Prologue

9 0 0
                                    

Iris's POV:

"Iris halika na, bakit ba nakabusangot mukha mo? Panget ka na nga mas pumanget ka pa." Napabuntong hininga na lang ako nang lapitan ako nila Kayden na may pagtataka sa mga mukha nila nang makita nila na wala akong sa mood, kahit menjo nainis ako sa pang-aasar ni Kayden di ko na lang pinansin at nanatiling naka-upo sa upuan ko. Wala akong gana makipag-asaran sa mga ugok na 'to. Baka masapak ko pa sila ng walang sa oras.

"Iwanan niyo na lang ako. Wala akong gana," sabi ko sa kanila ng walang kabuhay buhay at saka tinuon na lang ulit ang atensyon ko sa bintana. Ako lang ba o nakikisabay rin ata sa akin ang panahon ngayon? Porket malungkot ako makiki-lungkot na rin 'tong si ulan?

"Sure ka?" Binalik ko ulit ang tingin sa kanila at tumango na lang at pinilit ang sariling ngumiti para sa kanila. Nang makalabas na ang mga ugok at ako na lang ang natira sa loob ng classroom dahil lunch na. Hindi ko maiwasan na hindi tumindi ang sama ng loob ko nang tignan yun bakanteng upuan sa tabi ko.

Di na talaga pumasok si Archer. Paano na lang yun plano ko?

Tinignan ko ang selpon ko para i-check ang text ko kay Archer, kanina ko pa siya tinetext at saka tinatanong kung bakit hindi siya pumasok pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nag-rereply. Nag-aalala na kasi ako hindi naman kasi usual para sa kanya na bigla bigla na lang siyang mag-aabsent lalo na at may quiz pa naman kami ngayon.

—————

Uwian na pero wala pa rin akong natatanggap na text galing sa kanya maski-isang text man lang wala talaga. Ano na 'bang nangyari sa babaeng yun? Hay nako, wala na talagang ibang ginawa yun babaeng yun kung hindi ipag-alala ako lagi.

At kahit wala siya at hindi pumasok pumunta pa rin ako ng rooftop kung saan kami lagi naka-tambay at nag-lolokohan. Buti na lang talaga tumigil na ang ulan. Gustong-gusto ko talaga yun simoy ng hangin kapag natatapos ang ulan. Alam kong weird pero ang bango kaya!

Nilabas ko na lang yun selpon ko at tinext ulit siya.

To: Sungit 🖤

Sungit, andito ako ngayon sa rooftop! Sayang may importante pa naman akong sasabihin sa'yo. Pwede bang pag-bigyan mo man lang ako at pumunta dito kahit sandali lang? Pero kung hindi mo kaya at tama ang hula ko na baka nga nagka-sakit ka ako na lang pupunta dyan sa bahay niyo. Importante kasi talaga sasabihin ko sa'yo. Labyu! 🖤

Message sent!

Tinago ko na lang ulit yun selpon ko at saka pinagmasdan na lang ulit ang bulaklak at guitara na dala ko. Oo, tama yun iniisip niyo balak ko nang umamin kay Archer, kakanta pa nga sana ako. Sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko para sa kanya. May tyansa man na masaktan ako sa pag-amin ko sa kanya at mawala sa akin at least may ginawa ako at hindi naging duwag— di naging torpe, hehe.

Isang oras na ang lumipas pero wala pa rin siyang text di man lang akong tinawagan ng bestfriend ko, kaya napag-desisyunan ko na lang na pumunta sa bahay nila Archer.

Nasa labas na ako ng school nang mapansin ko na andun pa rin si Kayden na naghihintay sa may gate. Anong ginagawa ng lalaking 'to at andito pa rin? Lumapit naman ako sa kanya.

"Kayden, ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Bahagya pang nang-laki ang mga mata niya ng makita ako.

"W-Wala," uutal utal na sabi niya natawa naman ako sa kanya. Hindi ko na lang siya kinulit.

"Likha na, hatid na lang kita sa inyo," Tumango na lang ako sa offer ni Kayden.

Habang nag-lalakad sa ilalim ng dilim hindi naka-iwas sa pansin ko na kanina pa sinusulyapan ni Kayden yun bulaklak at gitara na hawak ko.

"It's for her," Nag-taka naman ako nang makita ko na mukha naman kalmado si Kayden at hindi nagulat sa sinabi ko. Ay, ang tanga mo talaga Iris syempre di niya gets yun sinabi mo 'no! Linawin mo!

"P-Para kay A-Archer," Naiilang na sagot ko. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon ni Kayden kaya humarap na lang ako sa ibang direksyon. Baka ngayon pa lang kung ano-ano nang iniisip ni Kayden. Baka hinuhusgahan na niya—

"Stop overthinking, I'm not judging you." Napalingon ako kay Kayden na diretsyo ang tingin sa daan. Di ko maiwasan na ngitian siya nang sabihin niya yun sa akin. Ang swerte ko pala kay Kayden eh 'no? Bakit kaya wala pa 'tong jowa eh ang gwapo gwapo naman niya?

Maya-maya din naka-punta na kami sa tapat ng bahay ni Archer malapit lang naman 'to sa bahay namin kaya doon na lang din ako dumiretsyo nag-pasalamat na rin ako kay Kayden sa pag-hatid at saka nag-paalam.

Nasa tapat na ako ng pintuan nila at kakatok na sana nang may marinig akong kotse na papaandar. Napa-tingin ako sa driveway nila Archer at nakita ang kotse nila na papaalis na may mga bagahe na nakatali sa taas nito. Teka, bat saan sila pupunta gabi na 'ah?

Hindi ko na sana papansinin ang pag-alis nila nang mapansin ko na parang umiiyak si Archer sa loob ng kotse. Napa-kunot ang noo ko nang ma-confirm ko na umiiyak nga siya. Bakit umiiyak si Archer?

Di ko alam kung bakit pero bigla na lang ako nakaramdam ng kaba. Hindi Iris baka may pupuntahan lang— "ARCHER!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at Ibinagsak ko na agad ang mga dala dala ko at saka hinabol ang sasakyan nilang menjo naka-layo na kaya mas binilisan ko ang pag-takbo ko para maabutan sila. Hindi pwede 'to.

"ARCHER!" Sa hindi malaman na dahilan bigla na lang tumulo ang mga luha ko galing sa mga mata ko. Kahit nahihirapan sa pag-takbo, tumakbo pa rin ako ng tumakbo kahit nanginginig na ang buong katawan ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko iniiwan na niya ako?

"ARCHER! ANO BA!" At sa huling pagkakataon nakita kong lumingon sa akin si Archer na may mga luha sa kanyang mga mata bago nawala sa paningin ko ang kotse na sinasakyan niya. Napaluhod na lang ako sa daan habang patuloy pa rin sa pag-tulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko hihikain na ako, di na ako makahinga.

Nang-maramdaman ko ang pag-vibrate ng selpon ko kinuha ko yun agad umaasa na si Archer yun na nag-sasabi na mag-babakasyon lang naman sila sa kung saan. Oo, tama Iris baka nga—

Sorry, Iris, sorry.

Sorry? Baket sorry? Diba sinasabi lang naman ang salitang yun kapag may ginawa kang hindi mo dapat ginawa?

Tumingin ulit ako sa daan na tinahak ng kotse nila Archer. Wala nang kotse. Pakiramdam ko nagkaroon ng butas ang puso ko, pakiramdam ko may kulang na at siya yun.

In my eyes (GxG)Where stories live. Discover now