Chapter 1: Archer

7 0 0
                                    

Iris's POV:

"Oo, bobbie! Ikaw! Ikaw yung kahit anong gawin mo ang galing galing mo! ako, kahit anong kayod ko, kahit anong pagod ko, kahit kailan hindi ako lumapit sa galing mo! Kasi ikaw naman talaga yung magaling diba?! Ikaw yung matalino, ikaw yung maganda, lahat ikaw na!"

Tutulo na sana ang mga luha ko nang biglang—

*Kringggg kringggg kringggg*

Sipon calling...

"Oh? Ano na naman? Nanonood ako dito eh," bungad ko sa magaling kong kaibigan na wala ng ibang ginawa kung hindi istorbohin ang tahimik kong buhay.

"Gala tayo," sagot ni Rea sa kabilang linya. Oh diba? Ako na naman ginugulo nito. Kasi naman bat di na lang kaya niya gayahin si Ash na may boyfie na para di na rin ako kinukulit nitong haliprot na 'to.

"Tsk, oo na sige na sige na. May magagawa pa ba ako? Alam ko namang di mo ko titigilan eh." Tumayo na lang ako sa pagkakahiga sa kama at naghanap hanap na ng damit na susuotin para sa gala namin.

"Kain na lang tayo sa buchian! Tawagan mo na lang din sila Ash para makasama sa atin," giit niya at saka binabaan na ako ng tawag. Aba'y loko tong bata 'to ah? Ako pa talaga inutusan para tawagan sila Ash.

Napakamot na lang ako sa ulo at tinuloy na lang ang panghuhunting sa mga damit ko. Pagkatapos kong maka-hanap tinawagan ko na agad yun iba para maitanong ko kung makakasama ba sila, ayun sakto naman sasama silang lahat kaya completo kami niyan ngayon.

Pagkatapos kong mag-ayos lalabas na sana ako ng kwarto nang may mahagilap ang mga mata ko. Asa pintuan na ako, nakahawak na nga ako sa doorknob 'eh kaso nga lang nakita ko na naman yun litrato naming dalawa na nakapatong sa may gilid ng table.

Kinuha ko naman yun picture frame na naglalaman ng litrato naming dalawa. Napangiti na lang ako ng mapait nang maalala ko na ito yun pinaka huling litrato namin dalawa bago niya ako iwan ng walang paalam.

Huminga na lang ako ng malalim para pigilan yun mga luhang nagbabadyang tumulo, ayun successful naman hindi siya tumulo. Ibinalik ko na lang ulit yun picture frame sa may table at saka dali daling umalis. Tsk, baka mamaya sermonan na naman ako ni sipon (rea).

Di pa ako nakakapasok ng buchian ng narinig ko na ang malalagim na pag-singa ni Rea. So, kung nagtataka kayo kung bakit sipon ang tawag ko sa matalik kong kaibigan/panget ay dahil unang una wala na atang araw ang lumipas na wala siyang sipon na pinapakawalan sa mahiwaga niyang ilong at pangalawa kung alam niyo lang kung gaano siya kalakas suminga na minsan umaabot na kabilang kanto sa sobrang lakas baka mas katakutan niyo pa 'to kyasa kay the grudge.

And syempre last but not the least lagi siyang may dalang tissue, well, may perks naman ang pagkakaroon ni Rea na may mga dalang tissue lagi kase paano kung meron na lang biglang napatae sa amin? Ede at least andyan si Ms. Sipon para bigyan kami ng tissue.

"Oy, sipon huminahon ka nga sa pag-singa mo pag ikaw na bingi hahampasin kita ng tubo," bungad ko kay Rea na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-singa. Umupo na lang ako sa tapat niya at di na lang siya pinansin. Kung akala niyo hindi nag-eexist ang forever pwes mali kayo, kasi pag dating kay Rea at sa sipon niya may forever yieeesbsshsh. Grabe nakakakilig talaga ang tandem nila talbog na talbog ang Kathniel, Lizquen at Jadine 'ah.

"Tagal naman nila," reklamo ni sipon sa harap ko, habang pinupunasan yun sipon niya sa ilong at saka sinusuksok sa gitna ng tissue tamad talaga nito mag-tapon.

"Baka natakot sa sipon mo lakas mo kase suminga eh ayan tuloy hanggang kila Ash rinig na rinig AHAHAHAHA," pang-aasar ko pa sa kanya habang tumatawa.

In my eyes (GxG)Where stories live. Discover now