CHAPTER 19

11 0 0
                                    

"JARO"


Weekend at napagpasyahan ni Heaven na umuwi muna sa kanila para makapiling nito ang kanyang mga magulang kung kaya hinayaan ko muna siya.


"Sure ka ayaw mo sumama?." tanong nito pero umiling lang ako at muling tinutok ang mata sa panonood ng TV.


"Maraming trabaho eh." sagot ko sa kanya at tumango ito.


"If may need ka tawagan mo lang ako ha, mag-iingat ka rito." paalala nito sa akin at palabas na sana ito ng pigilan ko.


"Heaven." tawag ko sa kanya dahilan para lumingon ito.


"Ano yun?." tanong nito sa akin.


"Wala ba akong kiss diyan?." biro kong tanong sa kanya at napakunot ito ng noo.


"Are you serious?." tanong niya at tumango ako.


"Joke lang." sagot ko naman at saka ngumiti.


"Sige na mag-ii-."


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ang labi nito sa pisngi ko.


"Happy na?." tanong ni Heaven sa akin. "Aalis na ako. I'll call if I got home."


Napahimas ako sa aking pisngi habang nakatitig sa pintuang kasasara lang. Seryoso ba talagang nangyari yon? hinalikan ako ni Heaven?.


Takteng yan, napailing at natawa na lang ako sa nangyari at saka bumalik sa pagkakahiga at nanood ng TV. Pero hindi maiaalis na parang kinilig ako sa ginawa nito.


Nag-aayos ako ng lulutuin ko para sa aking dinner nang tumunog ang door bell kung kaya pinuntahan ko iyon.


"Oh anong meron?." tanong ko ng makita si Ranz sa harapan ng pinto.


"Hoy, Birthday ni Jae ngayon, punta tayo sa kanila." ani nito habang inaayos ang polo.


"Ha? talaga?." gulat kong tanong at tumango ito.


"Oo, kaya mag-ayos ka na." sabi nito sa akin kung kaya nagpaalam na ako para maligo at magbihis.

Arranged FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon