Alaala.
Tinanong mo ako noon kung sino nga ba ang laman ng bawat buod ng estoryang aking nililikha. Kung sino nga ba pinagpupuyatan ng aking mga mata..
Sumagot ako..
"Bakit hindi ako? "
At doon, nakita ko kung pano ka bumitaw sakin mga bisig.
Kasabay ng mga salitang huli kong binitawan ay ang pakiramdam na gusto mong kumawala't tumalikod sakin papalayo..
At sa puntong iyon, Ang mga ngiti ay napalitan ng pait, ang kaninang kislap ng iyong mga mata'y unti unting nawawala.
Ang mga maiinit na usapa'y ako na lamang ang gumagatong at may gana,
Ang ngayon na minsan kong tinakbuhan kasi hindi pa handa: hanggang sa tuluyan kong napagtanto na masakit pala ang magpalaya at mas sasakit pa na hanggang ngayon, ako ay di pa rin makalaya..
Pinilit kitang habulin,
Huminto ka't tumigil.
Niyakap kita pero di mo ako pinansin..
At sa harapan mo ay mga kamay na hindi mo kayang bitawan para sakin.
Hindi na ako ang iyong pahinga..