Chapter 18

1.8K 73 17
                                    

#TheImpostorEighteen

"A-ANDREA..."

Nauutal na sambit ko habang tinitignan ang babaeng kakapasok lang sa main door ng mansyon. Ang laki nang pinagbago niya. Hindi na siya katulad ng Andrea na kilala ko noon. Dati mukha siyang inosente at wala pa gaanong muwang sa mundo. Ngayon, ito na siya sa harap ko. Mukha na siyang matapang at hindi pa rin nagbabago ang itsura niya.

Hinubad nito ang shades na suot niya at ibinigay ang bag na dala niya pati na ang mga maleta na ibinaba sa sasakyan niya sa mga katulong. Nandoon naman si Kuya Steve sa gilid niya, kaya pala hindi ko makita si Kuya Steve kanina. Wait, she's Cassiea?

"Welcome home, Miss," magalang na sabi ni Kuya Steve at yumukod.

Hindi pa ako nakikita ni Andrea dahil medyo nasa likod ako. Nakita ko ang pagka-mataray ng mukha niya at nilapitan niya ang isang katulong.

"You look ugly. Get out," masungit na sabi nito. Nagmamadali namang tumakbo paalis ang katulong. Hindi pa rin nila inaangat ang mga ulo nila at patuloy na nakayukod lang silang lahat.

Napagdesisyunan ko na magpakita na sa kaniya at lapitan siya. Panigurado makikilala niya ako, we're best friends after all.

"Andrea!" sigaw ko at nagmamadaling lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya nang nasa harapan ko na siya.

"I miss you, Andeng," sabi ko pero nagulat ako ng itulak niya ako.

"Ew. Get your filthy hands off me! And I'm not Andrea. My name is Cassiea," mataray na sabi nito at saka ako inirapan. Siya si Andrea, sigurado ako roon.

Nasaktan ako sa ginawa niya lalo na nang lampasan niya lang ako at dumiretso na sa elevator. Probably, going to her room. Nagsalita naman si Kuya Steve sa likod ko.

"Sorry. Ganiyan talaga ang ugali niya. Masiyadong na-spoiled nila madam simula ng madala dito," sabi ni Kuya Steve. Bumuntong hininga na lang ako at tumango.

"Paano nga pala kayo nagkakilala?" tanong ni Kuya Steve.

"Sa orphanage po. Parehas kaming nandoon dati at naging matalik na kaibigan ko po siya doon kaso nauna siyang ma-ampon sa akin," sabi ko habang naalala ang nakaraan.

"Kausapin mo lang siya. Panigurado, babalik ulit kayo sa dati. Lalo na't kung kaibigan pa rin ang turing niya sa'yo," sambit ni Kuya Steve. Tumango na lang ako at nagpasalamat sa kaniya bago umakyat sa kwarto ko.

Tumingin muna ako sa katapat kong pinto bago ako pumasok sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako pagupo ko sa kama. Masaya ako. Sobrang saya dahil nakita ko na ulit si Andrea. Parang noong isang araw lang nakita ko si Pia at nagka-ayos na kami. Ngayon, nandito naman si Andrea na matalik kong kaibigan. Sunod-sunod na magagandang bagay ang nangyayari sa akin, pakiramdam ko, isang magandang pangitain 'to.

Napangiti ako ng mapadako ang tingin ko sa isang puting bestida na nakasabit sa isang parte ng kwarto ko. Nakakatuwa isipin na sinusuot pa namin ang mga iyan at nag-aayos para magkaroon ng pamilya at magkaroon ng magandang buhay.

Naalala ko bigla si Andrea. Baka nagulat lang talaga siya sa akin kanina. Huminga ako ng malalim at lumabas sa kwarto ko at kumatok sa pinto niya. Hindi ito sumasagot kaya kumatok ulit ako. Wala pa ring sumasagot kaya kakatok sana ako ulit nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni Andrea habang nakataas ang kilay nito.

"What are you doing here?" masungit niyang tanong.

"U-uh. Nabigla yata kita kanina, Andrea," sabi ko at nahihiyang tumawa.

The Impostor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon