Chapter 1

22 3 13
                                    

"At last Mira, isang taon na kayo ni Gin!" My friend Liz, who is with me tonight, sinabay ko na s'ya kasi galing s'ya sa bahay namin at madadaanan naman ang bahay nito when going to the restaurant.

I am on my way to the restaurant that Gin reserved for our 1st anniversary.

"Whatever! Syempre ganyan ang pagmamahal." Natawa ako ng konti.

"Kuya, dito na lang ako. Enjoy your night date and your anniversary Mira!" Liz waved her hand before he jumped out of the car.

Sa buong byahe, wala akong ginawa kundi ang butingtingin at ayusin nang ayusin ang regalo ko para kay Gargin. Gargin but I called him Gin, is my first ever boyfriend that I got to celebrate one year with, since hindi pa naman ako nagkaroon ng boyfriend, simula no'n sabi ni Mama.

I'm 21, and I always wanted to have a man that will look at me as a wife, and I think si Gargin na talaga.

"Kuya dito na lang." Sabi ko sa kuya ko, he then stopped the car sa gilid ng park.

"S'ya na ba maghahatid sa'yo mamaya?" He asked me and then I nodded.

"Okay, take care Mira, mga bilin ko ha!" He said and he waved his hand as he drove away.

Tiningnan ko ang relo ko, past 8 na, siguro ay hinihintay na ako ni Gin sa loob ng restaurant, ang nakalagay pa namang usapan namin sa notes ng cellphone ko ay 8 sharp. Nagmadali akong binitbit ang dala kong gift bag, at tumawid.

Napakaganda talaga rito sa paborito naming kainan ni Gin, napakaromantic ng mga fairy lights na nakapalibot sa lugar, ganoon din ang mga bulaklak, laging bago at buhay na buhay.

Binuksan ko ang pintuan ng restaurant at talagang pinaghandaan ang set up, may mga rosas na pula na nakapalibot sa nagiisang lamesa at upuan sa gitna.

"Ma'am Mira, nandyan na po pala kayo, maupo na po kayo Ma'am!" Pagsalubong ng isang crew sa'kin at nginitian ko naman.

"Wala pa ba si Gin?" Nagtatakang tanong ko dahil wala akong makita ni anino n'ya.

"Wala pa po si sir Gargin, hintayin n'yo na lang Ma'am, maya maya po ay darating na iyon." Tumango ako at kinuhanan naman n'ya ako ng maiinom.

Nagpatugtog s'ya ng mga lumang musikang pag ibig, atsaka lumabas ng restaurant.

Tiningnan ko ang cellphone ko at may message si Gin.

***
Gin 💞
I'm sorry, I'm on my way. Sorry I'm late.

It's okay babe, drive safely, i love you.

Thank you.

***

Hindi ko na nireplayan ang text n'yang iyon. I smell something wrong. He did not even mention that he loves me huh? What kind of surprise are you with Gargin...

After a couple of minute he arrived. I observe him physically. He's wearing a tshirt and a jogging pants...

Srsly? I'm not picky at di rin naman ako maarte sa kung ano ang suot n'ya pero, i'm wearing a very formal dress and heels, even fixed my hair with a barrette and make up, and here's my boyfriend, parang kagigising lang.

"Happy anniversary, babe!" Bati ko sakanya, hahalikan ko sana s'ya sa pisngi pero iniwas nya, kaya cheek to cheek na lang ang nangyari.

"Yes, thank you. Happy anniv." Simpleng sagot n'ya at umupo na, tsk! 'Di man lang n'ya hinila ang upuan para sa akin gaya ng dati n'yang ginagawa.

SightedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon