Nami's POV
Argh! Sino ba tong mokong na to?! Ako nauna e. Bibilhin ko to!!
Nakatingin parin ako sa singsing habang nagsasalita " Ah, excuse me? Ako ang nauna. Paki-lang. Akin na'to."
Pero hindi parin niya binibitawan.
Nang magsalita siya."Miss? Ako ang nauna. Ibibigay ko pa'to sa girlfriend. Monthsary kasi namin bukas kaya please? Akin nalang"
Saglit akong natigilan.
Kilala ko ang boses na yon.
Dahan dahan kong ini-angat ang ulo ko.
"Jericho.." ang tanging nasabi ko.
Ang sakit. Ang sakit marinig na bibili siya ng singsing para sa girlfriend nya. Hindi niya iyon sakin ginawa. Ang sakit..
"Nami? Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong nya.
Agad ko namang pinunasan ang luha ko. Naiyak na pala ako. Tss.
Hindi nya dapat makita na nasasaktan parin ako."Hindi ah! Napuwing lang ako. Oo yun nga! Ano kasi, masakit mata ko." Sabi ko sakanya. Sana tumalab. Please.
"Ah sge. Okay ka lang ha?"
Hindi.. hindi ako okay. masakit e. Sobraaa. :(
"Ah oo naman. Osge sayo na tong singsing. Hindi ko rin naman magagamit yan e. Tsaka wala naman akong partner kaya wala akong pagbibigyan niyan. Sana magtagal kayo ng girlfriend mo. Mahalin mo siya ha? Kasi ang tanga mo nalang kapag pinakawalan mo pa. Sge una na ako. Bye." sabay talikod. hindi kona yata kakayanin pang harapin sya. baka maiyak nanaman ako.
"Advance Happy Monthsary.. "
sambit ko habang nakatalikod.
Ayokong humarap.Baka isipin niya mahina ako.
Bakit? Mahina ka naman talaga diba?
Hays.
--"Girls? Uwi na tayo." Sabi ko sakanila nung makapunta ako sa kanila.
"Ano ba yan Nami. Nag-eenjoy pa kami oh. Bakit ba mukhang nalugi ka?" Buti pa sila. Masaya. Walang problema. Hindi broken. Samantalang ako? Kulang nalang magbigti.
"Wala. Sge una na ako ha? Text nyo nalang ako kapag nakauwi na kayo. Ingat"
At nagpahatid na nga ako papunta sa bahay namin.
--Pagkapasok ko walang tao. Siguro umalis sila. Hays.
Aakyat nalang ako sa kwarto ko. Dun naman ako lagi e.
-
"Bakit ba kasi sabog lagi notif ko?"Pagkabukas ko kasi ng facebook puro floodlikes ang nakikita ko.
Makapag-status nga.
"Wag mong habulin ang taong nang-iwan sayo. Ipinangak kang tao hindi aso." Ayan. Natamaan ako e.
Mark Ethan Padilla likes your status.
Hays puro siya nalang nagfaflood likes sakin. Sino ba kasi to?
Haynako. Ewan! Wala akong balak maging interesado sa kung sinong lalaki >.<
Post lang ako ng post ng status. Mga puro pang-broken. Eh alangan namang masaya diba? Broken na broken ako ngayon. :/ bakit ba kasi napaka-malas ng pagpunta ko sa Mall?
"Makakamove-on ka din. May taong darating para sayo. Yung taong magpapasaya sayo. Sana okay ka lang :) nandto lang kami ha? Kaya mo yan Nami. Kapag may manliligaw ka i-entertain mo lang. Wag puro reject. Malay mo diba? Isa sakanila maparamdam sayo yung tunay na kahulugan ng love :) wag mo lang kontrahin." Message sakin ni Shane.
Napaka/sweet talaga ng bestfriend ko. Kaya love na love ko'to e.Siguro tama sya..
Kailangan kong tumanggap ng isang tao para papasukin sa buhay ko.Yun ay..
kung kaya ko nang magmahal ulit.
BINABASA MO ANG
Facebook Lovers❤️
Ficção AdolescenteWhat if? Mainlove ka sa isang tao na sa network mo lang nakilala? - abangan..