Salita ng Diyos

13 0 0
                                    

Marahil ang ilan sa inyo ay pamilyar sa mga "Kautusan ng Diyos" o Batas ng Diyos, na mas kilala ng marami bilang "Lumang Tipan", at isa na nga sa mga Kautusan na ito ay ang Batas ng Diyos sa Pagkain o kung ano lang ang Pwedeng Kainin ng tao, kagaya ng gulay, prutas, baka, tupa, kambing, manok, at isda na may kaliskis at palikpik, at sa mga Hindi Pagkain o Bawal Kainin ng tao, kagaya ng baboy, tahong, hipon, alimango at hito na mababasa sa Leviticus 11, Genesis 1:29 at Deuteronomy 14

ganun pa man, ang isa sa mga karaniwang ginagamit ng ilan para hindi sundin ang Batas ng Diyos sa Pagkain ay ang verse sa Matthew 4:4

"Ngayon, sumagot s'ya(si Yeshua o Jesus) at nagsalita, 'Nakasulat, ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lang ngunit sa lahat ng Salita na lumalabas mula sa bibig ng Diyos'"

==========================================

at ang pagkakaintindi nila sa Matthew 4:4 ay ganito:

"Hindi na mahalaga kung ano ang kinakain mo, ang mahalaga ay sinusunod mo ang Salita na lumalabas mula sa bibig ng Diyos kagaya ng Pagiging Mabait"

==========================================

kung ganun, kaninong bibig lumabas ang mga Salita na nakasulat sa Leviticus 11, Genesis 1:29 at Deuteronomy 14? Hindi ba sa bibig ng Diyos?

at bukod dun, hindi ba Pagiging Mabait ang pagsunod sa "Kautusan ng Diyos" kagaya ng Batas ng Diyos sa Pagkain?

halimbawa, kung sasabihin ng Ama sa kanyang anak na huwag s'yang kakain ng baboy, tahong, hipon, alimango at hito, ngunit ang kanyang anak ay kumain pa rin ng mga pinagbabawal n'ya, ano ang iisipin ng Ama sa ginawa ng kanyang anak? Maituturing ba ng Ama na Pagiging Mabait ang hindi pagsunod ng kanyang anak sa Salita na lumabas mula sa bibig n'ya?

==========================================

marahil ang tanong ng ilan, "Pero hindi ba binawi na ng Diyos ang Batas n'ya kaya pwede na nating kainin ang lahat? At ang pinapagawa na lang sa atin ng Diyos ay ang pagiging Mabait kagaya ng pagpapahalaga natin sa ating mga magulang, hindi pagpatay, hindi pangangalunya, hindi pagnanakaw, hindi pagsisinungaling at hindi pagnanasa sa pag~mamay~ari ng iba?"

kung ganun, saan mababasa ang pinapagawa ng Diyos na pagiging Mabait kagaya ng pagpapahalaga natin sa ating mga magulang, hindi pagpatay, hindi pangangalunya, hindi pagnanakaw, hindi pagsisinungaling at hindi pagnanasa sa pag~mamay~ari ng iba? Hindi ba sa Batas ng Diyos sa Exodus 20:12~17?

so kung totoo na binawi na ng Diyos ang kanyang Batas, ibig sabihin lahat ng NAKASULAT sa Batas ng Diyos ay hindi na dapat sundin, at kasama na rito ang pagiging Mabait kagaya ng pagpapahalaga natin sa ating mga magulang, hindi pagpatay, hindi pangangalunya, hindi pagnanakaw, hindi pagsisinungaling at hindi pagnanasa sa pag~mamay~ari ng iba na mababasa sa Exodus 20:12~17

at bukod pa roon, kung babasahin natin muli ang verse sa Matthew 4:4, mapapansin na nabanggit ng Panginoong Yeshua(o Jesus) ang salitang "NAKASULAT"

"Ngayon, sumagot s'ya(si Yeshua o Jesus) at nagsalita, 'NAKASULAT, ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lang ngunit sa lahat ng Salita na lumalabas mula sa bibig ng Diyos'"

==========================================

so saan kaya "NAKASULAT" na "ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lang ngunit sa lahat ng Salita na lumalabas mula sa bibig ng Diyos"?

Walang iba kundi sa "Kautusan ng Diyos" o Batas ng Diyos, na mas kilala ng marami bilang "Lumang Tipan", at ito ay mababasa sa Deuteronomy 8:1~3

"Ang mga Kautusan na pinag~uutos sa inyo sa araw na ito ay Pananatilihin n'yo, Gagawin n'yo upang mabuhay kayo nang mahaba, (hanggang) sa pagpasok at pagkamit n'yo sa lupain ng Panginoon na ipinangako sa inyong mga Ama(o ninuno)"

"Tatandaan n'yo ang pamamaraan ng Panginoong Diyos, na sumama sa inyo sa ilang(o wilderness) nang apatnapung taon(o 40 years), upang mapakumbaba kayo, at upang mapatunayan n'ya at malaman n'ya sa kalooban n'yo ang Magpapanatili ng kanyang mga Kautusan"

"Pinakumbaba n'ya kayo sa gutom, pinakain n'ya kayo ng Manna(o Tinapay mula sa langit) bilang pantukoy ng Ama, upang malaman at maipaalam na ang tao ay (hindi) nabubuhay sa tinapay lang, (ngunit) sa lumalabas sa bibig ng Panginoon ang tao ay nabubuhay"

==========================================

ibig sabihin, ang tinutukoy ng Panginoong Yeshua(o Jesus) na Salita na lumalabas mula sa bibig ng Diyos ay ang mga "Kautusan ng Diyos" o Batas ng Diyos, na mas kilala ng marami bilang "Lumang Tipan"

dahil sa Pagpapanatili natin ng mga "Kautusan ng Diyos" o Batas ng Diyos, na mas kilala ng marami bilang "Lumang Tipan", tayo ay mabubuhay, dahil ito ang magsisilbi nating pagkain

Ayon mismo sa Panginoon, sa John 4:34

"Nagsalita si Yeshua(o Jesus) sa kanila, 'Ang aking pagkain ay ang gawin ang nais ng nagpadala sa akin at TUPARIN ang kanyang gawa'"

At sa Matthew 5:17~19

"Huwag Isipin na pumunta Ako para SIRAIN ang Batas o ang mga Propeta, hindi Ako pumunta para SIRAIN ngunit para TUPARIN"

"Dahil sa katotohanan, sasabihin ko sayo, hanggang saan man sa langit at sa lupa ang masira, isang KATITING o kahit sa ISA sa PINAKAMALIIT na Batas ay hindi kailan man MASISIRA mula sa Batas, hanggang saan man sa lahat ng ito, ay MATUTUPAD"

"Kung sino man sa mga bagay na ito ang BABALI(o MAGPAPAWALANG~BISA), kahit sa ISA sa mga ito na PINAKAMALIIT na UTOS at ITUTURO sa tao ay samakatuwid tatawaging PINAKAMALIIT sa kaharian sa langit NGUNIT sino man, saan man s'ya, ang GAGAWA at MAGTUTURO ng mga ito, ay tatawaging DAKILA sa kaharian sa langit"

==========================================

In short, hindi lang tinapay ang pagkain ng tao para mabuhay, pagkain din ng tao ang pagsunod sa "Kautusan ng Diyos" o Batas ng Diyos, na mas kilala ng marami bilang "Lumang Tipan", at isa na nga sa mga "Kautusan ng Diyos" ang Batas ng Diyos sa Pagkain o kung ano lang ang Pwedeng Kainin ng tao, kagaya ng gulay, prutas, baka, tupa, kambing, manok, at isda na may kaliskis at palikpik, at sa mga Hindi Pagkain o Bawal Kainin ng tao, kagaya ng baboy, tahong, hipon, alimango at hito na mababasa sa Leviticus 11, Genesis 1:29 at Deuteronomy 14

Ano ang Salita na lumalabas sa bibig ng Diyos?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon