I AM MISS IMPERFECT FIGHTING FOR MY PERFECT LOVE :)

66 6 3
                                    

Second story ko na to, inspired lang ako ngayoN XD .. sana magustuhan niyo , I’m doing my best after all.

CHAPTER #1

Do you believe in perfect match? Sa perfect combination? Perfect relationship? At kung ano ano pang perfect about sa love or dito sa mundo?  

May nag-eexist nga bang perfect sa mundo? Ang dami kong tanong at na-realize ko ang sagot ngayon . Wala pa sigurong perfect sa mundo, si God lang naman kasi ang perfect , and he made all things imperfect, for us to reason out and learn from the lessons that we will gain from that experiences na ibibigay niya sa atin..

Noon hindi ako naniniwala sa salitang LOVE . as in love na for bf/gf relationship. Takot kasi ako, takot akong masaktan, takot akong makasakit ng tao at higit sa lahat ayoko na may taong magbabago ng bigla at mawawala ng parang bula. Yeah complicated talaga , magulo ang isipan ko , at sa sobrang takot ko baka maging isang matandang dalaga ako ! aww..

By the way I’m Anikka Zhen Tiu , I’m a half Filipino ,and a half Chinese. 19 years of existence, and hope so na dito na ako sa Philippines titira for good. Lumaki ako sa Fujian, China with my grandparents. Sila mama at papa naman they are always busy sa business namin, it runs from our blood na super busy sila at nalimutan yata nila na may anak sila. Mas priority ng papa ko si Kuya Jin kasi daw he can manage things na di ko naman kayang gawin. Nagtatampo talaga ako kasi kahit anong effort ko hindi naman nila ako napapansin.. haay buhay nga naman.

Lagi nalang akong talo, kasi kahit sa love di ko kayang manalo at di ako kayang mahalin ng taong minahal ko ng totoo. Na-trauma ako kasi alam niyo yung super bait niya sakin at super care siya pero yun pala pustahan lang lahat ng yun? Ang totoo niyan di ako mahilig mag-ayos like putting make up at kung ano ano pa. Weird ako masyado at mahirap sabayan , pero bigla nalang dumating si Bryan at binago niya ako na alam ko naman na mas ikakabuti ko.

Si Bryan, siya yung taong minahal ko noon na akala ko ay mahal niya rin ako, 3rd yr ako nun ng ligawan niya ako . Nahulog ang loob ko sakanya pero nalaman ko nalang na pustahan lang ang lahat para mapa-ibig ako kasi nga pihikan ako sa guy . Masakit yun nung nalaman ko kaya ayun I decided na tapusin ko nalang ang highschool ko dun at lilipat nalang ako dito sa Philippines para makapag.move ,nandito rin naman ang mga pinsan ko eh kaya may guide ako.

Yan yung start na naging man hater ako, takot na ko magmahal kasi pinaniwalaan ko na lahat ng boys ay parehas lang . Hindi na ako maniniwala sa mga pambobola nila , hindi na ako mabubulag at magiging tanga kasi alam ko sa sarili ko na di dapat ako nasasaktan ng ganito, I don’t deserve it , and I really don’t deserve a guy that will leave me and hurt me, walang perfect na buhay kasi kahit na mayaman ang family ko, di naman ako Masaya.

Enrolled na nga pala ako sa De Lasalle University- Dasmarinas campus. Architecture ang course na kinuha ko kasi gusto kong mapatunayan sa papa ko na I can be the best daughter for him at ipagmamalaki niya rin ako in time.

I owned a house in Tagaytay and I have a BMW car that fits me. First day ko na and I have my full self confidence kasi ayokong ma.bully tulad ng nangyari dati sa akin when I’m there in China…

________At the campus______

ANNIKA’s P.O.V.

Malaki na pinagbago ko simula noon and I’m happy kasi hindi na ako weird ngayon , gumanda na nga raw ako eh. Marami ng humahanga sa akin ngayon at ang masasabi ko lang sa mga boys, ngumanga nalang kayo at tumingin kasi hanggang tingin lang kayo, lahat ng lalaki ay pinanganak na manloloko! At hindi niyo na ako maloloko tapos na ang moment ko para lokohin.

“Hi miss? You’re anikka right?..by the way I’m Renzo de Vera. *_*

“oh Shi de ,wo ye Anikka Tiu, .” (yes , I’m Anikka Tiu)

I AM MISS IMPERFECT FIGHTING FOR MY PERFECT LOVE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon