Wala namang nagbago sa samahan namin ni Markcus matapos niyang umamin ng nararamdaman sa akin. Kinabukasan ay nagpumilit pa siyang ihatid ako sa terminal ng jeep kahit sinabi kong kaya ko naman ang sarili ko. Hindi na rin naman ako tumanggi dahil baka abutin pa ako ng gabi kung makikipagtalo pa ako sa lalaking 'to—at saka malaking tipid din sa pamasahe.
"Marami ka kasing dala, Bluie. Ayaw ko lang mahirapan ka," nakangising aniya at sinamahan pa ng pagpapa-cute sa akin. Tanging pag-irap lamang ang isinagot ko sa kaniya. Akala niya siguro ay madadaan niya 'ko sa mga pa-cute niyang ganiyan. Nah, mas guwapo pa rin si—nevermind.
Sumakay kami sa kaniyang kotse at tumungo na sa terminal. Ilang minuto lamang ang inilaan ng biyahe at pagkarating namin sa terminal ay nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rose na nakaupo sa isang mahabang bangko na gawa sa kahoy. Ang mukha nito ay para bang inip na inip na at tila ba mayroong hinihintay.
"Anong ginagawa niyan dito?" takang tanong ni Markcus at nagkibit balikat lamang ako.
Rose was from Paete Laguna kaya bakit nandito siya sa terminal ng papuntang Quezon? Hindi ko naman siya nagawang tanungin kanina sa dorm dahil tulog pa ako noong umalis siya. Ni hindi na nga siya nakapag-paalam sa amin.
Tinulungan ako ni Markcus na ibaba ang mga gamit mula sa compartment bago lumakad papalapit kay Rose. Nang makita niya ako ay nakahinga siya nang maluwag at nakasimangot akong sinalubong. Ngayong nagkalapit na kami sa isa't isa ay saka ko lamang napansin ang pamamaga ng kaniyang mga mata.
"Ang tagal mo kanina pa naghihintay," maktol n'ya bago lingunin si Markcus at tanguan. I can sense the awkwardness to the both of them. Siguro ay dahil sa pinsan ni Markcus ang ex-boyfriend ni Rose? I don't know.
I arched my brow. "Huh? Bakit mo naman ako hinihintay? At saka hindi naman dito ang sakayan papunta sa inyo."
Hinampas niya ako sa braso. "Gaga ka! Tinext kita kanina na sasama ako sa 'yo! Hindi ko na tinuloy ang pag-uwi—" I saw pain crossed her eyes pero agad din iyong nawala at napalitan ng tipid na ngiti. "Wala, gusto ko lang sumama sa 'yo. Bawal ba?"
Saglit ko siyang pinagmasdan. Pinipilit na basahin ang eskpresyon sa kaniyang mukha ngunit magaling talaga siyang magtago ng nararamdaman. Malalim akong bumuntonghininga at wala nang nagawa kung 'di ang tumango. Sa ilang buwan naming pagkakakilala ni Rosemarie ay alam ko na kung kailan siya may problema o wala at maiintindihan ko naman siya kung hindi pa siya handang magsabi sa akin. Nirerespeto ko iyon.
Nagpaalam na kami ni Rose kay Markcus nang sabihin sa amin ng kundoktor na aalis na ang jeep. Napuno ng samu't sariling kwentuhan ang isa't kalahating oras na byahe pero ni isang beses ay wala siyang nabanggit tungkol sa kaniyang problema.
Nang makababa sa jeep ay sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. I missed this! I missed my hometown! I considered Lucban as my home. Kahit saan ako magpunta, palagi ko pa ring hinahanap-hanap ang bayan namin. Sa tuwing nalalanghap ko ang malamig na simoy ng hangin ay tila nawawala ang lahat ng mga negatibong nararamdaman ko.
Natawa ako nang yakapin ni Rose ang kaniyang sarili dahil sa ginaw.
"Grabe! Ang lamig naman pala dito 'teh! Hindi ako nainform!"
I roared with laughter. "Siya nga nanlamig sa 'yo, ininform ka ba?" pang-aasar ko kaya naman sinamaan n'ya 'ko ng tingin at hinampas na naman sa braso. Napaka-brutal talaga ng babaeng 'to! "Kanina ka pa, ah! Bakit ka ba nananakit? Nagsasabi lang ako ng totoo!"
She made a face and stuck her tongue out.
Masayang pagsalubong ang ginawa ni nanay pagkarating namin sa bahay. Pinakilala ko si Rose sa magulang ko na buong puso naman siyang tinanggap. Saglit pa kaming nagkuwentuhan nina Nanay at Tatay bago mapagpasyahan na magpahinga.
BINABASA MO ANG
Not Your Asset (To Be Published)
RomansaWith his notorious playboy reputation, Bluie knew Miguel Chavez was made to break hearts. She just didn't know hers would be one of them. *** Bluie Hidalgo's plan to go to college away from her family did not include Miguel Chavez. When she met him...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte