Chapter 4: Galit

6 0 0
                                        

Archer's POV:

"Uh, I'ma fall in love baby
You gon' finna catch me
Uh, give you all of this baby
Call me pretty and nasty
'Cause we gonna get it
My love you can bet it on
Black we gon' double, the stack on them whoa!
I be the Bonnie and you be my Clyde
We ride or die
Xs and Os."

"Ate! Kaka-concert mo dyan sa banyo malalate ka na!" Panira talaga ng moment yun kapatid kong si Luiz. - _ -

Nang makatapos na ako sa pag-ligo at sa pag-"concert" ko daw sa banyo according to my very annoying brother. Binuksan ko na agad ang pinto ng banyo, bumungad naman agad sa akin ang kapatid kong si Luiz na nakahilata sa kama ko at naglalaro ng psp. Mukhang di niya ata napansin na tapos na ako ah? Hehe. A very bright idea suddenly pop into my head.

Habang busy siya sa pag-lalaro niya ng video games dahan-dahan kong kinuha ang tsinelas ko na naka-suot sa paa ko saka binato sa kanya. Ayun! Headshot! WAHAHAHAHAHA!

"ARAY! ATE NAMAN!"

"WAHAHAHAHAHA!" Halos mapaluhod na ako sa kakatawa. Nakakamiss rin palang pag-tripan 'tong kapatid ko? Dapat pala nag-isip muna ako ng mga pang-asar sa kanya o ng mga evil plans bago ako naka-uwi ng pilipinas 'eh.

Nang matapos ako sa never-ending kong tawa pumunta na lang ako sa cabinet ko at hinanap ang uniform ko, baka mag-ka totoo pa yun sinasabi ni Luiz na malalate talaga ako.

Sa totoo lang medjo kinakabahan talaga ako pumasok. Ang tagal ko na rin kasing hindi naki-salimuha sa ibang tao. Dun pa rin naman ako sa dati kong school naka-enroll pero hindi ko kasi talaga maiwasan na hindi kabahan. Ang tagal tagal 'kong naka-kulong sa ospital at sa ibang bansa pa, tanging sila mama at papa lang ang nakaka-usap ko noon pero madalang lang rin naman sila kung maka-dalaw, kung tutuusin nga ngayon ko na lang din ata nakausap ng harapan si Luiz.

"Ate?" Tawag sa akin ni Luiz, habang ako ito pa rin hinahanap ang uniform ko. Putek, saan na napunta yun?

"Hmmm?"

"Sorry ah." Napalingon ako kay Luiz na naka-kunot ang noo nang sabihin niya yun. Oh? Anong nangyare dito? Kanina lang inaasar niya ako tapos ngayon ang lungkot na niyang tignan? Nawala lang ako dito sa bahay tuluyan nang nabaliw yun kapatid ko.

Nang hindi siya nag-salita at nanatiling tahimik lumapit na ako sa kanya at tinabihan siya sa dulo ng kama. Pinagmasdan ko siya naka-yuko lang siya at mukhang tindera na nalugi sa paninda niya.

"Anong trip mo at nag-sosorry ang bunsong kapatid ko sa akin?" Sinubukan ko siyang lambingin, gumana naman ng tignan na niya ako at nginitian ng maliit. Malalate na ako sa ginagawa namin pero bahala na.

"Ate, kung di dahil sa akin ede sana hindi mo kinailangan lumaban mag-isa dun sa canada." Aaminin ko ang hirap lumaban, lalo na at mag-isa ka lang. Ang hirap labanan ang isang malubhang sakit kung wala naman nagpaparamdam sayo na gusto ka pa nila mabuhay. Minsanan lang kasi ako halos dalawin nila papa at mama dun sa canada, masyado kasi nilang tinuon yun atensyon nila kay Luiz kaya ayun naiiwan ako lagi doon na mag-isa. Pero kahit ni-isang beses hindi ko naisipan mag-tanim ng galit kay Luiz, kapatid ko yan 'eh.

Binatukan ko siya ng malakas sa ulo. "Ate! Nakakadalawa ka na!" Natawa na lang ako sa inasta niya.

"Di mo kailangan mag-sorry kay ate. Di mo naman kasalanan yun, sadyang mas tinutukan ka lang talaga ng atensyon nila mama at papa." Nginitian ko siya, pilit na ngiti baka kasi mamaya maiyak pa ako. Hindi masama ang loob ko kay Luiz. Ang ipinagtataka ko lang naman kung ano bang pinag-kaiba ko sa kanya. Ang alam ko kasi anak rin naman ako nila mama at papa.

In my eyes (GxG)Where stories live. Discover now