"Ayoko na! Jusko, Basic Accounting palang 'yon pero parang bibigay na ko!"
"Marge, wala pa yan sa mga subjects natin next sem. Balita ko madami daw bumabagsak sa financial accounting. Hindi ka pwedeng sumuko girl." Ani Stacy habang niyuyugyog ako.
"Ayoko na Stace, di bale nang itakwil ako ng pamilya ko kaysa itakwil ako ng utak ko. Kahit sya aminado na di ko kaya" naiiyak na sambit ko.
Paano ba naman kasi. Isang linggo lang ako nawala. Pagkatapos ituro ang adjusting entries bago ako mawala, pagbalik ko tapos na sila sa Bank Reconciliation.
Hindi ko makuha sa self study. Shit yan! Hanep na measles yan. Gandang tumiming eh.
"Alam mo mabuti pa, mag sign up ka sa tutorial class na inooffer ng JPIA. Magagaling daw ang mga nakuha nilang estudyante. Balita ko nga daw andun yung highest sa entrance exams eh. At eto pa, andun daw si Randall Clarence Montero the Third!" Singit ni Helen.
"Sino naman yung Randall na yan?" Takang tanong ko.
"Yun yung gwapo sa Second Year. Anak ng isa sa founders ng GSV Firm. Sobrang papable daw sis!"
"Search nga natin sa Facebook!" Aya ko sakanila.
Randall Clarence Montero.
Wala.
"Bakit walang lumalabas?" Taka ko.
"Try mo Montero baka may mutual na." Suhestyon ni Helen. Agad kong sinubukan ang apilyidong iyon.
"Third Montero! Sya ito for sure!"
Agad naming binusisi ang profile nya.
"Shit ang gwapo nga, ba't di natin sya nakikita?" Tanong ko.
Brown eyes, chiseled face, pointed nose, red lips. Tangina, tao pa ba 'to?
"Hindi mo talaga makikita yan girl. Bukod sa madalas syang isali sa mga academic contests, madalas din daw yang tambay sa library, e allergic ka don diba?" Agad akong napairap sa pasaring ni Helen.
"E kasi naman, sobrang lamig kaya dun, pag sinusubukan kong mag-aral, nakakatulog lang ako." Sagot ko.
Nag scroll pa kami sa profile nya. Bihira sya magpost ng pictures. Tanging cover photo na last year pa, at profile picture lang last month ang laman non. Marahil ay hindi ito nakikita ng mga hindi nya friends.
Walang pasubaling in-add ko sya sa facebook.
Good lords, sana i accept!
"Gaga, di daw nag aaccept yan. Tignan mo wala pang 300 yung friends nya. Wag kana umasa" ani Helen.
"Malay mo di'ba? Pag ako inaccept who kayo saken"
Bago matapos ang free time ay pinauna ko na muna sila sa room.
I have to sign up for the tutorials. Ayoko nang dagdagan pa ang problema ni Mama.
I knocked on JPIAroom's door. When no one answered, I decided to open the door and take a peek inside.
I was surprised to see nobody there. Ang akala ko ay palaging may in charge sa room na iyon.
"Excuse me?" Isang baritong boses ang nagpatigil sa akin.
I turned around to see the 'Third Montero' right in front of me.
Tangina. Napakagwapo.
"Do you know that this is for authorized people only?" Para akong nanlalambot ng marinig iyon mula sakanya. Sungit pala nito!
"Uh, sorry, I knocked thrice before opening naman, may kailangan lang talaga akong itanong. Pasensya na." Napayuko ako at nagkumahol makaalis don kung hindi nya lang ako pinigilan.
"Yes?" I managed not to stutter while looking straightly at him
He didn't speak. Instead, he looked down to where my handkerchief was.
Dali dali kong pinulot yon saka umalis don. Dibale na, saka nalang siguro ako babalik kapag dismissal na.
Crush ko na sana sya. Kaso saksakan ng sungit. Daig pa nya babae.
The rest of my day revolved around the thought of seeing Third again. Napagalitan pa nga ako ng professor namin sa Literature nang mapansin nyang tulala ako.
"Stacy, Hel, una na kayo. Kailangan ko na asikasuhin yung application ko sa tutorial sessions ng JPIA." paalam ko sakanila.
"Ingat girl, update us pag nakita mo si pogi ah" biro ni Stacy.
Hindi ko pa naikwento sakanila ang nangyare sa JPIA room kanina. Bakit pa, e tiyak aasarin lang nila ako.
Nang makarating ako sa room nila, laking pasalamat ko nang makitang bukas ang pinto at iilang estudyante lang ang nandoon.
"Good afternoon po, nandito po ba si Kuya Kyle?"
Si Kuya Kyle ang president ng JPIA. Sya din ang pinakaunang crush ko dito nung simula palang ng klase. Sobrang gwapo nito, yun nga lang ay may long time girlfriend na ito, kaya naman madali kong iwinaksi ang crush ko sakanya.
"Hello, wala si Kyle ngayon eh. Mag apply ka ba sa tutorial sessions? Ako nga pala si Selene" isang matamis na ngiti ang iginawad nito sakin.
Isa si Ate Selene sa mga campus crushes dito. Bukod sa matalino, sobrang ganda din nito. Anak din sya ng dating beauty Queen na si Solana Mendez.
"Opo ate, san po ba yung fifill out-an na form?" Sagot ko
"Halika dito. Online forms na kasi ang pinapa fill out namin sa applicants. We will send you an email containing the name of your assigned tutor, the topics, and the tutorial schedule. After namin ma collate lahat ng information today, dun lang namin ma i aassign ang mga tutors nyo. Kailangan kasi itugma ang schedule nyo. " paliwanag nya.
Agad kong sinagutan ang form. Nakakatuwa na may ganito silang program para sa mga students. Talagang nag effort sila para makatulong.
Ilang sandali lang ay natapos agad ako sa online form at nagpaalam kay ate Selene at napagpasyahang umuwi.
Ilang dipa palang ang layo ko mula sa bahay ay may narinig akong malakas na sigaw. Si Mama!
"Ma, anong-"
Ilang basag na plato ang bumungad sakin. At si mama, akmang sasampalin ni Gary. Ang stepfather namin.
"Tigilan mo yan! Ipapapulis na talaga kita" agad kong sinubukang hilahin palayo kay Mama ang hayop na amain ko. Hindi batid sakin na lasing ito kaya si Mama nanaman ang napagbuntunan.
Dahil sa matinding kalasingan, madali kong nailayo siya kay Mama.
"Huwag kang makikialam dito kung ayaw mong madamay kayo ng kapatid mo! Yang nanay mo, may lalaki yan! Wag mo masyadong sinasamba yang malandi mong nanay! Pasalamat kayo't hindi ko kayo pinapalayas sa kabila ng kaputahan ng nanay mo!" Sigaw nya habang dinuduro kami ni Mama.
Ganito palagi ang eksena pag lasing sya. Hindi ko alam kung saan nya nakukuha ang mga sinasabi niya ngunit natitiyak ko na hindi ganoon si Mama. Tatlong taon na din nyang tinitiis ang ganito sa puder ng amain kaya alam kong mahal na mahal sya ni Mama.
"Sige na anak ako na ang bahala sakanya. Maya maya ay tiyak makakatulog na din sya sa kalasingan. Pasensya ka na at ito ang bubungad sayo"
Nang matiyak na patulog na si Gary, iniwan ko na sila. Masyadong nakakapagod ang araw na ito. Physically at Mentally.
BINABASA MO ANG
Lessons Of Love (Accounting Series)
Romance"The video. I want to hear you first. It's fake right?" He asked. As if trying to convince himself that it was all fake. "It's real. We did it. I cheated on you." I answered with conviction, not letting him notice how I badly want to breakdown in fr...