CHAPTER XIX

263 13 1
                                    

A/N: Munting paalala, ang inyong mababasa ay hindi binase sa kahit ano o kahit saang pangyayare sa totoong buhay. Ang nakapaloob sa kwentong ito'y hindi rin hango sa totoong buhay ng mga karakter at purong imahenasyon lamang ang naglaman.

Nakapatay ang cellphone ni Reeva kagabi kaya 'di niya napansin ang tawag at text ni Ash.

Ash: Ma, medyo uminom po ako pero medyo lang po promise.
07:50 pm.

Ash: Ma? Pqwedre pio psundo.
08:30 pm.

Ash: Ma? Asko ns lng poi anf nitra dto sq bsr. Hindi pi aku symabay ksy paps. Sundo mi na ajo Ma.
11:45 pm.

56 missed calls from: Ash
25 missed calls from: Carlo

Carlo: Sagutin mo ang tawag ko!
04:56 am.

Carlo: Hindi ko alam kung nasaan ka o sino man ang kasama mo pero utang na loob Reeva! Sagutin mo ang tawag ko!
05:00 pm.

Carlo: Reeva, nandito kami sa Almera Doctors Hospital, baka lang naman gusto mong pumunta naaksidente lang naman 'yung anak mo baka naman kahit konteng concern magbigay ka. Baka naman Reeva, baka lang naman.
05:10 pm.

Nagmadali itong tumayo at nagbihis.

Orville: Good—pasaan ka?

Reeva: S-s-i Ash n-nasa ospital. P-pupuntahan ko siya.

Orville: Teka kumalma ka muna magbibihis lang ako.

Reeva: B-bilisan mo please.

Nangangatal si Reeva na dumating sa Hospital.

Nandun lahat ng kaniyang team at ang  mga kaibigan.

Reeva: A-anong nangyare?! N-nasaan si Ash??

Alyah: Nasa loob pa siya, hindi pa tapos 'yung operation.

Reeva: A-anong nangyare?! Angge?? Hindi ba kayo ang kasama niya kagabi! Anong nangyare?!

Angge: O-opo, magkakasama po kami kagabi. Ihahatid n-na po sana namin s-siya p-pero s-sabi niya may m-magpapasundo na lang daw po siya sa inyo.

Reeva: Bakit hindi man lang kayo nagpumilit na ihatid siya?!

Zandra: Reeva, kumalama ka muna. Wala silang kasalanan.

Reeva: Hindi eh, kasalanan nila! Alam niyong hindi umiinom si Ash! Kilala niyo si Ash pero bakit niyo siya hinayaan na uminom! Ha! Sumagot kayoooo! Kasalanan niyo 'to!

Jai: Reeva, kumalma ka muna.

Reeva: Potangina paano ako kakalma?!

Orville: Umupo na lang muna tayo Reeva, hindi makakatulong kung mag-hysterical

Masamang tiningnan ni Reeva si Orville.

Reeva: Bakit?? Ikaw ba?! Makakatulong kaba ha! nasaan si Carlo?

Strawberry: Magkakape lang daw po siya.

Ilang minuto lang ay dumating na din si Carlo.

Carlo: Masyado ka atang nag-enjoy kagabi nakalimutan mo pang takpan 'yang red marks mo sa leeg. Ilang beses kang tinawagan ni Ash pero 'di ka sumasagot tinawagan din kita pero nakapatay 'yung cellphone mo, nakakahiya naman makaisturbo pa kami ni Ash sa ginagawa niyo.

Napatingin silang lahat dito.

Carlo: Hay naku Reeva.

Orville: Hindi mo kailangan bastusin si Reeva, kasama ka din nila kagabi 'diba?? Bakit hindi mo man lang nagawang ihatid si Ash.

Diametrically Opposed Of Resentment [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon