July 23, 2005
"Samahan niyo na ako sa Peryahan." Halos maglupasay na si Daibby sa sahig sa pamimilit kala Bimboy papunta ng Peryahan. Malapit na ang Fiesta sa kanilang bayan at tuwing Kapistahan ay maraming ganap sa kanilang lugar.
"Kailangan naming gumising ng umaga bukas. Hindi ba may parade tayo." Inalis ni Bimboy ang paglingkis ng kamay ni Daibby sa braso niya habang mahaba ang ngusong nagmamaktol sa tatlo.
Wala si Niko.
Kasalukuyan itong nasa Davao dahil may shooting daw ito doon. Bago ito umalis ay pinangako ng tatlo na pupunta sila ng Peryahan subalit matatapos nalang ang Fiesta sa Bayan ay di pa rin natutuloy ang kanilang mga balak.
"Bukas nang gabi nalang tayo pumunta." Si Aloy
"Hanggang Alas Nuwebe lang naman tayo ah." Mangiyak ngiyak na ang dalaga dahil di siya pagbigyan ng tatlo.
"Hoy huwag kang isip bata, meron pa tayong parade Bukas. Buti ikaw at di ka kasali sa Rank." Namamaos na pagsaway ni Jerome. Papauwi palang sila galing School mula sa maghapon Practice para sa Formation nila sa CAT.
Sandaling natahimik si Daibby para pigilan ang pag-iyak. Alam naman niya na may Parade sila bukas at kelangan nila gumising ng maaga para hindi mahuli. Isa pa, pagod na rin naman silang lahat pero pinangako kasi nilang tatlo na pupunta sila ng Peryahan bago ang Fiesta.
Hindi na natigilan ni Daibby ang pag-iyak at para itong batang inagawan ng laruan sa lakas ng pagluha.
"Naku naman.." Naasar na sabi ni Jerome at ito ang unang lumapit sa dalaga.
Napailing din sila Aloy at Bimboy dahil alam nilang kapag ganito na ang pag-iinarte ni Daibby ay wala na silang Choice kundi ang pagbigyan ang gusto nito.
"Hindi niyo na ako kaibigan..." Saad ni Daibby sa kabila ng paghikbi.
Nakapamulsang natigil sa harap nito si Jerome at kinuha ang Bag ng Dalaga na siyang inabot naman nito.
"Tingnan mo pagod na pagod kana nga eh." Pangngangaral niya pa rito.
Mas lalong lumakas ang hikbi ni Daibby at hindi na gumalaw sa paglalakad. Nasa gilid sila ng malawak na boulevard pauwi ng kani kanilang mga bahay. Mula sa kanilang kinaroroonan ay rinig nila ang malakas na paghampas ng alon mula sa dagat. Kulay kahel na rin ang kalangitan at kasalukuyan nilalabanan ang paparating na gabi.
"Hindi niyo na ako kaibigan..."
"Daibby bukas nalang tayo pumunta. Hindi naman aalis ang Peryahan eh. Tsaka pagod na rin kami." Kalmadong pagpapaliwanag ni Bimboy.
Tumalikod siya sa mga ito at hinarap ang daan pabalik ng eskwelahan.
"Daibby.."Sabay sabay na pagtawag ng pangalan ng tatlo.
Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa..
"Hanggang Alas nuweba lang tayo mamaya ha." Parang gantilyong umikot ang tumbok ng kanyang pwet pabalik sa mga ito. Dali dali niyang pinunasan ang mukha at hinablot ang bag kay Jerome.
"Maldita ka talaga." Bulong ni Aloy nang mapansin ang lihim na ngiti ni Daibby sa kanilang tatlo.
"Aalis ka na naman?" Si Roma. Nakakatandang kapatid ni Daibby.
Pinagmasdan nito ang kapatid na hinahablot ang Jacket sa Cabinet at nanlaki ang mga mata ng marinig ang lutong na pagputol ng hanger.
"MAMA!!" Sigaw ni Roma pero nagmamadali na sa paglabas si Daibby at hinayaan ito sa pagsisigaw sa loob ng kwarto.