Chapter 3

348 252 14
                                    

Chapter 3: Coffee Hassle


"Kuya Try! We don't need employees anymore, do we? Bakit ba kasi may poster sa labas?"


The irritation on kuya Try's face was obvious. Kanina ko pa kasi siya kinukulit na 'wag nang mag-hire. Naguusap-usap lang kami sa counter habang nag-aayos siya ng mga pakete ng sugar at creamer at kami naman ni Belle ay abala sa pagpupunas ng counter.


"Ikaw ba ang manager dito, ha?"


Natawa si Belle na nasa gilid ko at tumingin sa akin. "Bakit ba kasi masyado kang nabo-bother kung interested mag-trabaho si Colin dito? Okay na naman, diba? Napag-usapan niyo na at kinalimutan na niya. Problem solved!"

 
I sighed and undid my ponytail. May point naman yung sinabi niya. Bakit nga ba kasi masyado akong nabo-bother kung magta-trabaho siya dito? Ano naman, diba?


"Sabihin mo sa kaibigan mong iyan na ibigay sa akin ang kaniyang resumé at titingnan ko kamo" ani kuya Try.


"Sige po" I picked up my phone and immediately messaged Colin considering that I might forget it later.


*me

Good afternoon! Pinapasabi nga pala ni kuya Tryden, yung owner ng café na magdala ka daw ng resumé kung kailan ka available. Thanks!


Wala pang isang minuto ay nag-vibrate ang phone ko at nakita ang sagot niya. Why does he respond so quickly? Does he do nothing in life?


*Unknown number

Sure. Will be there tom


Natawa ako ng kaunti nang makita kong unknown number pa rin ang nakalagay na pangalan niya. Pinalitan ko ito ng Colin at ibinalik sa bulsa ang phone ko.


Hindi na natuloy ang pagg-grocery sana namin ni Belle kahapon dahil bumisita raw ang pamilya niya sa kanila kaya ngayon na lang kami lalabas.


"Macchiato, Ristretto, Cold brew, Marochino..."


Lumapit ako kay Belle na tila nagre-recite ng mahabang tula ng mga kape. "Ano 'yan?"


"Order. Ang dami! Buong barangay ata ang papainumin ng kape"


"Patingin" sumilip ako sa cellphone na hawak niya at ibinigay niya naman iyon sa akin. Sampung macchiato, Limang ristretto, sampung cold brew, pitong marochino, labing-isang mocha... at sobrang dami pa!


"Hindi kaya scam 'to?" I asked. Mahigit singkwentang kape na ata ang inorder nila!


"Hindi scam, bayad na" sagot niya.


Binilang ko ang total number of orders at 54 lahat-lahat iyon. Tinawag ko si kuya Tryden dahil dalawa lang kami ni Belle na gumagawa ng kape. Yung mga nasa kitchen palagi ay kadalasang naga-arrange lang ng supplies at kung ano-ano.


"Anong oras daw ba kailangan i-deliver?" tanong ni kuya Try.


"As soon as possible daw, kuya"

 
"Kumilos na tayo at huwag na kayong magsi-reklamo"


I looked at my watch and saw that it was only 6:05 am and we could definitely finish it before 7.


Nag-suot na ako ng apron at nagtali ng buhok saka sinimulang magdagdag ng coffee grounds sa French press. Si kuya Tryden ay nag-suot din ng apron at gloves at sinimulang i-arrange ang cups. Pinagbukod-bukod niya iyon batay sa klase ng kape. Si Belle naman ay nagpunta sa kitchen at kumuha ng mga yelo at gatas.

Alluring Scent of Heaven (AS#1)Where stories live. Discover now