Palaging tanong ko sarili kung may forever ba talaga? Ito ang tanong na never masasagot ninuman. Para sakin? Just enjoy the process of loving someone and the rest will follow. Lam nyo yun? Yung tipong pahalagahan niyo lang lagi yung isa’t-isa, magkaroon palagi ng oras sa inyong dalawa at intindihin palagi yung partner kapag wala lagi sa mood niya. Hindi naman mag eexist ang forever na yan. Ilang relasyon na rin ang napagdaanan ko at sinabi ang forever na yan pero sa huli kapag nanghina yung isa at hindi ito sinagip nung isa ay madalas mauwi sa hiwalayan. Sa tingin ko sa huli niyo pa mapapatunayan kung meron talaga. Kailan ba mag uumpisa at kelan mo mapapatunayan na may forever? Kapag ba kinasal na kayo? Kapag ba sa huling hininga mo ay siya pa rin ang nasa harap mo?sa halip na hanapin ito. Bakit hindi na lang iparamdam na sobrang mahal mo siya at importante sya sa buhay mo? Magkakaroon lang nyan kapag willing kayong gawin yun. Kapag sobrang mahal niyo ang isa’t-isa. Kapag walang pride na sobrang taas, sobrang tiwala at faith, marunong mag sorry kapag may kasalanan at marami pang iba. Kaya EASYAHAN lang. Enjoy mo lang yung process kaibigan
pero naman siguro to aabutin ng forever ang kwento ko na to