Chapter 7

2.9K 51 24
                                    

CHAPTER 7

"DJ! Anak! Pasok na dito sa loob at maliligo ka na! DJ! Ay!"

Muntik na akong madulas sa sahig dahil sa paghabol dito sa anak kong walang ibang ginawa kundi ang magtatakbo paikot sa veranda. Buti na lang at nakakapit agad ako dito sa kantuhan ng wooden chair. Agad namang lumapit sa akin si Indi­, 'yong kasambahay namin.

"Ma'am! Okay lang po ba kayo?" Saklolo niya sa akin. Napahawak ako sa bewang ko dahil napatama iyon nang mapaupo ako sa tabi ng wooden chair. Shit! Napaimpit na iyak ako dahil sa hapdi. Nakakamatay talaga ang paghabol sa isang five-year-old kid.

Mahigit limang taon na ang nakakalipas nang maikasal kami ni Raymer. A few months after the wedding, I gave birth to our eldest son, Denver John Villaluz. Ngayon, limang taon na ang batang 'yon. At sobrang lusog. Pinanggigigilan nga siya ng mga kabarkada nitong si Raymer, eh. Halos lapirutin na nga nila ang pisngi, braso, hita, tiyan, lahat na! Kawawa nga si DJ, eh! Pakiramdam ko ay nangangayayat na ang anak ko dahil sa panggigigil nila.

Gusto kong isiping nagtagumpay ako sa pagpapaibig kay Raymer. Natatandaan kong ang huling sinabi ko noong reception ng kasal namin noon ay paiibigin ko siya. Hindi ako martir. Hindi ko pagtitiisang makitang nagmamahal ng iba ang asawa ko kung kaya ko naman siyang mapasaakin. Isa pa, wala naman siyang pag-asa kay Cassandra, eh. He'll never have her. I'm all he ever got. Kailangan niya akong pagtiisan sa ayaw niya o sa hindi.

Sa loob ng limang taong iyon ay pansin ko ang pagbabago kay Raymer. Bihira na siyang pumunta sa mansyon ng mga Salvacion. Minsan nang nai-kwento sa akin ni Rina, best friend ko, na kaya lang naman pumupunta si Raymer sa mansyon nina Kuya Ace ay hindi upang makipag-inuman dito. Kundi ang silipin ang asawa nitong si Cassandra. It's funny na hindi man lang nakakahalata itong si Kuya Ace sa mga ikinikilos ni Raymer. Baka naman magaling lang talagang magtago ng nararamdaman niya itong si Raymer. Naisip ko tuloy kung tinangka na ba niyang ipagtapat ang nararamdaman niya kay Cassandra. Ano kayang naging reaksyon nito? Just thinking about it made my heart clench. Ayoko nang isipin. Wala akong pakialam doon. It doesn't concern me kung anong nangyari sa kanila sa nakaraan. What concerns me is this lifetime I have with Raymer. This present time with him. Itong kasalukuyan kung saan kaming dalawa lang ang nandito. Walang Cassandra o kahit sino pa sa kanila.

Thinking about now makes me happy, a bit. Kahit papaano ay masaya na ako sa kasalukuyan. I-e-enjoy ko na lang 'to dahil alam ko namang kahit gaano ako kasaya ngayon ay mapuputol at mapuputol din ito. It's only a matter of time. Ang mahalaga lang naman ay kung paano ako nakontento sa kung anong meron ako ngayon, eh. At masaya nga ako kasama si Raymer, baby DJ, at ang kasambahay naming si Indi.

O 'di ba? Hindi naman masyadong halatang masaya nga ako dahil nakailang banggit ako ng salitang masaya sa huling talata ko.

Napabalik sa kasalukuyan ang isip ko nang magsalita ang anak ko.

"Mom! Are you alright?"

Napatingin ako sa anak ko at nakatayo siya ilang pulgada ang layo mula dito sa kinasasadlakan ko. Walang bakas ng pag-aalala sa boses niya. Ni hindi man lang niya ako nilapitan at sinaklolohan. Hay, itong batang ito talaga, oh. Walang ibang inatupag kundi paglalaro at kasiyahan lang. Pinabayaan ko na dahil bata pa naman siya, eh. He can have all the happiness and enjoyment he wants right now. Dahil sa oras na magbinata siya ay alam kong haharap na rin siya sa mga pagsubok ng buhay gaya namin ng tatay niya.

Tumango na lang ako sa kanya. "Anak, pumasok ka na sa loob at maliligo ka na," pag-aya ko pa rin sa kanya pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Umiling pa siya ng makailang beses at sumimangot pa.

"Mom! Maglalaro pa kami ni Sandro, eh!" pagmamaktol niya habang nakasimangot. Napangiti na lang ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Anak, nasa kabilang subdivision si Sandro," magiliw na sabi ko sa kanya. Naglakad na ako palapit sa kanya at bago pa siya makatakas sa akin ay kinulong ko na siya sa mga bisig ko. Wala naman siyang nagawa kaya yumakap na lang siya sa akin. Ito naman ang gusto ko sa batang 'to, eh. Marunong naman siyang maglambing kapag gusto niya.

Twisted Past [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon