#02: Mafia Test

46 6 0
                                    

4 YEARS LATER
September 02, 2020
Underground MAFIA CAMP

Walang pasabing inihagis ni Gon ang hawak na dalawang bag sa mesang nasa harap ng mga lalaking nakaitim.

" Ano nanaman yan!?" Tanong ng isang lalaking may tattoo sa leeg.

" Open it" tipid na sagot nya saka naupo sa bakanteng silya.

Mapanuri syang tinignan ng lalaking may tattoo sa leeg bago nito lapitan ang bag na inilapag nya.

" 100, 000, 000.00 worth of money. You gave me 1 week to do that task but..." umiling sya't sumimsim ng wine. " I completed it in just 3 hours" nakangising saad nya.

Nagkatinginan pa ang anim na lalaki bago tumango at nilabas ang perang nasa bag.

" Talagang pinapahanga mo ako, Gon. " nakangising sabi ng lalaking naka itim na sando. Malaki ang katawan nito at maraming tattoo sa katawan. Natawa sya ng makita ang naiinis nitong ekspresyon.

" Wanna be a boss?" Dagdag nito. Tama ang hinala nya, naiinis ito sa kanya. This man is Roux, the ranked 3, natatakot itong malampasan nya panigurado.

" If I can, why not!?" Sagot nya't agad tumayo. Hindi pa sya nakakalayo nang muling magsalita si Roux.

" Wag kang masyadong mataas mangarap. Ikaw pa rin ang taong lumuhod sa harap namin para makasali sa Mafia at makapaghiganti sa pagkamatay ng pamilya mo." Tumawa ito saka nagpatuloy.

" You're just a loser detective Gon Mejia. Hindi mo mababago yun!" Naikuyom nya ang kanyang kamao dahil sa galit pero pinilit nyang magtimpi. Muli nyang hinarap si Roux saka ngumisi na parang wala itong sinabi.

" Salamat sa paalala, tatanggapin ko yun ng buong puso" mapang asar na sabi nya saka tuluyan ng umalis.
.
.
.

-● Flashback ●-

"Gusto mong maghiganti?" Tanong sa kanya ng katabi nyang tinutungga ang beer. Lasing na tumango sya't tumingin sa lalaking katabi.

"Bakit, tutulungan mo ako!?" Natatawang tanong nya. Sinabayan sya nito sa pagtawa bago muling tumungga ng beer at magsalita.

"Nah, I don't want to interfere with others business but... you can help yourself " sagot nito. Nakakunot ang noong hinawakan nya ito sa kwelyo at sapilitang iniharap sa kanya.

"Pinaglololoko mo ba ako!?" Galit na tanong nya rito pero iiling - iling na tumawa lang ito.

"Chill bro!, I have an idea" sabi nito pero hindi nya parin ito binitawan. " Kung makapangyarihang tao ang kalaban mo, maybe I can help"

" Paano mo ako matutulungan?"

Muling ngumiti ang lalaki saka bumulong.

" Join the Mafia to gain more power and built connections" sagot nito na ikinatigil nya.

Hindi na alam ni Gon kung ano ang mga sumunod na nangyari matapos sabihin ng lalaking yun ang tungkol sa Mafia at tangka nyang paghihiganti. Natagpuan nya ang sariling sinusundan ang lalaking kanina ay iisa lang pero ngayon ay nasa sampu na.

The MAFIA'S REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon