05

12 1 0
                                    

Second Chance

It's been a normal day, papalapit na ng papalapit ang pageant madami kaming ginawang pagpapapirma ng mga kaklase ko para sa voting

Marami namang bumoto samen ni Medieval, lakas ba naman ng charisma non

Ngayon ang rest day namin which means balik sa dating gawain bilang normal na estudyante

"Chel, Pst!" sitsit ko

Lumingon siya sakin at nagtaas ng isang kilay

"May sagot kana sa number 10?" tanong ko

tumango siya "Electric Wires yung sagot"

Sinulat ko agad yon sa papel ko at tumango sakaniya, bat wala kasing choices?!

May narinig akong kalabog sa hall na nasa labas lang ng classroom namin, tunog ng bola

Mga Varsity Players, kasama si...

"Naks may pamalit na kay Silva tong si Lucas" tawa ng isang Varsity na nangaasar kay Medieval

Napalingon kaming lahat na magkakaklase sa mga lalaking nasa labas nagaasaran

Napalingon nadin ang professor namin sakanila, lumabas ito sa classroom

"Bat ba ang iingay niyo? Dadaan na nga lang nagiingay pa, Alam niyo bang may nagtetest dito?" saway ng Prof namin

"Di po namin alam e" naka ngising bara ni Lucas, pinipigilang di matawa ng mga kasama niya

Napatingin siya sakin, bumakas ang gulat sa mga mata niya ngunit agad itong nawala ang ngumisi lalo sakin, napa tingin ako sa ibang direksyon

lalong naging iritado ang Prof namin "umalis na kayo"

Nagdriball pa ang iba habang naglalakad palampas sa room namin, lalo yong lumikha ng ingay

"Mayayabang, porket may kasamang Medieval" iritadong sabi ng Prof namin

"Continue your test"

"Luna, diba yon yung kapartner mo?" Kalabit ng isa kong kaklase

Di ako sumagot, nakakahiyang maging kakilala yung kupal nayon

Tsaka Silva? kung ganoon meron siyang girlfriend?

Hmm Silva? It can't be that girl, she's shy and silent before

But that cheater! I should have known, may girlfriend na pala parang tanga sa photoshoot namin

"Tara sa canteen" yaya ni Rachel nagbell na e, tumango nalang ako at naunang mag lakad sa hall

maraming nakatambay na estudyante don puro mga naguusap at nakatambay dahil recess

Some of them are elites, mga halatang anak mayaman

May mga dumaang lalaki "Hi Luissa!" Bati nila sabay sabay

I gave them an awkward smile at nilagpasan na sila, ang awkward kaya non.

"uh hintay!" mahinahon na tawag ni Chel

Ng nasa pasukan na kami ng canteen, mas lalong dumami ang estudyante, di sila gumagalaw nakatayo lang sila at nagbubulong bulungan na animoy may pinapanood

"Ops I'm really sorry! I didn't mean to do that" may sarkastikong boses akong narinig sa gitna ng canteen

Nagmadali agad kaming pumasok sa canteen ni Rachel para makita ang nangyayari

When the Moon is Up (Moon Siblings Series#1 - Luna Montero)Where stories live. Discover now