Chapter 14

23 4 0
                                    

Bakit ko nga ba naisipang maglakad? Bakit hindi muna ko nag-almusal? Bakit kailangan ko pang ipamigay dito sa squatter area ang sapatos ko?

At bakit sa lahat lahat ng pwedeng makasabay,


SI ALLOY PA?!


Kaya pala hindi niya ko gusto o crush man lang. Kasi may girlfriend na pala ang gago, edi wow!


Feelings, ang oa mo na ah. Pakialam ko naman kung may girlfriend si Alloy, eh crush ko lang naman siya. At crush ko lang naman siya. Heart, chill ka lang, oa ka eh.


Kung gaano ako kaingay sa isip, ganun naman katahimik ngayon ang bibig ko. Bigla akong nawalan ng ganang magsalita nang malaman kong may girlfriend si crush.


Nauuna akong maglakad kay Alloy. Pareho kaming tahimik pero nararamdaman ko ang madalas niyang pagsulyap sa kagandahan ko.



"Jiezel, o-okay ka lang ba?" rinig kong tanong niya sa likod ko nang makarating kami sa harap ng University. Natigil ako sa paglalakad at nilingon ang ulo sa kanya.

"Bakit naman hindi ako magiging okay? I'm fine, Alloy." I said and forced myself to smile. Pero dahil sa inis sa kanya ay napairap na lang ako.


"O-okay ka nga. Ahm, Jiezel." Muli ko siyang nilingon, frowning like a bored girl. Pinameywangan ko pa siya habang nakakunot ang noo.

"What?" Gigil na gigil na tanong ko. Nakita ko pa ang pagtaas baba ng adams apple niya. Lalo lang tumaas ang kilay ko.

"Yung kanina, wala akong girlfriend. Kaibigan ko lang si Norielyn. Nagbibiro lang si Manong June." He said then smiled like an innocent boy.


Napatitig ako sa mga ngiti ni Alloy, sa pag ngiti niya, ngumingiti din ang mga mata niya. Parang lumukso ang puso ko nang marinig kong wala pala siyang girlfriend.


Pero syempre hindi ko pinahalata. Baka isipin talaga ng hamog na 'to na gustong-gusto ko siya. Dzuh~


"Edi wow. Pakialam ko kung may girlfriend ka." I said rolling my eyes.


"Talaga? Eh bakit nung sinabi ni Manong na girlfriend ko si Norielyn, nalungkot ka. Bakit hindi mo ko pinansin? At diba may gusto ka sakin? Kaya naiintindihan ko kung nagseselos ka."


May sinusupil siyang ngiti at parang may kislap akong nakikita sa mga mata niya. Napalunok ako at napakurap.

"Excuse me? I'm not jealous ha! And correction, Gueverra, I don't like you. Crush lang kita." singhal ko at pinanlakihan siya ng mata. Natawa siya at napailing.


"Crush at like pareho lang, senyorita. Wag mo ng ideny." He teased me. My eyes widened in disbelief and disapproval.


"No! Crush and like is different! Look Alloy, crush, paghanga. Like, pagkagusto sa isang tao. For example, you like me, I crush you. Different, right?" I said and rolled my eyes.

He grimaced and glared at me. "I don't like you."


"You like me, you're obvious kaya. You like me! Why don't you just admit the fact that you really like me?" mataray at maarteng tanong ko at humalukipkip sa harap niya.


Napatitig siya sakin at umiling. Ngumiti rin kapagkuwan. "Hindi talaga kita gusto, Jiezel. At kung magkakagusto man ako sayo, para saan pa? Imposible namang maging tayo." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Natigilan ako at napatitig sa malulungkot niyang mga mata. There is something. You don't like me, huh? Then what's with your stares? Your moves? Your words? I observed it, Alloy.

When Reality Strikes ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon