May mga bagay na mahirap ipaliwanag, may mga bagay na hindi inaasahan at may mga bagay na kahit anung paraan hindi natin ito mapipigilan. Ang di natin inaasahang pangyayari LINDOL ito ang dapat nating paghandaan sapagkat ang kalamidad na ito'y walang tinatakdang oras, walang tinatakdang panahon at di natin alam na sa pagdating ng kalamidad na yan ay siya rin ang katapusan ng ating buhay. Marami na ang nangyayari sa mundo ngaun maraming kababalaghan na kung sa una ay di natin pinapaniwalaan pero paghuli na ang lahat dyan lang din tayo magsisi at ang masaklap sarili natin mismo ang sisihin o ung kapwa tao. Sa panahon ngaun ay walang imposible pagdating sa kalamidad, ang kalamidad ay ang masasaklap na mga pangyayaring hindi nino man inaasahan, sino ba naman kasing tao ang nangarap o inaasahan ang kalamidad na tatapos sa maraming buhay! diba wala pero dapat nating tanggapin na parte na yan sa ating buhay na dapat paghandaan. Maraming klase ang kalamidad hindi lang LINDOL, ito ay ang BAGYO,TIDAL WAVE, LANDSLIDE, GYERA, at IBA pang mga masasaklap na pangyayari dito sa mundong ating ginagalawan.
Matatandaan natin na ka bago- bago lang nangyari ang napaka masamang bangungut na tumapos sa maraming buhay tao, hayop at mga nasirang instraktura at mga bagay na mahalaga sa JAPAN noong taong..........at sa araw na..............oras............... un ang isa sa napakamasama at makawindangwindang na pangyayaring di inaasahan nino man mapa eksperto man o taga weather forecast ang tidal wave na may kasamang lindol na naitala........................ kaya tayo hindi tayo magpaka bahala sa panahon ngaun natatandaan din natin sa pagkatapos sa pangyayari na yan sumusunod din ang ibat ibang kalamidad sa ibat ibang bansa t isa na rin ang philipinas ang ating lupang natawhan, maalaala natin ang mga kalamidad na tumama dito sa philipinas isa ang bagyong ondoy ang nagpapa goosebump sa ati, marami ang nawalan ng buhay marami ang nasira, sumunod ang bagyong sindong at iba pa at natatandaan din natin ang gyera sa ZAMBAWNGGa at sa ibang lugar na marami ring nabawian ng buhay nadamay pati ang mga wlang kaalam alam o inosenti, sa LEYTE any bagyong YOLANDA sa BOHOL , EARTHQUAKe. Marami na talagang nangyayari sa mundo di natin alam na unti unti ay katapusan na maraming tumatakbo sa ating isipan, " ano na bang nangyari, katapusan na ba ito" Kaya dapat kahit malayo pa kahit wala pa tayong naramdaman, mas makakabuting ihanda ang sarili sa kung ano ang mangyayari sa kasalukuyan at sa hinaharap. Mas mabubuting maghanda keysa sa mahuli na ang lahat at pagsisihan natin ito may kasabihan nga nasa huli ang pagsisi" kailan ba naging una ang pagsisi syempre sa huli talaga.
Maraming paraan para tayo ay makabangon sa matinding kalamidad. Unang una, tanggapin ang mga nangyayari na nagpatindig balahibo sa atin isiping parte ito sa ating pagpapakabuhay sa mundong ating ginagalawan nasa atin lang din naman kung tayo ay patuloy magpakabuhay sa nakaraan pero isipin din natin na walang mangyayari sa atin kung patuloy tayong magpakabuhay sa nakaraan, nagpapabigat lang ito sa ating kalooban at mas lalong di natin matanggap tanggap At patuloy lang tayong masasaktan. Ang buhay ng tao ay di maiiwasan na may mga pagsubok na dapat lampasin, kumbaga para lang itong pasusulit kinakabahan ka kung kaya mo ba o hindi, kung mali ba ang masasagot mo o tama, kung makapasa ka ba o hindi kagaya din ang iniisip natin pagtayo ay nasa dulo ng kagipitan, makakaya ba nating lampasin ang pagsubok sa atin, kaya ba natin itong lutasan kaya pa ba natin, its our choice kung mag give up ba tayo o magpatuloy pero isa lang ang masasabi ko marunong tayong lumaban para sa ating buhay at sa mga minamahal. Ang nakaraan ay nakaraan matutu tayong magmove on at magsimula ng bagong buhay di man natin makalimutan ang nakaraan atin na lang isipin na isa lang ung aral para may matutunan tayo. Para sa inyo lang naman talaga itong tanong na ito pero gusto ko ring maipamahagi ang nasa kalooban ko.
Iba ang kalamidad para sa akin kung sa inyo ay panahon, panahon din naman sa akin pero mas may iba pang kalamidad na ang ibig kung sabihin ang iyong nararanasan ko na dapat ko ng maibaon sa nakaraan para ako' y makabangon at magbagong buhay, ako ay patuloy nabubuhay sa nakaraan pero di ko naman ito sinasadya. Gusto ko ng ibaon sa limot pero paano pwera na lang kung magka amnesia ako ay talaga namang makalimutan ko ang nangyayari, ayokong magalit sa mga taong naging dahilan kung bakit patuloy akong nagdurusa na di naman dapat pero wala akong magagawa hindi ko mapigilan ang sarili kung magtanim ng poot at galit tao lang naman ako di ako DIOSe na madali lang magpatawad. Gusto kung maghiganti at matikman din nila ang nararanasan ko. Sabihin na lang natin na ako ung taong hindi madali mahirap paniwanagan. Pero alam nyo ba ang nararmdaman ko, hindi hindi ba! Gusto ko mang kalimutan iyun at isiping un ay parte lamang sa buhay natin, yun ay isa lang pagsubok, yun ay isang aral na matutunan pero andito tayo sa realidad na kahit ano pa tayo, kahit gaano pa kabusilak ang kalooban ng isang tao lalabas at lalabas talaga ang masamang katangian pag mapupuno na. Ganyan pipilitin man natin ang ating sarili na kalimutan ang mga nangyayari, wala tayong magagawa ang masasabi ko lang mahirap talaga intindihin ang buhay ng isang tao. Bagamat ang paksa naman ito ay para sa iyo kung paano ka makakabangon sa kalamidad ay isa lang bweno marami namang paraan gaya nga naginalaysay ko sa panggatlong paragraph pero mahirap naman gawin, tanggapin mo na lang, na namumuhay ka sa paraan na ayaw mo.
Marami tayong matutunan na mga bagay bagay na mahirap intindihin atin itong pag aralan para makuha natin kung ano ang kahulugan. Sa buhay natin ngaun, ay dapat natin itong pangahalagahan, Sa kung ano pa mang matinding kalamidad ang mararanasan natin tanggapin natin ito at paghandaan, at matutu tayong tumayo sa pagkabagsak sabi nga ni KUYA KIM "ANG BUHAY AY WEATHER WEATHER LANG, sa paksang ito ay marami akong natutunan, di man natin kabilisang matanggap ang mga nangyayaring Makawindang windang ang mahalaga ay merun tayong natutunan.
Nagpapasalamat ako sa ALS o ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM dahil binibigyan nyo kaming mag aaral ng pagkakataon na maisalaysay namin kung ano ang opinyon o nasa isip namin tungkol sa paksang kung PAANO KA MAKABANGON SA MATINDING KALAMIDAD, Laki ko ring ipasalamat dahil binigyan nyo kami ng pagkakataong magbagong buhay at mangarap at binigyan nyo kami ng lakas ng loob. Idinalangin ko na sana ay isa ako sa palarin na makapasa para nti unti ko ng maibangon ang aking sarili, pagpalain kayo ng panginoon at taos puso akong magpapasalamat sa inyo lalo na poong maykapal at sa mga taong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Hanggang dito na lang maraming salamat.