Aemie Roswell #4

54 3 0
                                    

•NOT PART OF MHIAMB STORY•
Aemie's POV

"Wife?" Nandito kami ni Zeke sa kusina kasi magluluto ako ng gabihan namin.

"Oh bakit Dong? May masakit ba sa iyo?" Ngumiti siya sakin at umiling. Ano na naman kayang kashungahan pumasok sa isip nitong si Zeke ano?

"Wife, let's pretend that we're not in a marriage era. Let's say, in a relationship. I mean a boyfriend and girlfriend stage." Huh? Kitamo, napasukan na naman ng tubig utak ni Zeke. Mag-asawa na nga kami tapos mag pre pretend pa. Ano kaya 'yon? O____o

"Ikaw Zeke, ano na namang drugs ang tinira mo ha? Naka high ka ngayon ha?" Pero pinitik niya lang ilong ko. Aray ha! Kahapon noo ko ngayon naman ilong. Saan sunod sa bibig? T^T

"Wife?" Haynako!

"Oo na nga. Bakit ano ba 'yon? So boyfriend na kita kunyare?" Tumango tango naman siya.

"Oh tapos Dong?" Naguguluhan din talaga ako kay Dong eh. Bigla bigla nalang mag gaganito. Haaaayyy!! T^T

"And right now, I'm breaking up with you." Ay shunga!

"Halaaa ka Dong? Bakit ambilis naman yata. Hindi pa nga tayo nakaka minutesarry." Huwaaaah! Duga duga naman. *pout*

"Makinig ka sa akin wife."

"Oh, ano na ngayon?" Andaming pakulo nitong si Zeke talaga! Nakooo!

"Kapag naki pag break ako sa 'yo babalik ako sa ex ko." Omg! 0_____0

"Shit! Finally!" Narinig ko pang bulong niya pero teka?! Babalik daw siya sa Ex niya? Eh patay na siya Fiona ah? Don't tell me, multo na si Zeke at magkakatuluyan sila ni Fiona?! Huwaaaaa! Mommy help, may mumu!

"Huwaaa! Zeke, multo kana ba? Patay na kaya si Fiona! Paano ka makikipagbalikan?" Kumunot naman ang noo niya. Hala bakit? o__O

"Your eyes got big. I thought you get it?"
Ano daw?

"Anong I get it? May pinapapa--"

"God damn it! I thought it worked! Who the fuck invented that fucking tiktok app?!"

Ha? At bakit nadawit si Tiktok?! Omg! Kahapon yung twitter pinagigigilan ni Zeke ngayon Tiktok? Don't tell me, magiging vlogger naman siya sa susunod? O__O

Aemie's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon