Ikatlo

8 0 0
                                    

Isang Anino

TINITIGAN ko ang kanyang likuran habang patuloy ang mabilis na kabog ng aking dibdib.

"W-what?"

Nang makarating sa pinto ay muli siyang lumingon at agad na nagpakawala ng mahinang tawa. Kasunod niyo'y isang mapang-asar na ngisi ang naglaro sa labi niya.

"Just kidding!" Humalakhak siya bago tuluyang lumabas ng pinto.

Nagpakawala ako ng mahinang ungol at tiningnan ng masama ang pintong nilabasan niya.

Bwiset na Taku!

Humiga ako at ipinikit ang aking mga mata ngunit agad din akong nagmulat matapos bumalik sa aking balintataw ang sinabi ng babae. Bumangon ako at tinanggal ang kumot sa aking katawan. Dahan-dahan akong bumaba sa kama at itinulak ang stand kung saan nakasabit ang dextrose na suot ko.

Nang makarating ako sa pinto ay marahan ko iyong binuksan. Sumilip ako at kaliwa't kanang bahagi ng hallway bago inihakbang ang aking paa palabas. Marahan kong ipininid ang pinto ng kuwarto bago tuluyang naglakad patungo sa hallway sa kanan, kabilang direksyon iyon nang pinagdalhan sa akin kahapon.

Pawang mga puting pinto ang aking nadadaanan. Sinubukan kong sumilip sa isa sa mga iyon ngunit hindi ko makita ang nasa loob kung kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. May pailan-ilang pasyente akong nakasalubong at ilang nurse ngunit parati akong tumatabi habang nakatungo upang hindi nila ako mapansin. Nang marating ko ang dulo ng pasilyo ay napansin ko ang isang elevator. Muli kong inilibot ang tingin sa paligid bago nagtungo roon.

Tila mayroong apat na palapag ang gusaling ito at nasa pangalawang palapag ako. Pinindot ko ang number 1 sa button at hinintay na sumarado ang pinto. Malapit na iyong sumara nang pigilin iyon ng isang kamay. Nagmamadaling pumasok ang isang babae at akmang pipindot ng button ngunit nang makitang may ilaw ang 1 ay umurong na lamang siya at tumayo malapit sa dingding.

Mailap ang kanyang mga mata at hindi siya tumitingin sa akin. Katulad ko ay nakasuot din siya ng gown na pang-hospital ngunit kapansin-pansin ang mga sugat at galos sa kanyang braso. Mabilis na kumunot ang aking noo ngunit bago pa ako makapagtanong ay agad nang bumukas ang elevator at nagmamadali na siyang lumabas. Dahil napukaw niya ang aking kuryosidad ay mabilis na humakbang ang aking mga paa pasunod sa kanya.

Imbes na sa malaking pinto patungo sa labas ng hospital ay sa hallway sa kabilang bahagi siya dumiretso. Sinilip ko pa ang pinto at saglit kong natanaw ang labas bago ipinagpatuloy ang pagsunod sa kanya. Tumigil siya sa isang kuwarto at pumasok doon. Room 105, iyon ang nakasulat sa kuwartong pinasukan niya. Sinilip ko ang loob niyon ngunit katulad sa 2nd floor ay hindi rin kita ang loob.

Napailing ako at akmang babalik na nang mapansin ko ang isa pang kuwarto sa dulo ng pasilyo. Kapansin-pansin ang kuwartong iyon sapagkat iyon lamang ang bukod-tanging gawa sa kahoy. Marahan akong naglakad palapit doon ngunit bago ko pa man iyon marating ay nakasalubong ko ang isa sa mga nurse.

"Excuse me!" Nagtama ang aming mga mata. "Bakit nandito ka sa 1st floor?"

Pilit akong ngumiti at mabilis na iniiwas ang aking tingin. "Ano, n-naligaw kasi ako."

Saglit siyang tumitig sa akin bago tumango. "Samahan na kita sa room mo."

Mabilis na nagbalik sa kanya ang aking paningin. "Ano... pwede ba akong lumabas saglit?" Muli niya akong tinitigan. Lumunod ako bago nagpatuloy. "Gusto ko lang magpa-araw."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bihag (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon