UNANG KABANATA

122 6 0
                                    


July 1, 2005

"NANDYAN NA SILA!!" Isang matinis na tili ang humalahaw sa buong classroom at kandauga uga ang mga kababaihan estudyante sa pagpwesto sa tabi ng Bintana para masulyapan ang paparating na grupo ng mga kalalakihan.

"Si Pete na ba ang napili sa Commander Post ng Alpha Tropes?" Tanong ng isa sa kaklase ni Daibby. Pati siya ay natuon ang mga mata sa pamilyar na mukha ng mga kalalakihan. Pare pareho ito ng gupit ng buhok. Lahat sila ay nagpagupit ng semi - Kalbo para sa kanilang CAT.

"Ang balita ko ay si Jerome." Singit naman ng isa pa niyang kaklase at nagpangalumbaba habang ang mga mata'y nagniningning na pinagmamasdan ang mga lalaking pinag-uusapan.

"Kahit sino naman sa kanilang dalawa ang mapili,pareho naman nilang deserve ang Commander Post." Napabuntong hininga si Daibby at nagkunwaring nagbabasa ng Notebook.

Alas tres ng hapon, kasalukuyan break time ng mga estudyante sa Allen National High School. Kasalukuyan kinakain ng kulay kahel ang kalangitan. Sa gitna nang malaking Oval ay nagtipon tipon ang bagong officer ng CAT. Pamilyar ang ilang mukha sa kanila, ang iba'y kanyang mga kaklase at kaibigan.

"PAPUNTA NA SILA DITO!!!" Tili muli ng kanyang kaklase at mas lalong nag-ingay ang kababaihan sa Classroom. Last Subject nila ang Home Economics at Garments o Pananahi ang napili niyang Kurso sa Quarters na yun.

"Nandyan ba si Daibby?" Umikot ang kanyang mga mata ng mapamilyaran ang lalaking nasa bukana ng Classroom. Pansin niyang natuon ang mga mata sa kanya ng mga kaklase at walang pangundangan pumasok sa Classroom si Jerome at Pete.

"Bantayan mo yung gamit namin." Hindi ito pakiusap kundi utos ng mahal na haring si Jerome Vacunawa.

Huminga ng malalim si Daibby ng pahagis na nilagay nito ang bag sa kanyang Desk.

"Kay Aloy niyo yan ipabantay." Angal niys rito pero natutop ang kanyang bibig ng tumambad sa kanyang harapan ang malapad na ngiti ni Bimboy.

"Sumali na rin si Aloy sa CAT. Hayun siya." Tinuro nito sa malayo ang isa pa nilang kaibigan na nagpupush up.

Kinuyom ni Daibby ang sariling kamao sa sinabi nito. Aba't nag-usap palang sila kahapon na hindi sila sasali sa CAT. Kaya pala't hindi ito sumabay papasok ang Baklang yun.

"Hanggang anong oras ba kayo?" Malumanay niyang tanong kay Bimboy. Busy na si Jerome sa pakikipag-usap sa kanyang mga kaklase na babae.

Haliparot talaga ang isang ito.

"Baka mga alas singko ay e-dissmiss na kami. Kelangan lang namin na malaman kung sino ang mag training samin." Sinusundan ni Daibby ang bawat bigkas ng bibig ni Bimboy. Hindi niya alam kung possible nga ba talagang madala siya sa mga simpleng ngiti na unti unting nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.

"Oh sige, hintayin ko nalang kayo sa Gym mamaya." Wala sa wisyo niyang sagot rito. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Bimboy at nawala ang mga mata nito bahagya.

"Sige, alis na kami." Ginulo pa nito ang kanyang buhok. Hindi man lang siya nakapagprotesta sa ginawa nito kahit na kakasuklay niya pa lang.

"Yung bag ko ha." May pagbabanta sa boses ni Jerome nang tumalikod ito sa kanya. Biglang tumulis ang kanyang mga labi at sa di malamang dahilan, gusto niyang balibagin ang Bag ni Jerome.

Naagaw ang pansin niya ng bahagyang pumalakpak ang kanyang mga kaibigan at kaklase na si Irish at Evangeline.

"Kay Jerome ako."

"Kay Pete naman ako." Nag-abutang ng bente pesos ang dalawa. Napailing na lamang si Daibby dahil alam niyang pinagpupustahan na naman siya ng mga ito.

PARA SA TAONG NAGMAHAL, PERO PINILING ISANTABITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon