" Traydor ka Theomolo!" sigaw ko habang umiiyak sa sakit at hinagpis ng makita ko ang aking pamilyang duguan at walang malay.
"W-wala akong alam dito hermosa" Nanginginig niyang tugon ng may dumaang sakit sa kaniyang mga mata.
"Sinungaling ka! Nagsisisi akong minahal ko ang tulad mong halang ang kaluluwa"
"Umalis ka! at wag ka nang babalik pa"
Sigaw ko at pilit siyang tinataboy.Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Ang maghiganti at bigyang katarungan ang pagkamatay ng aking Inang at Itang pati na rin ang mga tao sa nayon.
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi sana ako nagpaloko at sumama sa hayop na bunsong anak ng mga Hermia.
Hintayin mo ako Themolo Hermia.
Babalik ako.
"Prueba la ferocidad de mi venganza"
Lasapin mo ang bagsik ng aking paghihiganti.
![](https://img.wattpad.com/cover/237028159-288-k746255.jpg)