GEO-X1%

25 1 0
                                    

Pawisang naghahabol ng hiningang bumangon si Yuki sa kanyang kama.

Napahawak ito agad sa kanyang dibdib.

Yuki: *dinugdog ang kanyang dibdib* magbabayad kayo.... *hingal*

Bigla niyang inabot ang baso ng tubig malapit sa kanyang kama at naglabas ng tableta ng gamot para sabay itong inumin.

Sunud-sunod ang paglagok niya kaya mabilis na naubos ang tubig sa kanyang baso.

Naibsnan man ang kanyang hingal ay bakas pa rin sa mukha niya na may napanaginipan siyang Hindi maganda.

Yuki: *binaba ang baso*

Pagkababa niya sa baso ay agad siyang pumunta sa banyo.

Naghilamos siya at tinitigan ang sarili sa salamin...

Yuki: joker...

Nang banggitin ni Yuki ang salitang joker ay bigla na lang siyang nagalit, nanlisik ang mga mata at sinuntok ang salamin sa kanyang harapan.

Dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya ay nasugatan ng husto ang kanyang kamay at tuluy-tuloy na dumaloy ang dugo sa salamin at pumatak ang iba sa lababo.

Yuki: magbabayad ka... *hingal*

Sa kabilang banda habang nasa loob ng banyo si Yuki ay may isang babaeng nakatayo sa isang napakataas na gusali.

Natatakpan ng dilim ang kanyang mukha ngunit makikilalang Babae ito dahil sa damit nitong tila isang night gown na kulay pula.

Nakatayo ito sa pinaka dulo ng gusali at may hawak na baril.

Ang baril ay dahan-dahan niyang iniaangat at unti-unti rin niya itong tinututok sa kanyang noo.

Gamit ang isang kamay ay nanginginig niyang itinutok ang baril sa kanyang noo. Maya-maya pa'y inalalayan na ito ng isa pa niyang kamay .

Biglang umaliwalas ang kalangitan.

Nangislap ang isang silver na bracelet sa kanyang pulsuhan at maaaninag ang tila maliit na simbolo ng bituin sa kanyang leeg.

Babae: h-hindi ko na kaya! -sabi niya ng may panginginig sa kanyang boses.

Ipipihit na sana niya ang gatilyo ng bigla niyang ibinaba ang kanyang mga kamay.

Babae: n-na..tata..kot a-ako...

Muling natakpan ng mga ulap ang buwan at nagdilim.

Sa tabi ng Babae ay biglang may sumulpot na tao. Lumapit ito sa Babae at may ibinulong.

Maya-maya pa'y tumawa ang babae na parang baliw at mabilis na pinutok ang baril sa kanyang noo.

*Baaaaaaaang* -tunog ng baril

Inalalayan ng tao ang Babae at biglang itinulak dahilan para malalag ang katawan nito.

3rd person's p.o.v

Maling pagkitil sa kanyang buhay...

Hindi siya pumasa.....

Ang kamalian ay walang puwang sa GEO-X...

Ang desisyon niya ay nauwi sa wala...

Kailangang makahanap ng bagong miyembro....

Ang Katapusan ay malapit na... Isang namumukod sa lahat ang mamumuno...

Boses sa isipan: Kamusta na ang pinapabantay sayo?

Taong nakatayo sa gusali: Hindi siya pumasa...nagkamali siya...

Boses sa isipan: Ha-ha ..kung ganuon nasan na siya?

Taong nakatayo sa gusali: .....tinatanong pa ba yan?

Boses sa isipan: TSS...kahit kailan talaga Jin malinis mong ginagawa ang inuutos sayo.

Jin: Hmmmp... May sasabihin ka pa ba?

Boses sa isipan: Wala na...Kaso lang kulang pa rin tayo...

Jin: *ngumisi* tapos ka na ba? *tumingin sa buwan* ...malapit na...

Boses sa isip: Ano yun jin?....

Jin: wala yun...

Boses sa isipan: Aaa sige...nga pala Pwede ka ng pumunta sa susunod mong misyon...

Jin: *pinatunog ang leeg sabay tumalon sa gusali*

End of p.o.v

Isang malaking anino ang sumalo sa kanya ng siya'y tumalon sa gusali.

Para itong isang malaking ibon kapag makikita. Mabilis na nawala ang lalake at ang aninong ibon sa himpapawid.

Unti-unti namang umaliwalas muli ang langit.

Ang katapusan ay malapit na...

Isang namumukod sa lahat ang magpapakita...

Sa ilalim ng bilog na buwan...

Mula sa kadiliman...

-G.E.O X1%-

Pahapyaw pa lang yan kaya pagpasensyahan niyo na po ako.

Fantasy po ang istoryang ito.

May Romance ba? Oo, meron sa storya pero matatambakan ng aksyon( ma-ala-anime).

Kailan po kayo mag-uupdate?

I cannot say Kasi past time ko lang talaga ang magsulat at alam Kong alam niyo na me-kanya-kanya tayong buhay. Besides, may pahapyaw naman kaya waitsung lang. Okay po *smile*

GenEratiOn X (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon