CHAPTER 55

5 0 0
                                    

"AMARA"

Malakas na bulungan ang sumalubong sa amin ng lumabas kami ng Building ng mga Dingsata. Malinaw na malinaw na kaabang-abang talaga ang mga nangyari at ngayon ay malalaman na ng lahat ang totoong dahilan nito.

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko sa likuran at tila hindi rin ito makapaniwala na lumabas kami, wala ring may alam sa kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Tumingin ako kay Paul at sinalubong ang masasama nitong tingin, tinatagan ko ang loob kong huwag sundin ang gusto ng aking kapatid, dahil alam kong kapag nangyari iyon, maiiwan akong mag-isa, at hindi ko mabibigay ang hustisya na gusto ko para sa aming mga magulang.

Hindi ko alam kung bakit mabilis itong naniwala kay Estevan, pero hindi ko masisisi ang aking kapatid, ama niya ito at matagal itong nagutom sa pagmamahal at atensyon ng isang Ama o Ina, kahit anong pagpapaka-ate ko ay alam na alam kong iba pa rin ang kalinga ng magulang at hindi ko maaalis kay Paul kung mag-iba man ang desisyon nito.

Pero wala nang makakapigil, at ako pa rin ang masusunod, kung kaya huminga ako ng malalim at saka sinenyasan ang aking mga tauhan na iharap sina Jeremiah sa akin at pati na rin sa mga taong nakapaligid sa amin.

"Ito na ang simula ng katapusan!." sigaw ko at talagang nakatutok sila sa akin, nakita ko rin ang sunod-sunod na tunog ng mga camera at pati na rin ang pagtutok ng mga baril sa pwesto namin.

"Magkamali kayo ng galaw, sisiguruhin kong sabog ang bungo ng lahat ng ito." turo ko sa mga nakaluhod sa aking harapan.

"Ngayon, malalaman niyong lahat kung bakit nangyari ito." ani ko at saka ngumisi.

"Wala naman akong pinangarap noon, kundi lumaking may masayang pamilya, kahit mahirap kami, arador ang tatay ko sa Hacienda ng mga Dingsata, at kasambahay ang nanay ko sa Mansion nila." nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Pero isang araw, itong hayop na ito." turo ko kay Estevan gamit ang baril na hawak ko.

"Pinatay niya ang mga magulang namin." sigaw ko at kasunod niyon ay ang malakas na bulungan.

"Sa tulong ng aking kababatang si Jeremiah." dito ko naman tinuro ang baril. "Sinabi niya sa akin na nakita niya ang lahat, kung paano hinaras ng kanyang tyuhin ang aking Ina."

"Pero nung nilabas ko ang katotohanan na pinatay ni Estevan si Nanay, binaligtad ako nito at nagmukha kaming tanga sa lahat."

"At kinagabihan, sinunod naman ni Estevan na patayin ang aking Tatay." kinagat ko ang labi ko para pigilan ang muling pag-iyak at diniinan ang pagkakahawak sa aking baril.

"Kung kaya matapos ang ilang taon, bumalik ako at nagplano kung paano makakaganti at mabigyan ng hustisya ang pagpatay niya sa aming magulang."

"Pero totoo bang pinatay ni Estevan Dingsata ang pamilya mo?." tanong sa akin ng isa sa mga taong nakakumpol doon.

"OO!!." Sigaw ko at tumingin kay Estevan. "Aminin mo!."

Mataman akong tiningnan nito at saka bumuntong-hininga bago nagsalita.

"T-totoo!." pilit nitong nilakasan ang boses at lalong lumakas ang mga bulungan. Nakita ko naman si Jeremiah na malungkot na nakatingin sa kanyang tiyuhin.

Arranged FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon