Nangako ako kay Nanay at Tatay na uunahin ko ang pag-aaral kaysa sa pagbo-boyfriend. Sa loob ng isang buwan ko rito sa LSPU ay marami na ang sumubok manligaw at magtapat ng damdamin para sa akin. Karamihan ay nagmumula pa sa iba't ibang departamento.
To be honest, it makes me uncomfortable. Being in a relationship is the least thing I would do.
Hindi naman ako iyong tipo ng babae na atat magkaroon ng love life. Ang salitang "pakikipagrelasyon" sa akin ay napakahalaga at hindi lamang biro. Kung papasok man ako sa isang relasyon ay gusto ko ay iyong pangmatagalan. Ayaw ko sa mga taong ginagawang laro at pampalipas oras ang pakikipagrelasyon. Kapag mahal ko, mahal ko talaga.
Kaya nga nang malaman kong babaero iyong gwapong Criminology student ay agad akong na-turn off. Oo, given na iyong gwapo siya pero hindi iyon sapat na basehan para magustuhan siya.
Iyon kasi ang mahirap sa ilang mga kababaihan, eh. Basta gwapo kahit malandi at siraulo ay ayos lang. Kapag pangit, kahit seryoso, may pangarap sa buhay at may magandang pag-uugali ay ayaw. Ganoon din naman sa ibang lalaki na basta maganda, kahit masama ang ugali ay ayos lang din sa kanila. Kapag pangit na mabait, dedma lang sila. Ewan ko ba sa mga tao ngayon dito sa mundo, masiyadong komplikado at ang hirap basahin.
Mabuti na lamang ay hindi na ako inasar pa ni Rose roon sa kaibigan niyang Criminology student na si Miguel. Naiirita lang ako kapag naririnig ko ang pangalan niya...hindi ko alam kung bakit pero basta, naiirita ako! Sayang, eh! Kung matino lang sana siya at hindi babaero, baka magustuhan ko siya.
Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang makita ko siya at iyon na ang una't huli. Hindi naman kasi ako 'yong tipo ng estudyante na pagala-gala sa campus.
Palagi akong nasa loob ng classroom, pupunta lamang sa comfort room at cafeteria kung kinakailangan lang. Pagkatapos ng klase ay diretso uwi na kaagad ako sa dorm. Maglalaba, magbabasa ng libro o di kaya'y magce-cellphone. Ganiyan ang araw-araw kong routine. Ganiyan ako ka-boring.
It's just that...hindi ako komportableng makipag-socialize sa mga tao. Natatakot akong makihalubilo. Hindi ko alam kung bakit. Maraming nagsasabi sa akin na napaka-introvert ko raw. Palaging may sariling mundo, na masiyado raw na mataas ang bakod na itinayo ko para laban sa ibang tao.
What can I do? I only find peace within myself. Being with myself comforts me. It's my safe place. Isn't it bad to take care of your own peace?
"Oo nga pala, hindi ako sasabay sa 'yo mamaya pag uwi ha? May pupuntahan ako," Rose informed while we are walking. Abala na naman ito sa pagtitipa sa cellphone.
Maaga kaming pumasok ngayon dahil tinatamad kaming magluto kaya napagdesisyunan naming sa Cafeteria na lamang ng campus kumain. Marami namang stalls ng pagkain doon eh. Budget-friendly pa.
Awtomatikong tumaas ang aking kilay sa sinabi ni Rose. Nilingon ko siya. "At saan ka naman pupunta? Lagot ka na naman kay Tita Paula niyan." Pagtukoy ko roon sa landlady namin.
Madalas kasi siyang pagalitan ni Tita Paula. Palagi na lang kasi itong wala sa dorm at kung minsan ay lampas na sa curfew kung umuwi.
She rolled her eyes at me. "Birthday ni Joana. May inuman sa kanila. Doon na lang ako matutulog kaysa uuwi pa ako nag dorm mamayang gabi. Ikaw na bahala magsabi kay Tita, huh?"
"Ilang beses bang mag birthday si Joana sa isang taon? Hindi ba't pumunta ka rin sa kanila noong nakaraang linggo dahil may birthday-an din?" I scoffed.
Binatukan niya ako at binigyan ng tingin na para bang ako na ang pinaka-shungang tao sa mundo. "Gaga! Birthday no'ng tatay ni Joana 'yon! Ngayon naman ay si Joana ang may birthday. Epal ka talagang bubita ka!" naiinis na singhal niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Not Your Asset (To Be Published)
RomanceWith his notorious playboy reputation, Bluie knew Miguel Chavez was made to break hearts. She just didn't know hers would be one of them. *** Bluie Hidalgo's plan to go to college away from her family did not include Miguel Chavez. When she met him...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte