Chapter 10

37 4 0
                                    

I lit a candle, Alloy beside me who was just staring at the white candle. Pagkatapos ng misa ay dumiretso agad kami dito.

Tinitigan ko ang apoy sa kandila at marahang pumikit at nagdasal. I thanked Him for the blessings we received this week, I apologized for every sin I did these past days. I wished Dad's health and business comes good. And I wished for more blessings to come these upcoming weeks. I thanked Him for everything.

Mommy told me that always be grateful for all the blessing bestowed upon us. Na kahit mayaman ka at masaya sa natatamasa mo, lagi pa ring magpapasalamat sa Kanya.


Naglalakad na kami ni Alloy palabas ng simbahan. Madaming tao ang nakakasalubong at nakakasabay ko sa paglalakad. May bumabati at ngumingiti sakin sa kadahilanang anak ako ng Mayor nila. Tahimik lang si Alloy na kasunod ko ring naglalakad.


May mga batang nagtitinda ng sampaguita. May mga aleng nasa harap ng simbahan na naglalatag sa kalsada ng mga gulay at prutas para maitinda. May mga nagtitinda ng mga iba't ibang kulay ng kandila, mga cartoon baloons, may mga nagtitinda ng sisiw, mga rosaryo, at iba't ibang pwedeng makain.


Ginagawa nilang lahat yan para magkapera. Para mabuhay.

And I am so lucky because I have a comfortable life that every people will keep on.


"Gusto mo ng taho, senyorita?" Natigil ako sa paglalakad at napalingon kay Alloy. Nasa likuran ko siya at naglalakad na papalapit sa Manong na nagtitinda daw ng taho. What?


Kumunot ang noo ko at agad na sumunod sa kanya. Matanda na siya at may katabaan. Malaki ang tiyan at may bimpo na nakasabit sa isang balikat.


"Nong, dalawang tag-ten nga." sabi ni Alloy sa Manong at ngumiti.


"What's that, Alloy?" I asked and curiously looked at the contents of the stainless buckets. Napatingin sakin si Manong kaya napaatras ako. Nilalagay niya yung white na basta sa plastic cups.

"Taho yan, Senyorita. Hindi ka pa ba kumakain niyan?" Naglalagay si Manong ng maliliit na sago din dun sa baso. No. I think, nakita ko na yan. That word taho is familiar. But still, hindi ko maalala kung natikman ko na ba yon.


"I don't think so." mahinang usal ko at napatingin kay Alloy na nakatitig sakin. Umiling ako sa kanya na ikinakunot ng noo niya.


"Hindi mo alam kung nakakain ka na niyan, Jiezel?"


"H-hindi ko alam. B-but the name is familiar---oh thanks!" sambit ko at ngumiti kay Manong pagkatanggap ko ng isang cup.

Binigay niya ang isa kay Alloy na agad nitong binayaran. "Alloy, malinis ba 'to?" tanong ko habang nasa taho pa rin ang tingin.


"Imposible, nakatikim ka na niyan. B-bakit..." napalingon ako kay Alloy, pabulong ang sinabi niya kaya hindi ko masyadong narinig. Nakatitig pa rin siya sakin habang nakakunot ang noo.


"Yes, Alloy?" I asked him. Ipinilig niya ang ulo at napailing.


"W-wala. Malinis yan, Jiezel. Tikman mo, masarap." sabi niya at tumikim na rin non. Hindi siya malamig nor mainit.


Tinikman ko at hmmm! "Masarap!" sabi ko kay Alloy at ngumiti kay Manong. Napasmirk si Alloy at napailing.


"Manong pano 'to ginagawa?" masayang sabi ko at tumikim uli non. Natawa naman si Manong.


"Tinunaw na tokwa, sago, at tinunaw na asukal. Tapos paghahaluin mo. Ganun lang kadali, Miss." nakangiting usal ni Manong. "Ikaw ba ang anak ni Mayor William?" tanong niya kaya napatigil ako sa pagkain.


When Reality Strikes ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon