"Mabuti naman at natapos ka na Ms.Galang akala ko ikaw na naman ang mahuhuli sa pag pasa" napakamot nalang ako sa ulo ko matapos kong mailapag yung papel ko sa mesa ng prof ko.
Sa tuwing nagpapagawa kasi ng essay si ma'am ay lagi akong nahuhuli. Ang hirap ba naman mag construct ng essay na may tatlong paragraph tapos dapat merong margin at walang erasure yung papel mo; kaya lalo akong tumatagal kasi minsan ay paulit ulit ako sa pagsulat dahil lagi akong nagkakamali ng sulat.
Kinuha ko na yung gamit ko at umalis sa classroom. Wala ng estudyante sa hallway dahil mag aalas otso na ng gabi. Patay ako nito sa traffic at pila, anong oras na naman ako makakauwi nito.
Napabuntong hininga nalang ako at naglakad patungo sa likod na gate ng school namin dahil mas malapit dun yung terminal ng jeep na sinasakyan ko.
Nakita ko palang yung pila ay napakamot na ako sa ulo ko. Jusko sana naman mag sunod sunod ang dating ng jeep. Mga ilang minuto ang dumaan may dumating na apat jeep kung kaya nabuhayan ang loob ko na baka makasakay na ako kahit nasa dulo ako ng pila.
Pero sa kasamaang palad saakin pa naputol yung linya para sa mga pasagero nung pang apat na jeep.
Nagbibilang na ng pasahero yung barker at umaasa ako na sana kasya pa isa dahil kahit wala na talaga akong mauupuan or 1/4 nalang ng pwet ko ang makakaupo ay papatusin ko na yun.
"Oh miss isa pa. Konting urong na lang po sa kanan! Syaman po yan walo pa lang po kayo!" Dali dali akong sumakay sa jeep kahit na nakabusangot na yung ibang pasahero dahil pilit akong pinagkakasya ni kuya.
Jusko gusto ko lang pong makauwi kaagad at malayo pa ang uuwian ko. Habang naglalalad paloob ay hinahanap ko yung upuan pero wala na talaga. Bababa na sana ako nang katukin nung barker yung jeep para magsi usog yung mga pasahero para magkaroon ako ng kaunting espasyo.
Naupo na ako at damang dama ng mga binti ko ang bigat ko. Hirap na hirap akong kumuha ng bayad pero okay lang ginusto ko naman to tsaka pagdating naman ng SM ay maraming bababa na pasahero.
Nang makarating kami sa SM ay halos nangalahati ang pasahero nung jeep kaya nakaupo na ako ng maayos. Lumapit naman ako sa driver at inabot ang bayad ko. Doon nadin ako nagstay atsaka tumingin sa labas. Pagkaliko namin sa bonifacio shrine ay may pumara na mga pasahero at di sinasadyang mapalingon ako dun sa kaharap ko. Noong nakita ko sya ay kinabahan ako dahil ang lagkit ng tingin nya saakin.
Umusog ako pabalik sa dati kong pwesto para maiwasan sya. Matanda na yung lalake kaya lalo akong natatakot. Nang matraffic kami bago sa may UDM ay may bumaba na mga pasahero ulit tapos ayan na naman yung matandang lalake, tumapat sya sa pwesto ko at ngayon ay parang dinudungaw dungaw nya yung id ko kaya kaagad ko yun tinago sa bulsa ng uniform ko.
Nang makarating kami sa babaan sa LRT ay bumaba na ang mga pasahero. Ngayon ay gustong gusto ko ng bumaba pero kasi kung baba ako ngayon medyo malayo pa ang lalakarin ko magmula dun sa istasyon ng bus at madilim yung daan papunta dun baka sundan nya ako, wala akong laban dun.
Nang makababa kami sa harap ng istasyon ng bus ay nagdali dali akong maglakad paloob. Napamura naman ako sa isip ko ng makita kong wala pang bus na dumadating at medyo humaba na ang pila.
"Miss pwede makipagkilala?" Kinalabutan ako sa sinabi nung mama sa likod ko, alam kong nakasunod parin sya saakin.
"Gusto mo hatid na kita? Saan ba bahay nyo?" I feel helpless dahil sa pag sunod nya at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para wag nya akong sundan.
Hindi ko parin sya pinapansin at nagpatuloy lang ang lakad ko. Naiiyak na ako dahil medyo napaparanoid ako sa mga ideya na pumapasok sa isip ko.
"Uyyy!" Napalingon naman ako dun sa lalakeng pasakay na ng bus papuntang Susana heights at nagulat ako ng nakatingin sya saakin at kumakaway sya. Hindi ko alam pero sabi ng gut feel ko ay lumapit sa kanya.
YOU ARE READING
Never Ending Possibilities
FanfictionSabi nga sa commercial ng krimstix "Imagination mo ang limit"