"ENERGY! SIGE IYUGYOG PA!"
*Twerk it like Miley Zumba remix"
Todo hataw ako sa pagsayaw habang sinusundan ko ang bawat steps ng Zumba Instructor sa harap. Araw-araw nasa routine na nya to kaya kabisado ko na kahit pumikit ako. Ramdam ko ang pag alog ng aking bilbil habang nagttwerk tulad ng instructor sa harap. Feel na feel ko ang sayaw na parang isang sexbomb dancer sa Eat Bulaga.
Tagaktak ang pawis ko pero wala akong pake, giling kung giling ikaw nga."Perfect!"
Napadilat ako nang sumigaw ang instructor, nangangahulugang tapos na ang Zumba. Nagpunas ako ng pawis ko at dinampot ang mga gamit ko. Grabe! Lapot na lapot ako kakasayaw!
Papunta sana ako sa restroom ng madaanan ko ang mga seksing nagamit ng treadmill. Di ko maiwasang di maingit sa kanila, pero fighting lang! Kaya to!
"You're a good twerker huh"
Napapitlag ako ng may biglang tumapik sa akin. Paglingon ko, yung bwisit na hunk dito sa gym pala yon.
"And so?" Mataray kong sagot
"Aren't you glad, I complimented you with that?" Mayabang nyang sagot sa akin. Napairap ako at inis na lumakad palayo
"HEY! HINDI KA NA NGA MAGANDA, ANG TABA MO PA! HOW DARE YOU WALK AWAY!?" Siga nya.
At bigla kong naramdaman ang thunderbolt ni Pikachu na dumadaloy sa aking bloodstream.
Hinarap ko sya at ngumiti ng sobrang tamis. Napansin ko ang takot ng mga seksing babae kanina ng makita ang itsura ko.
Killer smile.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya habang hindi naaalis ang ngiti sa labi ko.
"You know what Junatan, I am fully aware that I'm thicc, I'm proud of that, but I hate to burst your bubble, I am not as ugly as you are! Kami nga pangit na pangit sayo pinagsisigawan ba namin?" Tinignan ko sya mula ulo mukhang paa. Narinig ko ang tawanan sa paligid. Lumapit ako ng konti sa mukha nya na para bang hahalikan sya. Pero umaktong nabahuan at dahan dahang lumayo
"If you can maintain your figure, why not maintain your personal hygiene? Ambaho ng hininga mo! Dami mong ebas!"At tinalikuran ko syang tulala.
Medyo nakakasira ng morning ang ganon eksena. After ko mag freshen up ay dumiretso na ako sa aking coffee shop.
Alas 9 ng umaga ng makarating ako sa Daius Blend, bukas na ito at medyo marami ng customer. Pagpasok ko palang ay naamoy ko na agad ang aroma ng kape. Malawak ang coffee shop ko, karaniwan sa mga customer ko ay suki na dito, limang taon na mula nang suungin ko ang negosyo na to, suntok sa buwan pero naging successful. Hindi puno ang counter dahil kakaiba ang desenyo ng coffee shop ko. Pwede kang pumili ng pwesto na gusto mo. Kung loner ka at gusto mong sumalampak mag isa, may lugar na pwede, medyo malayo sa group table para di masyado maingay at may maliit na table, bawat lugar ay may bookshelf para pwede mong iwanan ang libro na kinuha mo, may sofa's din para sa malaking squad at syempre may table for four at two para sa mga small groups. Sa table ay may sockets at pwede kang mag charge, malakas din ang wifi dito kaya marami ang students na nagpupunta para gumawa ng thesis. Hindi rin masyado maingay at kalmado, makakapagisip ka talaga, did I mention na sa tuktok ang pwesto nito kaya tanaw mo ang dagat sa kanan at ang buong subdivision sa kaliwa. Naaalala ko pa noong nag decide ako na itayo ang coffee shop na to, ang lupang kinatitirikan nito ay pagmamayari ng matalik na kaibigan ng lolo ko, ipinahiram nya sa akin to dahil malaki ang utang ng loob nya sa lolo ko. I have the papers with me, at ayon sa aming Agreement, kung sakaling mawala na siya ay ipapamana nya to sa isa niyang apo at yon ang makakatransaksyon ko. Limang taon naman na ang lumipas, wala pa ring napunta para iclaim ang lupang ito, 1,000 square meters ang laki nito.
"Good morning Miss Dai! kamusta ang zumba!? HAHAHAHA" Nagulat ako nang batiin ako ng kahera kong si chin. Napasimangot ako sa kanya dahil naalala ko nanaman yung nangyari sa gym kanina.
"Good morning chin! Badtrip ako sa gym kanina HAHAHA" Sagot ko sa kanya.
Weirdong tinignan ako ni Chin dahil natawa ako. Nang mapansin ko ito ay kunyari naging masungit ako.
"Inay ko po! Nakakatakot ka talaga pag ginagawa mo yan!" Sabi ni Chin.
"Same routine, hays. Chin? Pumapayat na ba ako?"
"Uhm Miss Dai! Di naman ako timbangan! Magtimbang ka kaya!?"
"Hmmm ayoko! Baka mastress lang ako! Osya, jan ka muna, kunin ko lang gamit ko at dun lang ako sa Quiet Lounge pag may naghanap sakin, gonna work my ass off para may ipasahod ako sa inyo" sagot ko then I winked at her.
"Copy that Miss Dai, dalhan kita ng Blueberry Cheesecake at black coffee"
Isa sa mga sikreto para sa maayos na negosyo ay ang maayos na pakikitungo sa mga empleyado mo. Kinuha ko ang laptop ko, mga papeles at planner. Nagtungo ako sa Quiet Lounge, eto yung pinaka favorite na spot ko dito sa shop, eto yung nakasalampak ka lang at overlooking sa dagat katabi to ng couples area at double dates.
Kahit na nakasalampak ang mga nandito, nakakatuwang tignan na some businessman ay dito napwesto dahil nakakarelax talaga, nakagawian na naming magtanggal ng sapatos pag nasa area na to, para feeling at home talaga.
Napatingin ako sa nasa harap ko, sa loob ng limang taon ay halos pamilyar na sa akin ang mga mukha ng customers ko, he's a businessman at mukhang suplado yung tipong ayaw sa maingay at magulo.
Binalik ko ang tingin ko sa mga documents na nasa harapan ko at nagsimula ng magtrabaho. Dumating din si chin at inihain ang cheesecake at coffee ko.
Medyo naistress na ko sa mga pinaggagawa ko kaya tumigil muna ako at napansin kong magtatanghali na pala. May pinindot ako na button sa lamesa at lumabas ang tablet na nakakabit dito, yes! Pwede kang mag order kahit nasa table ka na, no need ng pumila, para naman sa payment, pwedeng cash, card or membership ang gamitin. Ang bongga no? Nag order na ako ng grilled chicken breast with peanut sauce, creamy carbonara with shrimp at Mango fruitshake. Ilang minuto lang ang hinintay ko at dumating na si chin dala ang lunch ko.
Nilantakan ko kaagad ang Carbonara, grabe! Ang sarap! Teka, Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Daius Anthelion Nile, 27 years old, 200 pounds at 5'6 ang height ko. Never akong pumayat sa talambuhay ko. I love foods kaya tinayo ko ang Daius Blend, ang Degree ko ay Communication but I took business course para may alam ako sa business. Ang pamilya ko, lahat sila ay nasa USA, nagpaiwan ako dito dahil ayoko ng buhay sa USA at isa pa, namimiss ko si lolo. Walking distance lang ang Ancestral House ng pamilya namin dito sa coffee shop kaya hindi mahirap umuwi. 2 lang ang maid namin sa bahay tagalaba at taga linis lang, ako lang ang nakatira sa Ancestral House, di naman nakakatakot kasi di masyado malaki. Mas pinili nila ang buhay sa America kesa dito sa Pilipinas, pero ako, I'll never leave Philippines dahil masaya ako dito.
"Do you always eat like that?"
Nagulat ako at natigil sa pag papakilala sa inyo nang magsalita tong lalaking nasa harap ko.
"I'm sorry?" Sagot ko
"I said, do you always eat like that?"
"Yes, may problema ba sa kinakain ko?" Balik na tanong ko.
"Wala, I just remember someone, ganyan din ang favourite, pero that was long time ago. Forget it" sagot nya at napatigil ako.
Napakibit balikat ako at bumalik sa pagkain ko. Inisip ko, customer sya at di dapat ako maging rude.
Tumayo nalang ako at pumunta sa opisina. Patago Kong kinuha ang timbangan at tinimbang ang saril, 208lbs. Shit. Sayang Zumba! bakit kasi ansarap ng pagkain dito eh huhu.
YOU ARE READING
Pumapayat Na Ba Ko?
Romance"Maganda ka sana kaso MATABA ka" Yan ang paulit ulit na sinasabi sa akin ng mga tao, nakakaumay na. Ang daming beauty standards ng lipunan pero hindi ako nagpapaapekto, nasa akin ang desisyon kung mag dadiet ako o hindi! Dahil dito, naging linya ko...