A/ N: Munting paalala, ang inyong mababasa ay hindi binase sa kahit ano o kahit saang pangyayare sa totoong buhay. Ang nakapaloob sa kwentong ito'y hindi rin hango sa totoong buhay ng mga karakter. Tanging imahenasyon lamang ang naglaman.
Papasok na si Reeva sa kaniyang condo ng bigla niyang maramdaman ang pagkulo ng kaniyang tiyan.
"A-aray?!" Mahigpit niya itong hinawakan.
"A-aaagh, a-ansakit ng tiyan ko!" Agad itong dumaritso sa banyo.
Halos inabot siya ng isang oras sa loob.
"N-n-nasaan ba dito 'y-yung gamot ko? A-ansakit." Pinilit niyang abutin ang mga gamot na nakalagay sa drawer.
Matapos niyang makakuha ang gamot ay agad niya itong ininom—nawala ng ilang oras ang pananakit.
"Tok-tok-Tok?"
Reeva: Sino yan!?
Ash: Si Ash po 'to Miss Reeva.
Agad pinagbuksan ni Reeva si Ash ng pintuan.
Reeva: Tuloy ka—
Ash: Thank you po.
Reeva: So, saang parte ka naman ng Pilipinas naglakwatsa?
Ash: Diyan lang po sa tabi-tabi.
Reeva: Ash, I need an specific answer.
Ash: Sa Baguio po.
Reeva: At ano na namang pinagagawa mo sa Baguio aber??
Hindi sinagot ni Ash ang tanong niya.
Reeva: Hmm btw, binalita na siguro sa'yo ni Angge na na-approve-han na yung script na ginawa mo.
Ash: O-opo.
Reeva: Nakapag-shoot na kami ng ilang scenes, may mga ibang lines at situations akong gustong ipabago sa'yo—pero ang hirap mong hagilapin.
Ash: I-I'm sorry po sa pagiging unprofessional ko. I swear, it will never happen again.
Reeva: Focus Ash, I need you, we need you to the Team. Sana—hindi na maulit ang nangyare noon.
Ash: Yes Miss Reeva, promise po makikinig na po ako sa inyo, sa buong team.
Reeva: Mabuti naman, gumagabi na, hindi kapa ba uuwi?
Ash: Uuwi na po—
Bigla na namang kumulo ang tiyan ni Reeva.
Ash: K-kumain na po ba kayo?
Reeva: O-oo.
Unti-unti na naman niyang naramdaman ang pagkulo.
Ash: O-okay lang po ba kayo?
Reeva: K-kailangan ko yata ulit mag-banyo. Pakilock na lang 'yung pinto, pagkaalis mo.
Nagtatakbo ito patungong banyo.
Ash: Miss Reeva? Baka naman po may nakain lang kayong hindi maganda kaya kumulo 'yang tiyan niyo?
At napagtanto ni Reeva at napagtanto niya na ang huli niyang kinain ay ang pagkaing galing kay Orville.
"Shi—nulid!"Ash: O-okay lang po ba kayo?
Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas rin siya.
Reeva: I'm f-fine, p-pwede kanang umalis. A-ah!
Ash: Maupo na po muna kayo, ipagluluto ko po kayo ng mainit na sabaw para matunawan narin po kayo.
Inalalayan ni Ash si Reeva na makaupo sa silya.