Familia Alcázar
"Kahit anong mangyari wag na wag kayong magkakamaling tumakas sa kamalig na ito"
Sabi ni Inang Selya ko na pawis na pawis dahil sa biglaan naming paglipat sa kamalig na ito. Malayo sa tinitirhan namin noon.
Pitong-taong gulang palang ako ng namulat alo sa katotohanang walang kaming permanenteng matutuloyan.
Dahil na rin sa Sibilisasyon sa panahong ito na pinamumunoan ng mga Hermia.
Gustohin ko mang tumakas, ayaw ko namang mag-alala sina Itang at Itang pati ang aking mga ka nayon. Dahil na rin sa kuryoso ko sa lugar na ito, Naglakad-lakad ako sa magubat na parte ng kamalig na ito ng may nakita akong karatulang nakasulat. Valencia.
Malayo na ito sa bayan. Napagtanto ko dahil sa haba ng ibinyahe namin.
Hindi ko mawari ba't paulit-ulit kaming sinusundan ng mga tauhan at sundalo ng mga Hermia. Sa pagkaka-alam ko'y wala naman kaming naging kasalanan sa kanilang pamilya.
Sapat na ba itong nalalaman ko? Ano nga ba ang sikreto ng pamilya ko?
Abala ako sa pag-iisip ng madinig ko ang sigaw ni Inang Selya.
" Fely anak nasan ka ba?" Nag-aalalang sigaw ni Inang Selya ng napagtanto niyang nawawala ako sa kubo na aming tinutuloyan.
"San ka ba galing bata ka!" Nagpupuyos niyang palahaw.
"Nay nandito lang ako. Dyan lang ako galing sa malaking puno malapit sa kamalig natin" Mahinahong tugon ko, dahil ayaw kong sabayan ang galit ni Inang Selya.
Agad akong umuwi sa kamalig na tinutuluyan namin ng aking pamilya at ng aming mga ka nayon.
Nakatulog ako dahil sa pagod at gutom. Alas sais na ng gumising ako."O Fely,anak. Gising ka na pala. Magsaing ka ng makakain na tayo ng hapunan" Sabi niya habang nag-aayos ng mga gamit namin sa loob ng kamalig.
"Opo Inay" Tugon ko habang natatanaw ang paglubog ng araw. Hudyat na malapit ng gumabi.
Malamig ang simoy ng hangin dito sa gubat na ito, Kasama ang naglalakihang mga puno at matataas na talahib.
Palaisipan pa din sa akin ngayon kung bakit kami lumipat dito nang walang pag agam- agam.
Lampara lang ang tanging ilaw na aming
ginagamit ngayon. Nasanay kami dahil na rin sa hirap at kakapusan sa buhay. Si Inang ay nagbebenta lamang ng kakanin sa bayan at si Itang naman ay nagpapastol ng kalabaw sa aming maliit na sakahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/237028159-288-k746255.jpg)