the police told me na naaksidente ako pero nakatakas yung may sala.

I didn't try to know who is she or he kasi there's no use. Mag aaksaya ako ng pera at oras sa wala na. If pinili ko pa siya hanapin ay siguro wala pa din akong peace of mind ngayon. Iniisip ko nalang na baka nagmamadali siya at di niya sinasadya.

Yung hospital bills ko bayad na because of my friends pero magwowork ako while paying them for it. Ayoko naman maging pabigat.

But after I talked with Lauren, ngayon ako nakakapag isip masyado. What really happened to me back then?

Nakauwi naman ako and nagwash na din. Manunuod nalang ulit ako sa Netflix. Hmmpf

I am really bothered kaya kahit sa pagtulog ay hirap ako pero kailangan ko kasi matulog dahil maaga si Shawn! Hay

Bring Me Home (Batangas)Where stories live. Discover now