"Hoy Mika!! Gumising kana nga dyan!! Malelate na tayo! alas 7 na!" Gising sakin ni Fey. Hmm, She's my bestfriend since birth :D
"Pag hindi kapa bumangon dyan bubuhusan kita ng mainit na tubig sige ka! HAHAHA" sabay hampas sa hita ko.
"Abaaaaa! Hindi ka talaga babangon?" Sabay kiniliti nya ko, at ayun! napabangon nya ko!
NAKAKATAMAD -_- Nakakatamad kaya! Pa'no fist day of School na naman. o diba sinong sisipagin pag maririnig mo yung salitang "Pasok sa School" Dko enjoy bakasyon :(
Binato sakin ni Fey yung tuwalya, "Oh! Maligo kana!"
Kinuha ko naman at pumunta na sa banyo.
Nagtataka ba kayo kung bakit kami magkasama? Hmm, yung parents kasi namin magtropa lang din. Tapos ayun, naging bestfriend ko sya. Kaya minsan, dito sya natutulog samin. At minsan, ako sakanila :)
7:30 ng matapos ako sa pagligo. At nagbihis na. Hinila nya na ko. Late na kasi talaga kami. 7 kasi ang pasok namin. Ayy! Nagaaral pala kami sa Tween Hearts University. 3rd Year High :)
--
Nakarating na din kami sa wakas. At tinignan namin kung magkaklase kami. Sympre, OO. Pumunta muna kami sa Canteen para kumain. Di nalang namin papasukin ang first subj.
"Hoy! Mika, nakikita mo ba yung lalaking yun? Yung mag isa sa table!" sabay turo.
"Oo malamang, tinuro mo na eh! AHAHA" sabay binatukan sya.
"Gwapo ba?" tanong nya sakin na tila ngiti na ngiti.
"Pwede na!" sabay taas kilay.
"Kunin mo nga yung no. nya!" pamimilit sakin ni Fey.
"Ayoko nga! Ano?! Ipapahiya ko sarili ko?" Nababaliw na tong bestfriend ko.
"Osige! Ganto nalang! Jack n' Poy tayo! Kung sino ang talo, sya kukuha nung no. nya!" pamimilit nya talaga.
"URGH! Ayoko!"
"Sige na kasi! Minsan lang to Mika!"
"Ona Ona!"
"Jack N' Poy" sabi naming dalawa.
"Okey talo ka Mika! Bato ako gunting ka!"
"EH! Ulit!"
"Walang ulit ulit! Kunin mo na kasi no. nya!"
"ETO NA NGA E!"
Papalapit na sana ako kaya lang biglang nanginig ang tuhod ko. At biglang bumilis tibok ng puso ko. HIndi ko alam. Kinakabahan siguro kasi ako.
Medyo malapit nako kaya lang may lumapit sakanyang dalawang lalaki at tumabi agad sakanya.
Siguro tropa nya. LUH? Pano ko mahihingi no. nyaaaa? :3
Papalakad na sana ako patalikod ng biglang may nagsalita sa kanila.
"Sino ka?" tanong sakin nung lalaking kakadating lang. Chinito at maputi.
"Ah-eh! Mika!" sabay smile ng kaunti. Tapos tumalikod na at naglakad. Umupo na ulit ako sa table namin ni Fey.
"Ano nakuha mo ba?" tanong ni Fey.
"Hindi eh. May dumating kasi na dalawang lalaki. Baliw ka?"
Sabay tawa sya ng malakas. "Tara na nga! Punta na tayo room!" pag aaya nya.
Nang makarating na kami sa Room.
"Bakit late kayo? First day of class palang late na! Pinapakita nyo agad na tamad kayo mag-aral" Sigaw ni Ms. Marasigan. Sungit talaga neto kahit kelan, akala mo laging meron eh.
Pumasok na kami at umupo sa likod. Maya maya pa may pumasok din na tatlong lalaki, at sila yung mga pogi kanina sa canteen -_-